CHAPTER FORTY TWO

2.3K 76 0
                                    


"DUCK! " sigaw ni Throy kaya sinunod ko siya at paglingon ko'y bumagsak yung demigod na may hawak na sword.



Hindi ko kayang makita si Throy na ganito na sobrang nanghihina dahil sa pagligtas niya kay Bella. Kung pwede lang sana akong magshare ng natitira ko pang lakas, handa kong gawin yun ngayon pero hindi eh.

"Tumigil ka na sa mga iniisip mo. Hindi ka niyan matutulungan. "


Tumango ako. "Kaya mo pa ba? "

He grinned at me. "Why? Am I look fragile? "

Umiling na lang ako at nagsimula nang sumugod. Marami pang mga nagdadatingan na Minotaur at demigod habang kami ay nalalagas na dahil kay Iapetus.


Napapagod na rin ako at hindi ko na kayang tumakbo ng malayo. Tsk. Bakit ba kasi ngayon ko lang naramdaman 'to?

Meron kaya akong matatawag sa Underworld na pwedeng sakyan?


Inatake ko yung mga sumusugod sa akin at bumabaon sa katawan nila ang triple edges ni chadar.


MEEE! HEEE! HEEE!


May tumigil sa harap ko na skeleton horse at yumuko. Mukhang pinapasakay niya ako sa likod niya pero nag-aalinlangan ako dahil baka maputol ang mga buto niya kapag sumakay ako.


Wait... Did I summoned him? Sa pagkakaalam ko, nagtatanong lang ako sa sarili ko kung may pwede akong... Hayss.



Sumakay na ako sa likod niya at nagsimula na siyang tumakbo paikot habang iwinawasiwas ko sa mga sumusugod sa amin si chadar. May dumaang arrow sa left side ko na hindi ko man lang namamalayan dahil nakatuon lang ang buong atensyon ko sa mga inaatake ko. Napahawak ako sa left cheek ko na nadaplisan pala nung arrow na dumaan. Hayss. Nakakainis.


Nahagip ng mata ko yung paglipad ng spear ni Iapetus at nung makita ko kung saan ito papunta ay inihampas ko si chadar dito kaya bumagsak ito sa lupa.

"Well, well. Why are you trying to save that fool demigod?" nagliparan sa direksyon niya yung mga golden arrow ng Apollo's cabin at centaur pero ni isa man sa mga ito ay walang ipekto sa kanya dahil sa suot niyang armor dress.

"Let's finish this, Titan. "


"Ready to die, eh? " tumawa siya at itinutok sa akin yung tip ng spear niya. "Let's see who's stronger and powerful... "


"Shut up you wicked freak stupid irritating Titan. "


Namula ang mata niya at sumama ang tingin sa akin. "You'll be sorry... "


Ibinato ko sa kanya si chadar pero nadeflect niya gamit ang spear at sinipa niya si skeleton horse dahilan para ikatalsik ko din. Humampas yung likod ko sa trunk ng puno at feeling ko'y nadurog 'yong spinal cord ko sa lakas ng impact.


"Too weak. You don't have power to defeat me, poor child of Hades. " he grinned then lifted his spear over his right shoulder.


Tumayo ako at inihampas sa lupa si chadar. Tumawa siya ng malakas at ginamit ko yung sandali na 'yon para ibato sa armor dress niya si chadar at pumulupot ito sa lace non. Tumakbo ako palapit sa kanya sabay talon sa skeleton horse na sinusubukang tumayo at lumipat sa ulo nung demigod na kalaban ni Throy sabay talon sa balikat ni Iapetus.


"Laugh while you still can. "


Napatingin siya sa akin at gulat ang expression niya. "How did you... "


Crixpien And The Last OlympianWhere stories live. Discover now