THIRTEEN

1.9K 56 0
                                    

JOV'S POV

At dahil tinulugan ako ng mga kasama ko, at sa R-8 lang ang alam kong daan papuntang Bulacan, nag extend pa lola yung byahe namin. Dagdag pa yung traffic.
Yung dapat na dalawang oras na byahe lang, naging apat na, at eto pa, pagpasok ko ng Bulacan, ewan kung saan na ako dadalhin ng highway.

Parang nahiya naman akong gisingin si Ate Jheck at Chel kaya tumawag nalang ako kay Ate Tina.

"Hello? Jovy? Asan na kayo? Bat di sinasagot nina Chel yung mga tawag namin. Grabe ah. Mag aalas-dyes na, wala pa kayo." -sabi ni ate Tina pagkasagot na pagkasagot niya.

"Bulacan na po kami. Naipit po kasi kami sa traffic kanina. Tulog po ung dalawa eh sa R-8 lang po ang alam kong daan. San po ba banda ng Bulacan yang bahay nina Jaja?" -ako

"Sa R-8? Dumaan pa kayo NLEX? Grabe Jovs. Alam mo ba papuntang Calumpit?"
-Ate Tina

"Medyo po, pero hanggang sa Malolos lang yung daan na kabisado ko, taga dun po sina Lolo." -ako

"Hindi bale at bungad lang naman tong bahay nila. Tawag ka nalang ulit pag lumampas ka na ng Malolos."
-ate Tina

"Opo, salamat po."

At in-end ko na yung call.

Hindi pa rin naman sila nagigising kaya patuloy lang ako sa pagddrive habang kumakain ng sobra nilang pizza. Nagugutom na din ako.

Mga after 15 mins. nalampasan ko na yung bahay nila Lolo. Medyo malapit na din kasi yung boundary ng Calumpit kaya tumawag na ako kay Ate Tina.

(P.s. hindi ko na alam kung tama yung pinagsasasabi kong place ah. Sorry pooo.. )

"San na kayo?"-ate Tina

"Kakalagpas ko lang po ng Malolos." -ako

"Oh cge. Kapag nakita mo na ung unang Shell Station sa may right side, kumanan ka sa kanto nun at pag may nakita kang Zamudio st., kumanan ka, yung blue na gate, yun na." -ate Tina.

"Nakita ko na po yung Shell Station."

"Cge, pasok ka lang sa kanto." -ate Tina

Sinunod ko lang yung sinabi niya at pagkaliko ko sa Zamudio Street, nakita ko na sina Ate Tina, Ella at Jaja na naghihintay sa labas ng gate.

Nagpark na ako sa tapat nila at ginising yung dalawa.

"Ate Jheck, Chel, andito na tayo. Gising na." Tapik ko sa kanilang dalawa.

Nauna nang nagising si Ate Jheck at nagkusot ng mata.

"Huh? Andito na tayo?? Kala ko ba hindi mo alam papunta dito?" -Ate Jheck

"Eh.. tumawag nalang po ako kay ate Tina, sarap po ng tulog niyo eh. Hahaha" -sabi ko naman.

Ung katabi ko, tulog na tulog pa rin.

"Chel, gising na babyyyy, dito na po tayooo." Paglalambing ko habang tinatapik yung balikat.

Ang cute kasi niyang matulog.

Ayaw pa rin niyang magising.

"Ay ayaw talaga." -ako

Bigla namang kinuha ni ate Jheck yung walang laman na box ng pizza at inihagis sa mukha ni Chel.
Nagulat na bumangon si Chel at sinamaan ako ng tingin.

Tinuro ko lng si Ate Jheck na tawang tawa sa backseat.

"Pano yan magigising kung tapik tapik lang Jovy?" -sabi niya sa akin na tawang tawa pa rin.

"Ate Jheck naman eh. Teka, andito na tayo?" -Chel

"Yup! Tara! Baba na tayo. Naghihintay na sila sa labas."
------------------------------------------------------------------

MAYBE IT WILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon