/7/ Voices

120K 4.1K 1.1K
                                    

Universidad de Atlas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Universidad de Atlas

NAKATAYO ako sa entrada ng unibersidad, nakatingala at tinitingnan ang mga ibon na nakadapo sa arko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKATAYO ako sa entrada ng unibersidad, nakatingala at tinitingnan ang mga ibon na nakadapo sa arko. Napapikit ako saglit atsaka huminga ng malalim.Ramdam ko ang literal na pagnginig ng aking mga tuhod, ngunit nilakasan ko pa rin ang loob ko. Nagsimula akong maglakad kasabay ang ibang mga estudyanteng nagmamadali. Pero... pero parang hindi ko kaya dahil sa mga boses na aking naririnig.

'Late na ko! Oh my God!'

'Sana walang prof para delayed 'yung test!''

'Maybe I'll just drop my subject later.'

'I love you.'

'Cos Sin Tan'

'The energy of our mind presides over matter and that in the new quantum reality, the true value is not only what we do and say but also in how we think.'

Hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko, they won't stop, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung anong dapat kong gawin. Namalayan ko na lang 'yung sarili ko na nakasalampak sa lupa, tila nawawalan ng lakas. Pinagtitinginan ako ng mga naglalakad, nagtataka silang lahat.

"Miss, are you okay?" may isang lalaki ang lumapit at nilahad ang kamay. 'God, she's gorgeous.' Umiling ako sa kanya, tumayo ako kaagad at patakbong lumayo, wala na kong pakialam kung may mabunggo man ako.

Narating ko ang building ng college namin, I tried to regain my composure; everything's going to be fine, Sigrid. You just need to focus, you're sick, but you'll get through this. Kaagad akong dumiretso ako sa una kong klase, pagdating ko roon ay nagsisimula na palang maglecture si Professor Paciano, umupo ako sa pwesto ko at hindi ko maiwasang makuha ang atensyon nila.

Wala si Richard. And... I feel sad.

Habang nagkaklase ay taimtim akong nakikinig pero heto at bumabalik na naman ang mga boses sa utak ko. Nagsisimula na namang gambalain ang aking isip ng mga boses na hindi ko alam kung saan sila nanggagaling o kung paano nagsimula ito kahapon pa magmula nang ma-discharge ako sa ospital. That guy who saved me, Memo, paid all the bills and yet I do not know where to find him, he said siya ang nagligtas sa'kin at hindi ko pa rin maalala kung bakit at paano ako naaksidente. Buong buhay ko ngayon lang ako may hindi maalala!

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon