ELEVEN

1.9K 55 0
                                    

CHEL'S POV

11:30 na nung matapos yung movie na pinanood namin.

As usual, yung mga kasama namin, ang bibilis nagsi-akyatan kaya heto kami, naglilinis ng pinaggalingan nila.
Si Jovs, Jheck, and Ate Tina nalang ang kasama ko dito.

"Ay Ate Tina!" -ako

"Oh?" -Ate Tina

"Di pala kami makakasabay sa van bukas papunta kina Jaja ah."

"Bakit naman? Ayaw mo yun, para sabay-sabay tayo?" -Ate Tina

"Eh, nakalimutan ko kasi bumili ng regalo eh. Papasama nalang muna sana ako kay Jovs bukas."

"Oh sige. Pero alam niyo ba yung daan papunta sa kanila?" -Ate Tina

"Hindi po."

"Ako nalang sasabay sa inyo, alam ko naman kung saan yung bahay nila eh." -si Jheck naman.

"Sure ka ate Jheck?" -Jovy.

"Oo naman." -Jheck

Nagkatinginan naman kami ni Jovs. Kahapon pa kasi tahimik si ate Jheck, may problema ata siya.

"Okay ka lang po Ate Jheck?" -Jovs

"Oo naman! Cge akyat na ako sa kwarto ah! Goodnight!" -Jheck

"Good night!" Sabi nalang namin.

"Anyare dun Ate Tina?"  tanong ko

"Nagkita ata sila kahapon ni Panaga." -aye Tina

Ayssh.. kaya pala. Ex kasi ni ate Jheck si Panaga. At medyo hindi naging maganda yung paghihiwalay nila.

"Panaga? Jeanette Panaga?"- Jovs

"Yup! Bakit kilala mo?" -ako

"Batchmate ko siya. Anong kinalaman niya kay Ate Jheck?" -Jovs

"Ex." Sabi ko at nakita ko naman yung gulat niya.

"Ohhh." -nasabi nalang niya.

"Oy kayong dalawa dyan! Walang papagabi masyado ah. Akyat na din ako at inaantok na din ako." -Ate Tina

Pagkaakyat ni Ate Tina kami nalang ni Jovs ang natira.

"Inaantok ka na?" tanong niya sa akin

Ayoko pang matapos tong araw na to. Nag e-enjoy ako dahil kay Jovs.

"Hindi pa eh. Ikaw?"

"Hindi rin eh." siya ng nakangiti ng malaki

"Anong gagawin natin?" -Jovs

"Ewan ko." Sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya at ipinatong yung ulo ko sa balikat niya.

"Gusto mo ng hot milk? Gawan nalang kita para antukin ka?" -lingon niya sa akin.

"Cge." sabi ko at tumayo na siya. Iniabot ko naman yung dalawang kamay ko sa kanya para magpahila.

Ewan ko kung anong nakain ko nung nakita ko yung lean niyang likod, bigla mo nalang siya bi-nuck hug ng wala lang. Medyo nagulat pa siya pero naglakad din kami papuntang kitchen.

Umupo muna ako habang tinitimplahan niya ako. Nang matapos siya ay inilapag niya sa harap ko yung mug.

"Nilagyan ko ng vanilla. Tikman mo, masarap." sabi niya ng nakangiti.

Humigop naman ako at tinignan siya.

"Dapat nakangiti ka palagi ha? Ayoko nang seryoso at ayokong nakikita kang lumalayo sa mga tao. Gets?"

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon