CHAPTER 32

5.5K 154 1
                                    


Maaga akong kumilos para pumasok. Today, I'm proudly to say na ni isang beses, hindi pumasok sa utak ko si Sir. Yuji. Ewan ko ba kung bakit, siguro dahil tapos na yung Mathlete at hindi na kami nagkakasama. Si Ms. Lina na nga palagi nyang kasama nung mga nakaraang araw, ang sweet pa nila. Edi sila na! Magsama sila.

Pagdating ko sa campus, nakita ko agad si Thunder na nakasandal sa gate at halatang may inaantay sya.

"Oy." Nakatingin kasi sya sa kaliwa e sa kanan ako dumaan.

"SHA!" *hugs*

Pinagtitinginan kami nung mga dumadaan ng yakapin nya ko. Sa totoo lang pag kasama ko si Thunder, hindi ko na kailangan ng teddy bear e. Nandito naman sya para bigyan ako ng free hugs.

"Thunder, you really need to stop hugging me in public."

Bumitaw naman sya agad at nagpout sakin.

"Ayaw mo bang niyayakap kita? Buti nga binibigay ko sayo yun ng libre, dun sa school namin? Nako, kailangan mo pa makipagunahan bago mo ko manakawan ng yakap."

He smirked. Nasabi ko na ba sainyong heartrob yan sa school nila? May grupo sila actually, anim silang mga naggagwapuhan noon sa campus at isa ako dati sa fan's club nila, kasi nga crush ko noon si Thunder. Baliw na baliw ako dati sa lalaking yan. Makabangga ko lang yan dati, halos ikamatay ko na.

"Thunder, kakawala lang ng issue tungkol sakin dito sa campus diba? Ngayon niyayakap yakap mo ko, sabihin na naman nila ikaw naman nilalandi ko."

Sabay kaming pumasok sa loob ng campus at halos lahat ata ng nadadaanan naming babae nakatingin sakanya at kinikindatan naman nya.

"Hoy!" Sita ko sakanya sabay hampas sa balikat nya.

"Aray naman! Sha!" Hawak hawak nya yung balikat nya at tinitingnan nya ko ng masama.

"Nagsasalita ako dito tapos lumalandi ka dyan, bumalik kana nga sa school nyo. Landi landi neto, ikaw hindi ka talaga nagbabago no?" Inirapan ko sya at inunahan ko syang umakyat ng hagdan.

Hinahabol nya ko pero hindi ko sya pinapansin. Bahala ka dyan, malandi ka.

"Shaaaa, uyy!" Para kaming magbf/gf na nagkatampuhan kung habulin nya ko sa hagdan.

"Sorry na Sha, ito naman e."

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko at pinigilan ako maglakad ng harangan nya yung dinadaanan ko.

"Remember, ganitong ganito tayo dati?"

"Oh, tapos?"

"That moment na hinarangan kita dahil nagtatampo ka and then I kiss--" Hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya ng takpan ko ang bibig nya.

"Tapos na tayo dyan, pinapaalala mo pa. Ulitin mo pa yan at--" Bigla akong natigilan sa sasabihin ko ng dumaan si Sir. Yuji sa likod ko paakyat ng hagdan.

Tinanggal ko agad yung kamay ko sa bibig ni Thunder at tinago ang mga kamay ko sa likudan ko.

"Bilis! Pag tayo naunahan nun sa room, late tayo!" Hinablot ko agad yung kamay ni Thunder paakyat sa 5th floor pero wala, naunahan parin kami ni Sir sa room.

"Ang bagal mo kasi!" Sisi ko pa kay Thunder.

"Ba't ako? Ikaw tong nagtampo tampo pa kanina kaya natagalan tayo sa hagdan."

"Ako pa? Ikaw tong mala--Tara na nga!"

Nasa tapat na kami ng room pero nagdadalawang isip akong buksan yun dahil pangalawa natong late kami at magkasama na naman kami. Good job Karlota, konti nalang jajackpot ka na naman kay Sir.

"Bubuksan mo ba yan o mananalangin kapa?" Dungaw ni Thunder sa gilid ko kaya binatukan ko naman sya.

"Aray! Ikaw Sha, mapanakit ka talaga sakin!"

Hindi ko na sya sinagot ng buksan ko na yung pinto. Asual, lahat nalipat ang tingin samin lalo na yung nakakatakot na pagmumukha ni Sir.

"You are la--"

"I know, I know Sir, I'm sorry p--"

"LET ME FINISH, MS. BRIONES."

Ang tapang ng mga tingin nya sakin na kahit kailan hindi ko pa nakita.

"Kung may problema kayong dalawa, wag nyong sa hagdanan inaayos at magdadahilan na naman kayo na late kayo. This is the second time that you two are late in my class."

Nagbubulungan yung mga kaklase ko samin. Hindi naman ako makasagot kay Sir, dahil ngayon ko lang sya nakitang ganyan kung magalit at sa akin pa. I mean, saming dalawa ni Thunder.

"You two, take your seat." Agad naman kaming pumasok sa loob ng classroom at umupo sa mga upuan namin.

Ni hindi ko sya matingnan sa mata dahil for the first time natakot ako sakanya.

"Sa susunod na late na naman kayong dalawa sa klase ko, wag na kayong pumasok."

And there I am, hiyang hiya sa sarili ko. Pinagbubulungan na naman ako ng mga kaklase ko, tumataas yung alta presyon ko sakanila pero di ko naman sila magawang sugurin.

Nagsimulang magdiscuss si Sir sa harapan nang buong isa't kalahating oras hanggang sa matapos ang klase nya samin. Umalis sya ng classroom ng hindi ako tinitingnan sa mata. Parang nahurt naman ako, dati lagi nya kong sinusulyapan bago sya umalis ng classroom e.

Paglabas ni Sir, sya namang lapit ni Thunder sa upuan ko.

"Uy Sha, I'm sorry." Nakayuko sya halatang sinisisi nya yung sarili nya kung bakit kami napagalitan ni Sir kanina.

"Sus, wala yun. Wag ka ngang sumimangot, ang panget mo."

Natawa naman sya sa sinabi ko sabay pisil nya sa pisngi ko. Nginitian ko lang sya at tumabi na sya sakin tutal tapos na naman klase ni Sir. Sunget. Nagkukwentuhan lang kami habang nanonood sa phone nya, mahilig kasi kami dati manood ng funny vids kaya yun naisipan naming manood ulit ngayon habang nagaantay ng prof. Tawa kami ng tawa sa pinapanood namin habang nakasandal sa mga upuan namin ng lapitan kami ni Penny.

"Char, Travis, diretsehang tanong tutal pinagchichismisan na kayo ng mga kaklase natin."

Nakatayo sya sa harapan namin at sa lakas ng boses nya nakatingin samin lahat ng mga kaklase namin.

"Pinagsasabi mo Penny?" Tanong ko pa.

"Kaibigan mo ko Char, kaya kesa makichismis ako sa mga kaklase natin, sainyo nalang ako mismo magtatanong....Kayo ba?"

Napataas ang mga kilay ko sa tanong nya, anong kami? Oo, close kami ni Thunder pero walang kami no. Ang tahimik ng classroom halatang nagaantay ng isasagot namin.

"Hin--" Ako sanang sasagot ng unahan ako ni Thunder.

"Oo, kami ni Charlotte."

Bigla akong napatingin sakanya pero nginitian nya lang ako sabay gulo nya ng buhok ko. Tumayo pa sya at humarap sa mga kaklase namin.

"Charlotte and I are in a relationship, kaya kung may ikakalat kayo tungkol saming dalawa, yun ang sabihin nyo. Boyfriend nya 'ko, at girlfriend 'ko sya. Kung may problema kayo saming dalawa, Ako ang lalapitan nyo at hindi sya."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya kahit ang mga kaklase ko hindi makapaniwala. Gusto kong umapela but he just glared at me na parang sinasabi nyang 'Makisakay ka nalang.' Ang sarap nyang batukan pabalik ng Mars pero wala na, nasabi na nya lahat.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon