CHAPTER 36

5.9K 204 45
                                    


Oras ng klase ni Sir, tinititigan ko lang sya. Hayy ang gwapo gwapo, ang gulo pa nga ng kwelyo nya gusto ko ngang ayusin yun para sakanya kaso nah, hindi pwede. Nahuli nya kong nakatitig sakanya but he just smiled at me, kinilig naman ako bigla naiihi tuloy ako.

*POK!*

May bumato ng crumpled paper sa likod ko kaya nilingon ko kung sino yun at nakita kong nakapout si Thunder. Pinandilatan ko sya kung ano problema nya pero nagpeace sign lang sya sakin. Loko loko talaga.

"Magaactivity tayo bukas and I need all of you to have your own partners."

Nagtayuan naman yung iba kong mga kaklase at humanap ng partner nila. Tumabi agad si Thunder sakin na nakita naman agad ni Sir. Yuji.

"By partners, I mean girl to girl and boy to boy, not opposite sex. Kilala ko na mga lalaki dyan kapag babae ang kapartner nila, babae lang palagi ang gumagawa ng lahat."

"Nakita lang ng Sir mo na tumabi ako sayo pinagbawalan agad ang opposite sex haha, ibang klase talaga yang prof mo." Kinurot ko naman si Thunder sa sinabi nya.

May point naman si Sir na puro babae lang gumagawa ng lahat pag lalaki partner namin pero tama din si Thunder, biglang iniba ni Sir yung pagpapartner nung tabihan nya ko.

"Char, partner us?" Dala ni Penny yung bag nya at pinatabi ko naman sya sa tabi ko.

"Sure, dito ka." Tinuro ko yung upuan at tumabi naman sya agad sakin.

"You will bring all this materials for our activity tom--"

*Knock.Knock.*

Napatingin ako sa pinto at ikinasama agad ng paningin ko yung nakita ko. Si Ms. Lina na halos mapunit ang mukha nya sa laki ng ngiti nya.

"Excuse me class." Binaba ni Sir yung hawak nyang libro at hinubad yung salamin na suot suot nya sabay labas nya sa pinto.

Nakikita ko sila pero hindi ko alam pinaguusapan nila. By the looks of it, parang may good news si Ms. Lina para kay Sir. Yuji kaya nagya---Damn it! Nagyakapan na naman sila.

"Oh, yung nguso mo na naman Sha. Ikaw napakaselosa mo talaga, sigurado ako sinasabi lang ni Ms. Lina na natanggap yung transfer request ni Sir sa kabilang school."

Napatingin agad ako kay Penny sa sinabi nya.

"T-transfer request?" Tanong ko pa.

"Oo, actually hindi si Sir ang nagfile ng transfer request na yun kundi yung kabilang school. Kulang na kulang kasi sila sa Math professors simula nung naComa yung isang professor dun sa kabilang school. Bumisita ata sila dito last week, para kausapin si Sir about dun."

Parang nanigas yung buong katawan ko sa sinabi ni Penny. Lilipat si Sir sa kabilang school? Paano na 'ko? Mawawalan ng sense yung plano namin ni Thunder kung wala na sya dito, it will ruined everything we've planned. But that's not the point, lalayo sya, lalayo sya sakin..HINDI PWEDE!

"So, ganito yung plano natin para sa activity bu--Oy Char! San ka pupunta?!"

I didn't answer her back. Aalis sya ng hindi man lang sinasabi sakin? Oo, estudyante nya lang ako but he gave me his words! 'I will always be here, Ms. Briones' Yan sabi nya diba? Tapos aalis sya? Ano ganun ganun nalang yun? Nagiwan lang sya ng salita tapos bibitawan nya lang?

Saktong tapos na sila magusap kaya umalis na si Ms. Lina, papasok na sana si Sir sa room ng unahan ko syang buksan yung pinto at isinarado yun para hindi sya makapasok.

"Lilipat kayo Sir?" Diretsahang tanong ko. Ayoko na magpaliguy ligoy dito.

"Ms. Brio--"

"Ba't hindi nyo man lang po sinabi sakin?"

"Ms. Brion--"

"Alam ko po estudyante nyo lang ako pero naman Sir, suot suot ko yung necklace na bigay nyo saying that you will always be here tapos aalis kayo?"

"Ms. Brione--"

"Sinong papalit na prof namin sa Math? Si Ms. Lina? Ayoko kay Ms. Lina!"

"Ms. Briones, lis--"

"Kung lilipat kayo, lilipat din ako! San kayo lilipat? Magpapalipat na ako ngayon din!"

Biglang syang napangiti sa sinabi ko at hinila yung kamay ko paakyat sa hagdan. Knowing this place, alam kong papunta kami sa office nya. Pagdating namin dun, ako yung unang pumasok sa loob at sinarado nya yung pinto.

"Ms. Brion--"

"Sir, ang daya nyo naman. Sana hindi nyo nalang ako binigyan ng necklace nato kung aalis din kayo."

"Let me finish Ms. Brio--"

"Tapos ano? Puro dahilan lang naman sasabihin nyo tapos--"

Napatigil ako sa kakasalita ko ng hawakan nya ang mga pisngi ko at ng halikan nya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko habang magkadikit yung mga labi namin, hindi sya gumagalaw, he's just standing there with our lips sealed. Pakiramdam ko tumigil yung paghinga at pagtibok ng puso ko sa ginawa nya. Hindi ako makagalaw, patay na ata ako. Dahan dahan syang bumitaw sa pagkakahalik nya sakin at magkadikit ang mga noo namin ng magsalita sya.

"Didn't told you to let me finish?"

*Dub.dub.dub.dub*

Ang lapit nya, ang lapit lapit nya. Nasisilaw ako sa mga titig nya, hinalikan nya ko diba? Totoo yun? Hindi ako nagdaday dream? Namamanhid ata yung labi ko, hindi na ko magtotoothbrush!

"Look, oo lilipat ako at si Ms. Lina muna ang magiging prof nyo but that is not permanent okay?"

Not....permanent?

"I'll be their new head of Math department but it's just for 1 month. Pagkatapos nun babalik na ako dito, yun ay kung hindi ko nagustuhan dun but it depends on me kung gusto kong maging permanent dun."

"And?"

Gusto nya bang magstay dun??

"And what? Tingin mo hindi na ako babalik dito ngayong hinalikan ko ang estudyante ko?"

Nanghihina yung mga tuhod ko, nakangiti na sya ngayon at hawak hawak padin nya ang mga pisngi ko.

"Wait for me ok? Babalik ako...babalikan kita."

Bigla nya akong hinila papalapit sakanya para yakapin ako. Ang higpit ng mga yakap nya, gusto kong yakapin sya pabalik pero may hangover padin ako nung hinalikan nya ako sa labi. Ang tahimik sa loob ng office nya, wala akong naririnig kundi ang paghinga nya. Humihigpit ang mga yakap nya sakin while he said those words to me.

"Ms. Briones, what did you do that made me fell inlove with you."

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon