3rd Chapter

1M 26K 4.7K
                                    

What the hell was that for?! After niyang lapastinganin yung lips ko bigla bigla na lang siyang tatakbo?! Ugh!

And what did he say? Siguro naman bayad na ko sa atraso ko sa'yo? Great. Kailan pa naging bayad sa atraso ang halik? Bwisit. First kiss ko nasabihan ako ng parang poste. Ngayon naman, second kiss ko napunta pa sa manyak na yun. Anong klaseng swerte ang mayroon ako? Quota na, e! Quotang quota na ako sa kamalasan!


Badtrip. Nawala na ako sa mood magshopping. Paano pa ko magsho shopping kung maglalakad pa lang ako pinagtitinginan na ako ng mga tao at pinag uusapan yung make out scene na naganap kanina. Sana naman kung may balak silang magchismisan, yung hindi ko naman maririnig, masyadong obvious eh.


Pinulot ko na yung gamit ko na nalaglag nung nabunggo ko yung manyak at dalawa niyang alipores. May nakita akong calling card dun, nakalagay..

Good Kisser's incorporated

Don't have any experience with kissing? Want to be a damn good kisser 
Just call 0916******* and we guarantee that you'll enjoy the kissing session that may lead to something better

-GK

What the freak? Ano na bang nangyayari sa mundo ko? Bakit ba lahat yata ng nangyayari sa buhay ko connected sa kiss? Sinong taong may matinong isip ang kukuha ng kissing instructor? GK? Siguro manyak yun! Pinagkakakitaan pa yung mga ganung bagay.. Tsk. Tsk.


Nakakahiya. Pinagtitinginan na ko ng tao ULIT ditto. Kausapin daw ba yung calling card? Nilagay ko na lang sa pouch bag ko yung calling card. No choice, makabalik na lang sa condo.


--

When boredom strikes, FB ang solusyon. Nag online ako at baka matyempuhan kong online si Sara, my best friend, Tatanung ko lang kung may test ba bukas kasi papasok na ako after three long days For sure marami akong hahabulin sa lessons. Bahala na nga! Hindi ko kasi talaga kinayang pumasok matapos iyong mga nangyari. Nerd lang ako pero may pride naman ako. 

Pero naisipan ko na rin pumasok. Itatanong ko na rin kay Sara kung ano ang mga nangyari. Mahirap na, baka may test bukas eh ma surprise na lang ako at bumagsak ako. Yung pagiging Dean's Lister na nga lang maipagmamalaki ko, mawawala pa...


Ayan na, pagdating ko sa homepage...


Holy shit.


Hindi ko na napansin yung ibang nakasulat..


Nagfocus lang ako sa isang news dun..


Jarred Bautista is in a relationship with Ynna Henares


Kailan pa kami nag break?! Fudge buhay 'to! Simula ng naging kami, puro panloloko lang ginawa niya. Mabuti pang magkalinawan na. Humanda yang Ynna na yan sa'kin! Sobra na!  

--

St. Claire's Academy

"Jarred! Ano tong nabalitaan ko na kayo na ni Ynna?!" I confronted him! Aba, girlfriend pa rin ako... sa pagkakaalam ko!

"For your info---" sisingit pa dapat si Ynna! Ang kapal talaga niya! Ano ba ang gusto niya sa akin? Ang dami namang lalaki jan na gusto siya, bakit yung boyfriend ko pa?!


"Shut it, Henares! I'm not talking to you!"


Bigla namang yumakap sa braso ni Jarred si Ynna. Paawa pa, bwisit! "Watch what you're saying, Dana. And yes, girlfriend ko si Ynna."

And there, I felt like my world was crumbling.

"What? Ako? Paano ako? Paano tayo?" I stuttered. Shit.

Tumawa pa siya bago nagsalita. Damn you, Jarred! Ang kapal mo... "Tayo? Walang tayo, Dana. I don't love you anymore. Wait, I never loved you."

Shit. I never thought na masasaktan ako sa sinasabi ni Jarred. Given the fact na hindi ko siya 'ganung kamahal,' masakit pa rin sa damdamin na pinapamukha niya say o kung gaano ka ka walang kwenta at halaga...

"I assume the table had turned? I can speak now, can't I? So, for everybody's concern, I would like to tell you the reason why Jarred and Dana broke up, no, let me rephrase it, the reason why Jarred dumped Dana. Wanna know why?"


"Yeah, spill it!!" sigaw naman ng mga walang kwentang tao sa school na 'to. Why do they like feeding on someone else's misery? Masaya ba na makitang may taong sobrang nasasaktan?

Wala na bang humanity ang mga tao?!

She smirked bago magpatuloy. God, can I kill her? I promise I'll be fast! She's so evil! Ni hindi ko nga siya kilala pero ginaganito niya ako! 

"Simply because she's a lousy kisser. Funny she didn't even know how to do a simple smack. No wonder MY BOYFRIEND dumped her... O bakit ka umiiyak? Masakit bang mapahiya sa buong student body?"

Di ako makapagsalita. Pakiramdam ko tinakasan ako ng boses ko. Aminado ba ako sa mga binibintang nila sa kin kaya ako nagkakaganito?

Matapang ako... alam ko... pero hindi sa ganito. Hindi ko kaya na pinapahiya ako sa harap ng maraming tao. Masyadong nakakababa ng pagkataon. Na parang wala ka talagang halaga.

Kasi kaya ka nilang tapaktapakan.

"Oh, what a crybaby... You are such a pathetic loser. Advice ko sa'yo, mag research ka ng mga kissing techniques, hindi yung puro dictionary binabasa mo, GEEK. Para next time, hindi ka iwanan ng boyfriend mo," she said and then touched Jarred's cheek. "Such a choice you had, babe. Sa lahat ng babae, 'yang loser pa."

Hindi ko na kaya.

Umalis na ako. Lagi naman eh, tuwing ganun ang sitwasyon lagi na lang akong tumatakbo, nagtatago... Basta ngayon, isa lang ang alam ko...


Jarred Fucking Bautista, one day, you'll regret that you played with me. You're gonna pay me... 

BIGTIME.

You'll pay me big time, you son of a bitch!


For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon