CHAPTER 40

6.4K 144 1
                                    


2 weeks has passed, palagi ng pumupunta si Sir sa bahay tuwing wala syang pasok which is every thursday and sunday. Nung mga nakaraang araw palagi lang kaming nasa bahay nanonood ng movies, kahit masama ang tingin ni Raven kay Sir. Ayaw nya talaga kay Sir para sakin dahil daw matanda si Sir para sakin, pero nung mga araw na kasama ko Sir napagalaman kong 20 years old lang sya dahil maaga syang nakagraduate at palagi syang na aaccelerate nung elementary at highschool sya. Grabe nga, nahiya naman yung edad ko sakanya, so 2 years lang agwat naming dalawa hindi na masama diba? Tsaka kahit naman 30 or 40 plus na sya wala naman akong pakialam eh, age doesn't matter if you really love that person.

"Nandun na naman sya kahapon?!"

"Ganyan ba talaga pag nanliligaw, palaging nasa bahay? Ba't di ka nya dinidate sa labas?"

Kasama ko ngayon sila Thunder at Jess, sila narin palagi kong kasama simula nung gabing nagkasama kami sa bahay at inabot ng hating gabi kakalaro ng video games. And yes, para silang si Raven. Mga hadlang sa lovestory namin ni Sir.

"Well, inaaya nya kong lumabas kami pero kasi natatakot ako baka may makakita samin na taga dito sa campus. Mabuhay na naman yung chismis noon." Sagot ko pa habang kumakain ng stick-O.

They pouted. Pareho sila, para na ngang magkapatid yang dalawa at magkasundo na sila sa lahat ng bagay, including getting me away from Sir. Yuji.

"Sha, if he really loves you dapat wala syang pakialam sa sasabihin ng iba diba?" Sabi naman ni Thunder.

"Oo nga. Tsaka Cha, alam ba ng mga magulang mo na nililigawan kanang Professor mo? Nako, kay Raven pa nga lang hindi na pasa yang Sir mo eh." Dagdag naman ni Jess.

See? Talo ako sa dalawang yan pag pinagtutulungan ako. Araw araw yan, minuminuto si Sir ang topic namin at kung anong nangyayari samin.

"Thunder, Yes. Wala naman syang pakialam sa sasabihin ng iba. Actually, he insisted na dalhin ako sa favorite restaurant nya kahit may makakita pa nga daw samin lwala na daw syang pakialam eh. And Jess, No. Hindi pa alam nila Mama and I'm sure as hell na kahit hindi ako magsabi e nandyan si Raven para magsumbong sakanila."

*Sighed* Ang daming hadlang samin ni Sir. Ni lumabas hindi namin magawa tapos yung mga magulang ko pa.

"Fine. Basta Sha, nandito ako pag sakaling iyakan mo yang Sir mo ha. I'm always here remember that." Sabay kindat ni Thunder sakin.

"At ako rin wag mo ko kakalimutan. Bespren mo ko Cha, at kahit ayaw ko dyan sa Sir mo, ok narin ako basta masaya ka." Nginitian naman ako ni Jess.

Natouch naman ako sa mga kaibigan ko. Pumunta ako sa likod nila at inakbayan sila pareho, kapatid na turing ko sa dalawang 'to kahit ang ibig sabihin nun e palagi ko silang kaagaw sa pagkain ko pfft.

"Teka nga, sinagot mo na ba si Sir?" Tanong ni Jess.

"Um.."

Biglang silang umalis sa pagkakaakbay ko at humarap sakin sabay pareho silang nakacrossed arms at tinititigan ako ng masama.

"What?" Tanong ko pa.

"Kayo na no? Ang easy to get mo Sha!"

"Hindi mo man lang pinaabot ng isang buwan yung panliligaw nya Cha?"

And there they are, staring at me like I'm their little sister.

"Hindi pa kame! Ok? ok? Wala pang kame. Easy lang kayo, kayo unang makakaalam kung kami man okay?" Nagnod naman sila pareho sa sinabi ko sabay akbay naman sakin ni Thunder.

Sa darating na Teacher's week which is yung mga palaro na gaganapin at partner ko e Thunder e dinagdag namin si Jess sa grupo namin. Tutal pwede naman daw hanggang 4 members, gusto ko pa nga isali si Penny sa grupo namin kaso hindi namin sya makita.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon