Kabanata 16

1.6M 36.6K 20K
                                    

Kabanata 16

Apartment ni Wade Rivas

Hiningal ako at pinagpawisan dahil sa ginawa kong paglandas sa gitna ng mga tao. Seriously, where's Coreen?

Wala na tuloy akong mapuntahan. Hindi ko kayang tumambay kasama sina Naah sa backstage at baka putaktehin lang ako dun dahil sa presensya ni Wade SEXY Rivas. Okay, calm down, Reina.

Pinaypayan ko ang sarili ko at parang baliw na ngumisi.

"Ang sarap talaga pag may sasakyan ka na."

Sa ganitong mga panahon, hinihintay ko si Noah o di kaya ay nagtitext sa mga drivers o kay kuya Dashiel para sunduin ako. Pag wala talagang available ay nagtataxi ako. Pero ngayong may sasakyan na ako, madali ang lahat. Madaling umalis... Madaling pumunta kahit saan. May freedom ako.

Halos kumanta ako papuntang parking lot.

Pero dahil sa pag-iisip ko sa nangyaring kahihiyan kanina sa stage ay halos mangisay ako sa pandidiri sa nangyari.

Humugot ako ng malalim na hininga at, "ERASE!"

Para bang ma-eerase ng sinabi ko ang alaalang yun.

"Nakuuu! Parang buong buhay ko yatang maaalala yung pagkakatumba ko sa barricade." I sighed.

Tinignan ko ang kamay kong may mga sugat dahil sa nangyari. Panigurado pati tuhod ko may sugat. Kaya mas dapat akong umuwi para gamutin ang sugat ko.

Nang lumiko na ako sa kanto ng pinagparkingan ko ng sasakyan ay nagingig yung tuhod ko sa nakita ko.

Habang maingay at dinudumog ang backstage niuna Noah ngayon ay may isang taong pawis na pawis paring naghihintay sa sasakyan ko. Kitang-kita ko yung mamasa-masa niyang buhok. Seryoso ang mukha niya. Sumasandal siya sa front seat ng sasakyan ko, nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa niya at nasa tabi niya naman ang gitara.

Agad ako nag u-turn sa paglalakad. I can't. face. him. right. now. sht!

"Reina!" Sigaw niya.

Tumalikod na ako para umalis pero hinawakan niya ang braso ko. Napatalon ako sa pagkakahawak niya.

"Sorry," Aniya nang napansin ang pagtalon ko.

Hinarap ko siya at kinunot ang noo.

"Ano?" Tanong ko.

Half-open ang bibig niya at tinignan ako.

"N-Napansin ko kasing may sugat ka kanina."

Kinuha niya ang kamay ko at nilahad ito. Binawi ko agad ang kamay ko.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon