Crushmate Part 2

101 5 0
                                    

Nagsimula nanaman ang bagong semester. Nabawasan na din ang pag pepetiks ko sa pag-aaral dahil napagpasyahan naming magkakaibigan na magsunog na ng kilay. Kailangang mapataas namin ang aming marka.

Masasabi ko na mukhang magiging masaya ang bagong semester dahil kasama ko pa din ang aking mga kaibigan at isa pa, kaibigan ko na ang lalaking gustong gusto ko......noon.

Hindi ko rin alam kung paano nangyari, bigla nalang kaming naging close. Nagbibiruan, nagtatawanan at nag uusap na kami ng walang ilangan. Siguro nga dahil nakamove on na ako. Wala na yung special feelings ko sa kanya noon.

Akala ko magiging normal ang semester ngayon. Kaso nagkamali pala ko, dahil may isang lalaking kumuha ng atensyon ko. Sobrang humahanga ako sa kanya dahil napakagaling nya sa klase at mukhang masayang maging kaibigan. Isa pa akala ko ay isa syang "Gay" kaso nagkamali ako, sadyang close lang sya sa mga kababaihan. Sa araw araw ay napupuna ko na ang kilos nya, madalas ko rin syang pagmasdan mula sa malayo. Mga positibong bagay sa kanya at maging ang mga pagkakamali nya ay napupuna ko na rin.

Pilit kong itinatanggi sa sarili ko na nagkakagusto na ako sa kanya pero isang araw ay nakasabay ko syang maglakad. Hindi kami nagpapansinan, pero hindi ko alam kung bakit may tumutulak sa isip ko na lingunin sya. Nakita ko naman syang nakatitig sakin.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

Hindi sya sumagot pero patuloy pa ring nakatitig sakin.
"Ano ba, wag ka ngang tumitig, naiilang ako" suway ko ulit sa kanya.

Ngumiti sya sabay sabing "Bakit masama ba?" Napailing nalang ako at umunang lumakad.

Simula noon, nasabi ko na sa mga kaibigan ko na gusto ko ang lalaking yun.

Ilang Linggo ang lumipas, Sinasabi ko sa mga kaibigan ko na gusto ko sya at normal lang sa akin ang mga bagay na ganun dahil very vocal ako sa nararamdaman ko. Nung una, pilit kong tinatanggi na ang paghanga ko ay mababaw lang. Yung tipong mabilis lang mawawala.

Pero may mga panahong pinapakita nya yung pagiging gentleman nya. Gaya nalang ng simpleng pagdala nya ng bag ko nung nag p.e kami. Hindi ko ineexpect yun, Nagpasalamat nalang ako.Ewan ko kung narinig nya.

Lalo lang tuloy akong nagkakagusto sa kanya, pero syempre sa tulong narin ng mga kaibigan ko na makapush sa nararamdaman ko wagas.

----
Marketing time..
Mag pepresent ako ng produkto. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at napagtripan nya ako.

Titigan ba naman ako ng matagal. As in matagal. Siguro mga isang minuto yun at ilang na ilang na ako. Sinabayan pa ng kantyawan ng mga kaibigan ko...

Nung nagpepresent na ako ay hindi sya nakatingin sakin. Sa totoo lang, confident ako kahit tingnan nya pa ako dahil sya nga yung nagsisilbing motivation ko. Kaso nakakaintimidate lang talaga yung Professor ko kaya ang ending ay Bad presentation.Nadisappoint ako sa sarili ko nun pero nung tiningnan nya ako at ngumiti ng bahagya, Nabawasan ang pagkainis ko nun. Parang ang sinasabi kasi ng ngiti nya ay "okay lang yan".

Nung mga panahong yun, nagkahint ako na alam nya na ang feelings ko para sa kanya. Nalungkot tuloy ako, Siguro kaya sya ganun sakin ay alam na nga nya. Ang unang pumasok sa isip ko ay pa fall sya pero narealize ko, hindi pala sya pa fall dahil ako ang kusang na fall.

Gabi na nun, nagpray ako kay Papa God na bigyan ako ng sign kung dapat ba akong umamin at ipagpatuloy ang nararamdaman ko. Kinabukasan,pagpasok ko ay umulan kaya wala sya sa garden na tinatambayan nya tuwing  maaga syang pumapasok. Naisip ko,siguro nga ito na yung sign ni GOD na wag ko ng ipagpatuloy ang mga bagay na alam kong masasaktan lang ako sa bandang huli..

Siguro ang pagsisisi lang na meron ako e yung nagkagusto ako sa taong mas magandang maging kaibigan lang.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now