Chapter 5. [First Encounter]

127K 2.8K 156
                                    

KAYCEE'S POV

"Iha, ikaw na bahala sa baby boy ko ha? I'm going to New York later. I'll be there for 6 months."

"Ay sige po. Opo ako na po bahala... kay Master Blake." Ngumiti si Tita Elise aka ang nanay ng mayabang na lalaking yun.

So far maayos naman yung pagstay ko dito. 2 days pa lang ako and nakaka-adjust naman ako.

Wala pa kasi yung anak niyang ipokrito. May band guesting o something. Sana wala siya forever! Teka, ansama ko naman kung ganun.

Feeling ko di ako makakatagal sa kanya eh.

"Miss Kaycee. If my son bothers you, feel free to call me. Okay? Here's my contact number." Naglabas siya ng calling card sa Louis Vuitton na bag niya at binigay sakin. May sparkles pa yung calling card. Ang yaman talaga nila.

"Sige po." Ay tae wala nga pala akong phone. Di bale makikitawag na lang ako kay Nanang Dolores. Taray eh. May cellphone si Nanang.

"So, unang sweldo mo, sa 26 right? Si Nanang na bahala sayo." Nagnod ako sa kanya at ngumiti. Bakit ganun? Ambait-bait ni Tita Elise, pero yung anak niya kasingsama ng demonyo kung makapang-asar?

"Ah. Tita Elise?" 

"Yes?"

Tanong ko na nga.  "Ano po bang ugali ng anak niyo?" 

Natawa siya nun at nagthumbs-up sign. "I think it's up to you to figure it out. Basta, tandaan mo Kaycee. Ang anak ko na si Blake, matigas ulo nyan minsan. Pero kung alam mo na ugali niya. Masasanay ka na rin. So, goodluck!" 

"Ah. Hehe. Ganun po ba? Goodluck nga po sakin." Nagchuckle siya.

"If it's not a bother, can you help Nanang Dolores and the other maids to bring my baggages outside?" 

"Sige po." Pumunta na ako sa may sala kung saan andun yung gamit ni Tita Elise. 

"Ay Nanang! Ako na po magbubuhat nyan. Wag na ho kayo." Lumapit ako kay Nanang Dolores na hirap na hirap buhatin yung baggage na Louis Vuitton rin.  May katandaan na kasi kaya ganun.

"Salamat Kaycee. Tila nawawala na yung lakas ko eh. Oh siya, padating na rin si Rose, tutulungan ka na lang niya."

"Sige po." Binuhat ko na yung unang baggage papuntang garahe. Andun si Manong Driver. Nagsisigarilyo. Wala man lang tulong oh.

Bumalik ako sa sala at andun na rin si Rose. "O Kaycee?" 

"Rose. Tulungan mo daw ako sa pagbubuhat nung mga baggage ni Tita Elise." Nag-nod siya at kumuha na rin ng isang baggage. 5 yung baggages pero ambibigat. 

Nung natapos na yung pagbubuhat namin at pagdadala sa garahe. Nagpaalam na rin kami kay Tita Elise. Tapos pumunta sa maid's quarter.

Yung maid's quarter dito. Ang astig. May sari-sarili kaming kwarto. Feel na feel ko ngae. At least, pwede akong magtrabaho, at the same time, makapag-aral at makapagpahinga rin. 

Pumasok kami ni Rose sa kwarto niya dahil tutulungan ko siya sa pag-iimpake.

------------------------------------------

"Kumusta pag-apply mo?" Si Rose kasi ay 24 years old na. And, malapit na siya magresign. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to. Pero mas masaya daw siya kung sa ibang bansa na lang siya magtatrabaho. Kahit daw Caregiver. Oh well papel. 

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon