BDOD #51 (For my TeamBruh)

15.9K 448 72
                                    

Attention: Puchu-puchu 'to! Pagtiyagaan nalang po muna, hahaha Ü And dun sa #AskTheVicerals, inaayos ko pa kasi yung questions for them kaya puchu-puchu muna yung ilalagay ko dito haha! If you want to give me questions for Karylle, Vice and Klang, you can tweet me on @vicegandamer :) Thank you :*

P.S: Klang has her twitter na hahahaha! So cute! @ana_klarisse :) Paki-away para masaya. Char!

And please also read and support my new story entitled 'Bring Your Way Back' :) Thank youuuuuu :*

-.-.-.-.-

Once nai-park na ni Vice ng maayos ang sasakyan ay nagmadali na siyang pumasok sa loob ng bahay. He threw his car's key sa gilid ng vase and headed directly sa kwarto kung saan naabutan niyang nakaupo lang ang asawa sa floor habang nakaharap sa side pa-veranda. She was staring nowhere at tila hindi manlang naramdaman ang pagbukas ng pintuan.

"Mommy?" Vice called dahilan para mapalingon si Karylle. His heart melted nang mapansin na namumugto ang mata ng asawa. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap. "I'm sorry,"

"Ba't umuwi ka agad?" nagpipigil hikbing tanong ni Karylle na pilit ipinapakita na matatag siya. "B-baka magtampo si Jegs."

"If I stay there, paano ka? I know you need me and I would just get bothered lalo na't alam kong ako ang dahilan kung ba't ka nagkakaganyan," nag-aalalang sabi nito while wiping Karylle's tears. "I'm sorry for what I had reacted,"

"Naiintindihan ko naman," may mapait na ngiting tugon ni Karylle as she looked down. "You can go back na sa party ni Jegs. I'll be okay,"

"I'm sorry," muling sambit ni Vice bago halikan ang ulo ng asawa. "Sinungaling ako kapag sinabi kong okay lang sa 'kin ang desisyon mo... na tanggap ko... dahil as a man, nakakababa sa pagkalalaki ang walang malaking pamilya. Pero mahal kita kaya iintindihin ko,"

"Hihiwalayan mo na ba ako?" puno ng takot na tanong ni Karylle na siya namang ikinabigla si Vice.

"Ofcourse not. Why would I? It's hard for me to accept na hindi ko makukuha yung pamilya na pinagarap ko, but it would be harder kung pati ikaw mawawala sa 'kin," paliwanag nito habang nagbibigay ng short kisses sa mukha ni Karylle. "I love you, okay? Wag na wag mong iisipin na iiwanan kita."

-.-.-.-.-

Vice

I never thought that because of my quiet reaction with Karylle's decision, nasasaktan ko na pala siya. I decided na wag nalang sanang pag-usapan ang issue to avoid possible conflicts between me and my wife but I didn't know na kahit pala hindi ako magsalita ay malalaman niya kung ano ang totoo kong nararamdaman about her decision.

Could you blame me? Gusto kong magkaroon ng malaking pamilya. Gusto kong maipagmalaki ako ng tatay 'ko na sa wakas, ang dating babakla-baklang si 'Tutoy' naikalat na ang lahing Viceral. Pero paano ko matutupad ang pangako ko sa tatay ko kung ayaw ng sundan ni Karylle si Klarisse?

Alam kong hindi ganoon kalaki ang issue na pinoproblema ko ngayon, but being a man, hindi ko mapigilang mainis. Hindi ko mapigilang mairita. I worked hard para sa pamilyang pinapangarap ko. Okay naman na lahat eh, mga anak nalang ang kulang, though meron na 'kong isa.

Hindi na 'ko magsisinungaling... hindi pa ako kuntento. Gusto kong bumuo ng mas malaking pamilya.

Magagalit kaya si Karylle sa 'kin if I force her to give me two more kids?

The next day, mula paggising hanggang sa Showtime, I noticed na medyo ilag sa 'kin si Karylle. Everytime I was holding her hand, mabilis niya iyong binabawi pabalik. Even when I'm hugging her from behind, napansin kong medyo naiilang siya. Sobra akong nab-bother so bago magsimula ang Showtime, sinubukan ko na siyang kausapin.

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon