CHAPTER 33

5.4K 147 5
                                    


*PAK!*

"Bakit mo sinabi yun?! To think na wala naman si Sir dun para pagselosin natin!"

*PAK!*

"Anong pumasok sa utak mo? Pano pa magseselos nun si Sir, pag nalaman nyang taken na ko?"

"Sha--

"Wag kanang magsalita!"

*PAK!*

Kanina ko pa hinahambalos ng walis si Thunder ng hilahin ko sya sa drinking area. Hindi ko kase magawa yun pag nasa classroom kami.

"Sha, let me explain!" Pigil pa nya pero pinapalo ko parin sya ng walis.

"You did! And what did you said earlier?"

"Um..Atleast boyfriend mo na ngayon yung crush na crush mo dati?"

Umikot pa ko at naghanap pa ng dust pan na ipapalo sakanya.

"Sha naman! Joke lang ito naman e, hindi mo ba naisip na lalong magseselos si Sir mo pag nalaman nyang tayo na?"

"Oo sa una siguro nga magseselos yun pero paano pag tumagal? He will lose interest Thunder!"

*PAK!*

"AH!! Sha, bitawan mo yan isa!"

Nakorner ko na pala sya sa fence at nakakapit na sya dun na parang tarsier.

"Sana tinanong mo muna ako! Dapat talaga hindi na tayo nagplano ng ganito e! NBSB ako, at alam ng lahat yun tapos biglang taken ako? at SAYO pa?!"

"Bakit gwapo naman ako ah?"

*PAK!*

"AHH! GUARD!!" Sigaw nya pa at sya namang dating nung security guard na nagbabantay ng gate.

"Anong nangyayari dito?"

"Guard! Pigilan nyo yan kanina pa namamalo yang babaeng yan!" Tinuturo turo pa ko ni Thunder habang nakaakyat na sya sa fence.

"Iha, ibaba mo yan. Pwede kang madisciplinary office sa ginagawa mong yan."

Lumingon naman ako agad kay Manong guard sabay titig ko ng masama sakanya.

"Kuya, boyfriend ko yan at nahuli ko yang nambababae. Paano kung kayo nasa sitwasyon ko at nahuli nyong nanlalalaki ang asawa nyo?"

Napaisip pa si Manong guard sa sinabi ko at akmang inabot pa nya sakin yung batuta nyang nakakabit sa uniform nya.

"Ito ipampalo mo sa lalaking yan ng matauhan. Ang ganda ganda mong bata nakuha kapang lokohin ng lalaking to? Hala sige paluin mo! Paluin mo!"

"What?!" Takot na tanong pa ni Thunder pero hawak ko na yung batuta na iniabot sakin ni Manong guard.

"Maiwan ko na kayo, puruhan mo iha para hindi na makaulit sayo ha?"

"Sige po manong salamat po!" Nagwave sakin si Manong at lumapit na naman ako kay Thunder na kasalukuyang nasa pinakatuktok na ng bakod.

"Hoy unggoy! Bumaba ka nga dito hindi pa ko tapos sayo!"

Sinusubukan ko pang akyatin yung bakod kaya lang nakapalda ako.

"Sha look, I didn't mean na pangunahan ka pero unang una palang naman na sinimulan natin ang plano nato ang sabi mo sakin 'Bahala kana' diba? Tapos magagalit ka ngayon e may plano nga ako! You just have to cooperate with me!"

Nageexplain sya habang nasa pinakatutok sya ng bakod. Naiinitan na nga ng sinag ng araw yung ulo nya kaya naawa naman ako. Binitawan ko yung batuta, dust pan at walis na hawak ko at tiningnan sya.

"Fine. Bumaba kana nga dito mukha kang unggoy dyan."

"Ayoko mamamalo ka!"

"Hawak ko pa ba yung ipapamalo ko sayo? Diba hindi na? Bumaba kana sabi!"

Siniguro nya pa munang wala akong hawak bago sya bumaba at tinalon yung bakod. Naghahand gesture pa sya habang dahan dahan syang lumalapit sakin.

"It's fine okay? Ako ang bahala, I'll make sure na pagkatapos ng lahat ng ito ay magiging kayo ng Sir mo, kung talagang may gusto sya sayo. You just have to trust me on this, tsaka sabihin mo nga kailan kapa natutong mamalo ng batuta at dust pan? Para kang nanay ko."

Kukunin ko pa sana ulit yung dust pan ng pigilan nya ko.

"Joke lang! Ito naman!"

I glared at him.

"Kailangan may rules tayo. Baka magtake advantage ka sakin ngayong alam na ng lahat na girlfriend mo ko no."

Tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Wow, ako pa magtatake advan--" Naputol yung sasabihin nya ng makita nyang hawak ko na yung batuta at dust pan.

"Oo na! Oo na! Ano bang rules?"

Binitawan ko yung hawak ko at nagcrossed arms.

"Rule #1: No kissing."

He pouted.

"Paano pag kailangan?"

"Hanggang cheeks at noo kalang kung kinakailangan."

Bigla syang humakbang ng isa papalapit sakin.

"Bawal sa lips?" He smirked.

Kinuha ko ulit yung batuta at dust pan.

"Fine! Fine! Binibiro kalang Shasha e."

"Hindi nakakatawa! Si Sir nga hanggang cheeks at noo ko palang tapos ikaw gusto mo ng makaisa sakin sa lips?! Rule #2: No PDA."

"PDA?" Tanong pa nya. Painosente akala mo talaga hindi nya alam yun.

"Public Display of Affection!"

"Ahh...e holding hands pwede?"

"If necessary."

"Grabe namang rules yan Sha."

"Gusto mo magbreak tayo? Sasabihin ko na agad saknila ngayon sabihin mo lang." Panakot ko pa. Tinry ko lang yun kung matatakot ko sya pero natakot nga.

"Oo na! Tss. Meron kapa bang rules Madam?"

"Hmm.. Sa ngayon, yun muna. Isang beses na binreak mo yung rules naten, hahambalusin kita pabalik sa school nyo. Malinaw?"

Nagdadalawang isip pa syang sumagot ng kuhain ko ulit yung walis.

"Ok! Ok!"

*RINGG!*

Bell na, that means lunch break na. Dahan dahan syang lumapit sakin at akbay nya sakin.

"Oooh, kainan na! Tara cafeteria na tayo, anong gustong kainin ng mahal ko?" Kindat pa nya sakin.

Bigla ko naman syang siniko at inunahan ko syang maglakad palabas ng drinking area.

"Sha! Nakaka-ilan kana ah!"

"Whatever!" Sagot ko pa nung nakakalayo na ko sakanya.

"Aish!"

Hawak hawak nya yung tyan nya ng sundan nya ako palabas. Stupid boyfriend.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon