Soul 11: Better Or Worst

31.8K 1.6K 40
                                    

"Because you never know how twisted your life can be..."



AVERY


Nakaupo kami sa harap ng isang maliit na mesa. Nahihiya si Rein dahil sa ginawa ng Lolo niya at hindi siya makatingin nang diretso kay Zirrius. Napapansin ko ang pamumula ng mukha niya. Nakaupo sa tabi ni Rein si Lolo Zark na halatang tuwang-tuwa pa rin dahil sa biglaang pagbisita ni Zirrius sa maliit nilang baryo.


Huminga nang malalim si Rein at tumingin kay Zirrius. Her lips were thin. It looks soft. Hindi ganu'n katangos ang ilong niya pero bagay ito sa maamo niyang mukha. "Pwede mo bang ipaliwanag sa 'kin kung ano ang nangyayari kanina?" saad ni Rein sa malamyos na tinig. Mababa lang ang tono niya pero mukhang natural at hindi nang-aakit. Hindi ito katulad ng tinig ni Liana. She was so gentle when she was speaking.


Malalim na bumuntong-hininga si Zirrius. Seryoso siyang tumingin kay Rein. Matiim at malalim. "Zirrius, kung hindi mo napapansin, naiilang siya sa titig mo," pang-aasar ko sa kanya.


Bahagyang kumunot ang noo ni Zirrius dahil sa sinabi ko. "Bakit?" takang tanong ni Zirrius sa 'kin. Malakas lang akong tumawa. He was not aware that the girl has a crush on him. Muling humugot ng malalim na hininga si Zirrius dahil sa pag-aakalang pinagti-trip-an ko lang siya. Hindi na ako nagkomento pa sa napapansin ko kay Rein dahil baka lumaki lang ang ulo ni Zirrius. But for me, Rein was better than Liana. Parang gusto ko tuloy maging match maker para sa kanilang dalawa.


Zirrius cleared his throat. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento. "May ibang kaluluwa na pumasok sa katawan ko. Hindi ko rin alam kung paano nangyari," he said. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Rein. She was so adorable.


Muling bumuntong-hininga si Zirrius na tila nahihirap. "She's an el--" he added but I cut him off.


"Fuck! Don't dare say my name or where I came from! Or what I am! I told you!" naiinis na banta ko kay Zirrius. Bigla akong kinabahan dahil sa isinisiwalat niya sa mga taong kaharap.


"I'm doing my best and they need to know what you are," he said with irriration inside his mind.


"She's an elf," he said finally. I gasped.


"Wala ka ba talagang pakialam sa 'kin, Zirrius?" naiinis na tanong ko sa kanya.


"Meron! Gusto lang kitang tulungan," he said.


"No! Hindi mo ako tinutulungan. You're just being selfish!" naiinis na saad ko sa kanya.


"And you're being selfish too!" naiinis na sabi niya sa 'kin. Natigilan ako. "Hindi mo inisip kung ano ang mangyayari sa 'yo kapag umalis ka sa katawan mo. You didn't even think of the burden you will cause for the person's body you might enter! You're the one who's selfish here! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa Elfania pero gusto mo akong papuntahin doon. I can't come with you. I don't want to abandon my kingdom. I don't want to abandon my responsibility," mariing saad niya sa isip niya. If only I have eyes, I would surely start to cry. Bumigat ang pakiramdam ko. His jaws tightened. Nasaktan ako. Pakiramdam ko tinutusok ng matatalim na sibat ang kaluluwa ko. I know. It's really my fault. I'm the only one to blame for my misfortune and mistakes. Mali ba talaga ang desisyon ko? Wala na akong ibang masabi sa kanya. Tama siya. May kaharian siyang kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi siya pwedeng pumunta sa malayo para lang sa 'kin. Kaano-ano ba niya ako?

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon