CHAPTER 35

5.3K 154 3
                                    


"What are you reading?" Sinilip pa nya yung hawak hawak kong libro pero syempre itinago ko yun sakanya. "How to unlove him" yung title mamaya baka kung ano isipin nya.

"Wala po Sir, ano lang po ito um..life qoutes he he."

"I see." Maikling sagot nya sabay buklat ng librong babasahin nya, documentary book yung nakita kong title ng binabasa nya.

Imbis na magbasa din, e hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Eto na naman tayo Karlota, kumakabog na naman yung dibdib mo. Anong magagawa ko? Ngayon nalang ulit kami nagtabi ng ganitong kalapit. Puso, bakit ba tuwing nakakatabi ko sya bumibilis pagtibok mo? Ang tahimik walang nagsasalita samin until he broke the silence.

"Ms. Briones."

"YES SIR?!" Nabigla ako ng marinig ko yung boses nya, pasigaw tuloy yung sagot ko sakanya.

"I mean, yes sir?" Inulit ko pa at nakita ko namang ngumiti sya. Ugh, namiss ko yang ngiti na yan.

"Is it true that you and Travis are together?"

*Dub.dub.dub.dub.*

Bakit nya naitanong? Nagseselos ba sya? Pero wala sa mukha nyang nagseselos sya.

"Bakit nyo po naitanong?" This time I look directly into his eyes. Sabihin nya lang na nagseselos sya, hahalikan ko sya ngayon din!

"A-are you happy?"

"Happy about what Sir?"

"You and Travis, are you happy?"

Pakiramdam ko tumigil sa pagpintig yung puso ko. Bakit nya tinatanong? Aamin na ba sya na crush nya ko? Na sasabihin na ba nyang mahal nya ko kaya magtatapat na sya sakin dito? Waah! I can't breath!

"I'm sorry, I lied. Narinig ko yung sinasabi mo dito kanina bago ako nagpakita. You look upset kaya nagpakita ako sayo dito."

Ah. So, nagcacare lang pala talaga sya. Akala ko naman aamin na sya. HAYY.

"Ganun po ba, okay naman po ako wag po kayong magalala." I smiled at him. It was a fake smile.

"That's good to hear." He pat my head sabay sinarado nya yung librong binabasa nya atsaka sya tumayo.

"Aalis na po kayo Sir?"

"Why? Do you want me to stay here? I thought kaya ka nandito ay gusto mong mapagisa."

Oo gusto ko pero mas gusto kong nandito kayo kasama ko.

"S-sige po." Nginisian nya ko sabay talikod na nya sakin. Oh no, word vomit...gusto kong pigilan yung sarili ko pero para na akong sasabog pag hindi ko to tinanong sakanya.

"Galit po ba kayo sakin?"

Napatigil sya sa kinatatayuan nya sabay balik nya papalapit sakin. Niluhod pa nya yung isang tuhod nya para magkatapat kami. Biglang umaliwalas yung mukha nya ng ngumiti sya harap ko at pisilin ang mga pisngi ko.

"At bakit naman ako magagalit sayo Ms. Briones?"

"E...kasi palagi nyo na akong sinusungitan tapos, hindi nyo na ko tinititigan tulad ng dati." Nahihiya pa ko sa mga sinasabi ko pero bahala na, kesa naman puro ako what ifs.

"Ms. Briones, I only do that because I'm your professor and you are my student. It's my job to correct you whenever you're wrong."

"P-pero--"

"Don't get me wrong ok? Kahit ganito si Sir, he cares about you. At minsan, may mga ginagawa ako para masiguro kong ok ka sa kamay ng iba. Like Travis nung una I doubted him, but if he makes you happy then he's alright for me too as long as you're fine."

Umiinit na yung mukha ko hindi ko alam sasabihin ko, ang lakas nadin ng kabog ng dibdib ko.

"Look, where's the necklace?" Sabi nya pa kaya binuksan ko yung kamay ko at pinakita sakanya yung kwintas.

"Kakahubad ko lang po nyan Sir, lilinisan ko po kasi." Palusot. Baka kasi kung ano isipin nya kung bakit hindi ko yun suot.

Ngumiti naman sya sabay kuha nya ng kwintas sa kamay ko.

"Charlotte, have you ever look closely to this necklace?"

Ha? Bakit anong meron?

"Um, ngayon ko lang po hinubad yang kwintas simula nung sinuot nyo sya sakin." Namumula ako, sana hindi nya napapansin.

He chuckled. Pinakita nya sakin ng malapitan yung kwintas at may napansin akong lettering sa likod nung crown.

'I will always be here for you Ms. Briones'

"See? This necklace says it all. I care about you Charlotte, kahit na sinisigawan kita, pinandidilatan ng mata, I will always be here whenever you needed me the most."

Ngumiti sya sakin, yung ngiting matagal ko ng hindi nakikita sakanya. Dahan dahan pa syang lumapit sakin at ikinagulat ko ang ginawa nya. Hinalikan nya ang noo ko, habang hawak hawak ang mga pisngi ko sa magkabilang kamay nya.

"I will always be here, Ms. Briones."

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon