Chapter 2

3.7M 101K 82.2K
                                    

Chapter 2: Pako

Zein's Point of View

Pagkagising namin ay agad na tinungo namin ang Headmistress   na si Madame Violet.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangising tanong nya. Pinaglaruan nya ang ball pen na hawak nya at paulit-ulit na ipinukpok sa lamesa.

Naka black pa rin itong damit. Maging ang kanyang labi at kuko ay kulay itim. Black lady ata 'to.

"Good Morning Madame Violet. Gusto na po naming umalis dito sa school." Sambit ni Vanessa sa magalang na tono.

Tumaas ang kilay nya at mayamaya'y humagalpak sa kakatawa. Tumayo ito at humalukipkip sa harap namin.

"Bakit? Anong problema? Akala ko ba COOL?" Tanong niya.

"This school is a complete mess! Walang kwenta! How come hindi naipapasara ang school na ito?!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.

"Easy Miss Zein Shion, Hell University is an independent school. Hindi ito saklaw ng gobyerno at hindi nila ito maaring pakialaman."

"How come?! Basta! Lead us the way nang makaalis na kami sa pesteng school na ito!" Sabi ni Dave.

Tumalim ang titig sa amin ni Madame. That pure intimidating black eyes--- They are up to something. Sino ba sya?

"We have a motto here. Once you enter, there's no turning back." Mahina itong tumawa.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na kami makakaalis? No way! Hindi kami ligtas sa lugar na ito! All students here are evil! Nakakatakot sila at sigurado akong kapag nagtagal kami rito ay maaring mapahamak kami.

"What do you mean?!" Galit na tanong ni Mia.

Pinaglaruan ni Madame Violet ang tip ng buhok nya bago umupo sa swivel chair at pinaikot ito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakahilo ang ginagawa nya. Iniinis nya talaga kami at hindi sineseryoso. Damn.

"We are not joking here! Lead us the way out!" Utos ni Matt.

"Nah. Pumasok kayo rito. Walang pumilit sa inyo. All you have to do now is..... panindigan nyo!"

Tumayo si Jerome at hinampas ang desk ni Madame na lumikha nang nakakabinging tunog.

"Bullshit! Aalis kami rito! Makakahanap kami ng daan! Isusuplong namin kayo sa mga pulis!" Nagtatangis ang bagang na sambit ni Jerome.

Lumapit sa kanya si Vanessa para pakalmahin ito.

"Go Mr.Jerome Marquez. Find the way out if there is. Walang pumipigil sa iyo." Natatawang sambit ni Madame.

Naningkit ang mata ko. Pinaglalaruan nya ba kami? Iniinis nya ba talaga kami? Anong pinaplano nya? Seryoso ba sya? UGH!

"Anyway, Here's your uniform. Together with your schedule."

Tinapunan lamang namin ng tingin ang mga inilabas nyang plastic na may pangalan namin.

"Wait. Kailangan pa ba naming mag-aral? May ituturo ba kayo sa amin na lessons? O patayan lang ang alam nyo?" Tanong ni Vanessa sa isang sarkastikong tono.

Sumusumpong na naman ang pagkamaldita nya. Well, hindi ko sya masisisi. This woman is really weird, nakakainis ang ngisi nya.

"Hell University is still a school. We have lots of teachers. Pili lang ang mga guro rito na pumapasa sa amin, kaya I assure you na marami kayong matututunan here over the other school. Magagaling lahat sila." Aniya.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon