Chapter 23.
Uno kami ni Clarence sa case study namin. Paano, ang galing naming mag-interview and detailed na detailed. Tas kami pa ang unang nagpasa kaya naka-uno kami. Well, I must say that I have the greatest partner.
Kasama 'ko ngayon sina Mama, Ate, at baby Marianne sa mall, currently buying groceries. Magkatext kami ni Clarence pero hindi ko pinapahalata sakanila.
Nang magbayad sa counter si Mama ay bumulong sa akin si Ate, "Kayo na ni Clarence noh?
Sumimangot ako at nagiwas ng tingin, "Hindi ah." Shocks ka ate! Alam 'kong nakakahalata na siya pero hanggat sa kaya 'ko ay idedeny 'ko.
And besides, di kami ni Clarence officially. He wants to play with me, nakikipaglaro lang din ako sakanya. That's it. There's no serious commitment dahil wala naman kaming gusto sa isa't isa. Trip lang ang lahat ng nangyayari.
"Wushu! I saw a bear on your room and I guess customized you because it has 'marence' on it." She giggled.
"Hindi nga, Ate. Ano ka ba?" Kung alam lang sana ni Ate na fuckboy ang isang 'yon at hindi marunong magseryoso.
"Seriously Marga. Clarence is a great catch. Gwapo, matalino, mayaman, at may respeto sa amin ni Mama. I like him for you." Napairap ako sa kawalan. Syempre! Magpapa-good shot talaga iyon kasi nga, trip niya akong laruin. Para kunwari ma-convince kayo! Tss.
"Great catch para sainyo pero para sa akin, hindi. I can't see myself getting into a serious relationship with him, Ate. Playboy siya." Pag-amin 'ko.
Napa "ohhh" si Ate at napailing nalang ako. "Soo, bakit astang boyfriend siya?"
"Kasi trip niya ako.. Not romantically but yeah. Trip niya akong laruin. I don't even know kung bakit ako. It happend, sabi niya sarap 'ko daw pagtripan." I shrugged.
Ate smirked, "Make him fall so hard, sis. Yung tipong sa'yo na iikot 'yung mundo niya. Yung tipong hahabul-habulin 'ka nya. Yung bang adik na adik at attached na attached sa'yo."
Napasimangot ako. Ang hirap naman 'non. "Duh ate? Di niya ako type. At sa akin? Magkakagusto 'yon? Asa pa ako. Mas posible pa na magkaroon ng black sa rainbow kesa ma-fall siya sa akin." I said truthfully.
"Alam mo, matinong babae ang katapat niyang mga playboy. Trust me, kapag nafall 'yan sayo ang sarap sa feeling. Masasabi mo naman 'yan, e. If he already stopped his bad habits just to keep you, then you're close to wining. And if he begged you to stay, you win." Ngumiti ng nakakaloko si Ate sa akin.
Napaisip ako sa sinabi ni Ate. Tss. Why would I make Clarence fall for me? Wala din akong intensyon na saluhin siya if ever. I like him just as... Friends. And a kissing partner? Tss. Basta. Friends lang ang mararating namin. I swear.
"Margarita, papuntahin mo si Clarence. Tell him I'll cook Afritada for dinner." Anang Mama habang nagbabayad siya sa counter.
Napanganga ako sa narinig. Did my mom just invited Clarence for a dinner?
"Ma seryoso 'ka?"
"Why not? Clarence is a nice guy. Wala akong nakikitang mali sa kaibigan mong iyon." Mama said as a matter of fact. Galing talaga mang-uto ng lalaking iyon! Imagine? Pati si Mama? Nauto niya?
BINABASA MO ANG
Alluring I: Alluring the beautiful geek
Teen FictionMeet Margarette. The typical nerd, anti social, unpopular and introvert student of Brentville. Para sakanya, kontento na siya sa atensyon at pagmamahal na nabibigay ng kanyang pamilya at boyfriend sakanya and here come's the famous fuckboy in town w...