5th Chapter

1.1M 25.8K 7.1K
                                    

Shit! Ang sakit ng ulo ko. Bwisit na tequila yan. Akala ko pampawala ng problema. 'Yun pala madadagdagan lang yung sakit ng ulo ko.

I tried to stand up pero hindi ko magawa dahil parang may martilyo na pumupukpok sa ulo ko. Ang sakit! Para ring gusto ko ng tubig pero ayaw kong tumayo. 

Ang gulo!

Teka, teka... Bakit ako nasa condo? As far as I remember nasa bar ako kagabi, kakwentuhan ko si Mr. Bartender? Teka... hindi. Hindi pwede. Was I raped?! Hala! Mabilis kong tinignan ko yung damit ko. Shit! Bakit naka pajamas ako?!

Naka-tadhana ba na makuha sa akin lahat ng pinakaiingatan ko ngayong buwan?!

"RAPE!" sigaw ko sabay takip sa sarili ko ng comforter. 

Wala akong pakielam kung sino ang makarinig sa amin! I will shout bloody murder for whoever did this to me! 'Di ko akalain na sa sariling condo unit ko pa ako lalapastanganin ng rapist na 'yan! Dito sa mismong bahay ko pa talaga niya ako binaboy!

Biglang bumukas yung pinto.

"ANO BANG SINISIGAW SIGAW MO DYAN? ANG AGA AGA NAG EESKANDALO KA! HINDI MO BA ALAM NA SUMUGOD AKO SA BAR NG MADALING ARAW PARA SUNDUIN KA. ANG HIRAP HIRAP MONG UMUWI KASI NAKAPULUPOT KA DUN SA GWAPONG BARTENDER, NAGMAMAKAAWA KANG HALIKAN NIYA. ALAM MO BA KUNG GAANONG KALAKING KAHIHIYAN YUNG INABOT KO? TAPOS PAGDATING DITO SINUKAHAN MO KO. AKO NAGLINIS NG SUKA MO, NAGPALIT NG DAMIT MO, NAG PALIT NG BEDSHEET MO! ILANG ORAS PA LANG ANG TULOG KO KAYA KUNG PWEDE MANAHIMIK KA?!"

Hala. Hinayblood si Sara sakin. 

Nakatakip pa rin yung kamay ko sa tenga ko. Ang lakas sumigaw ni Sara! She looked so mad and sleep-deprived. 

I tried to look apologetic. Naappreciate ko naman iyong ginawa niya...

"Pasensya naman kasi... Kasi ang naaalala ko nasa bar ako kagabi kausap yung bartender tapos magigising na lang ako iba na yung damit ko? Malamang sa malamang iisipin kong na rape ako. At syempre pag inisip mong na rape ka, ang initial reaction mo ay sumigaw, alam mo naming magpaparty pa ko? Normal lang yung ginawa ko kaya wag kang magalit. Please?"

Medyo nawala yung sakit ng ulo ko, effective pa lang gamot sa hangover ang pakikipagsigawan.

"Teka, teka, oo nga pala, paano ako nakarating dito? Tsaka pano mo nalaman na nasa bar ako?" I asked her.

Buti naman mahinahon na siya ngayon! Hindi ko alam kung paano siya natatagalan ng boyfriend niya! Para siyang amazona! "May tumawag sakin na lalaki, yung bartender yata na kausap mo. E nung tinignan niya yung cellphone mo, nakita niya yung name ko dun na BestySara, kaya naisip niya na best friend mo ko kaya ako yung tinawagan niya, maliwanag ba?"

Ah... ganun pala...

"Ay oo nga pala Dana, may binigay sakin yung lalaki, calling card, sa 'yo daw to?"

Tapos, binigay sakin ni Sara yung calling card nga.

"Weird, bakit ka may ganyang calling card? Nagbibigay ka na ba ng kissing lessons? Eh diba kaya ka nga hiniwalayan ni Jarred dahil di ka marunong humalik tapos magbibigay ka pa ng lessons? Hello. Ano ituturo mo sa kanila?" sabi niya. Halos mamula na siya katatawa. Kanina, galit na galit siya tapos ngayon naman tawa siya ng tawa. Bipolar talaga!

Binatukan ko si Sara.

"Chill. Ito, simula ng maging broken ka lahat na lang ng makita mo inaaya mo ng away, mapalalaki o babae. Ganyan ba epekto nung break-up niyo sayo? Nagiging violent ka?"

Natawa naman ako. Best friend ko talaga 'to! Mabuti inabutan niya ako ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako.

"Sira, hindi no. Oo nga pala, may kukwento ko sa'yo," sabi ko.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon