CHAPTER 37

5.9K 177 19
                                    


The next day, kanina pa kong 6am gising pero di ko magawang bumangon. Nakatingin lang ako sa kisame at inaalala yung mga nangyari kahapon. Yung kiss, hug, at yung huling sinabi nya sakin. Iniisip ko palang napapangiti na 'ko, he loves me. At sakanya ko mismo narinig yun. Sumubsob ako sa unan at dun ko pinakawalan yung tili ko. Sobrang kinikilig parin ako, ako na ata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Mahal din ako ng mahal ko, all the hard work has finally paid off eeeee!

*Gulong*

*Gulong*

Pagulong gulong na ko sa kama ng magalarm na yung phone ko. Aynako alarm, naunahan na kita gumising kanina pa. Pinatay ko yun at bumangon na, nakapagluto nadin ako kanina ng breakfast para kay Raven kaya maliligo nalang ako at magaayos para sa pagpasok.

--

Pagdating ko sa school ang sarap sarap ng pakiramdam ko. Nakangiti pa ko habang naglalakad ng may tumawag sakin sa likod ko.

"Charlotte." Paglingon ko nakangiti sya sakin. Ngayon ko nalang sya ulit nakita.

"Oh, Jess. Musta?" Umikot pa ko at lumapit sakanya sa kinatatayuan nya.

"Ayos lang, ikaw kamusta kana? Hindi na kita nakakasama ah, punta ka sa bahay maya I bought a lot of new books." Ngiti pa nya sakin.

"Um..Try ko, baka kasi samahan ko sa training mamaya si Thunder eh."

Biglang napawi yung ngiti nya ng banggitin ko yung pangalan ni Thunder.

"Ah, si Thunder. Boyfriend mo right? Nagkaboyfriend kalang hindi kana nagpapakita sakin."

Bigla syang yumuko habang nakasandal sya sa railings.

"Jess, ikaw unang nagkagirlfriend satin at ikaw ang unang naging busy. Si Thunder kailan lang sya dumating nung Mathletes diba?"

"Tss. Alam ko, pero kahit na pinupuntahan kita nung nakaraan sa room nyo e tapos nasaksihan ko pang inannounce nyang kayo na."

Nandun sya nung time na yun?? Nakayuko padin sya, bigla akong naawa.

"Aw, Jess I'm sorr--"

"SHAAAAA!"

Naputol yung sasabihin ko ng marinig ko na naman ang boses ng alaga ko. Palagi syang tumatakbo papunta sakin at sinisigaw ang pangalan ko habang nakaopen arms pa sya. Loko loko talaga.

"Who are you talking to? Nagseselos na 'ko." He pouted.

*PAK!*

"Arayyy! Sha naman e, ikaw na nga nahuli kong nanglalalaki ikaw pa may ganang manakit!"

Hahampasin ko pa sana sya ulit ng pigilan nya yung kamay ko.

"Simula ngayon, isang hampas, isang halik ang katumbas." He smirked.

"Sige Charlotte, una na ako." Paalam ni Jess, nakalimutan ko nasa nya nga pala kami.

"Jess, wait!" Pigil ko pa pero nagwave lang sya sakin habang naglalakas na sya palayo samin.

*PAK!*

"Ikaw! That was Jess, bestfriend ko yun!"

"I don't care, I'm your boyfriend."

Confident na confident sya sa sinabi nya with matching taas ng kilay nya.

"FAKE boyfriend." Singit ko pa.

"Ganun nadin yun! Haha! Tara late na tayo." Hinablot nya yung kamay ko at sabay kaming pumasok sa building.

Nakaakbay na sya sakin ng umakyat kami sa hagdan which I don't mind palagi namang nakaakbay yan sakin. 4th floor na kami ng makasalubong namin si Sir. Yuji. Kumabog naman agad yung dibdib ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon