Soul 12: Gold

31.9K 1.7K 66
                                    


"Your enemies are just waiting for your downfall..."



AVERY



Iminulat ko ang mga mata. Mahimbing na natutulog si Zirrius kaya muli kong kinontrol ang katawan niya. I breathed heavily. I clutched his chest. His heart was beating abnormally. Siguro dahil sa nararamdaman ko. Pinoproblema ko talaga ang balak niyang pagpapaalis sa kaluluwa ko. He's right. I'm selfish. Hindi ko man lang inisip ang mga maaaring kahinatnan ng lahat bago ako umalis sa katawan ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang naisipan ko nang gawin ko 'yon. Siguro dahil sa sobrang takot? I don't have any experience as a ruler. I was just a brat who knows nothing but magic.



Bumangon na ako at tumayo. I stood in front of the mirror. Damn this gorgeous, sexy man! He was pointing out my flaws when I obviously know it myself. I frowned. Mali ba talaga ang desisyon kong ito? Muli akong bumuntong-hininga. Walang makasasagot ng tanong ko kundi ako lang at ang naghihintay sa 'kin sa hinaharap. Naguguluhan na ako. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. I didn't even know why I'm brought here. Bakit kasi kay Zirrius pa? Mas lalo akong sumimangot. Fine! I'm more selfish than he was. Tanggap ko naman pero hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko pa rin ang sakit mula sa mga sinabi niya kanina. Napahilamos ako nang mariin sa mukha ni Zirrius. Everything was just so twisted. Kailangan kong mag-isip nang maayos. Kung balak talaga niya akong paalisin, hindi ko na lang siya pipigilan. Tatanggapin ko dahil kasalanan ko rin naman ang lahat. Siguro ito ang nararapat gawin. Siguro.



But now, I still want to help him. I need to confirm something. Pakiramdam ko talaga, hindi maganda ang mangyayari sa darating na linggo. Kung wala na ako sa katawan niya sa araw na 'yon, hindi ko na siya matutulungan. I must warn him before I disappear from his life. I'm still grateful for the days we shared together. This is the only way to thank him. Sinuot ko na ang gray cloak ni Zirrius. Lumabas ako sa kastilyo at nagtungo sa hardin. Sinimulan ko na ang ritwal. Napalibutan ako ng anim na magical portals. Iba't ibang linya ang makikita sa lupa pero mas kapansin-pansin ang mga hexagonal stars.



"I call to thee, warriors of the night... Rise and help me!" mariin pero mahinang saad ko. Napalibutan ng liwanag ang bawat portal. Mula sa mga portal na ito ay may lumabas na mga nilalang. Mabalahibo ang kanilang katawan at malalaki. They may look like monsters for a human but for me they are not. Hindi sila ganu'n kasama kahit makikita ang mahahaba at matutulis na pangil sa kanilang bibig. Their eyes are bright yellow like cat's. Matutulis din ang mga kuko nila sa paa. They looked like beastly wolves.



"I need you to check some officials. Don't hurt them but you may scare them. I want to know why they are against magic. Bumalik kayo kapag may nalaman kayo sa kanila o kapag natakot na ninyo sila. Siguro kung matatakot sila, baka makumbinsi sila na palayain ang mahika sa kahariang ito. And maybe I will be able to help Zirrius through this," I said and sighed heavily. I planted the images of the officials on their heads. They growled before they leave. Mabibilis ang mga kilos nila. Tiyak na matatakot ang mga taong makakakita sa kanila. Malalim na ang gabi. Siguradong mga guwardiya na lang ang gising sa oras na ito. O maaari ring mga alipin na walang humpay sa pagtatrabaho.



Tumingala ako sa pinakatuktok ng kastilyo. I could clearly see the black crescent moon on the top of the castle. Sa likod naman nito, makikita ang napakaliwanag at bilog na buwan. The sky was clear so I could see the stars brightly shining above. Sino kaya ang nasa likod ng itim na mahikang ito? Pakiramdam ko ay tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan habang pinagmamasdan ang black crescent moon. Ramdam na ramdam ko na napakalakas ng taong kumukontrol dito.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon