Prologue

215K 3.8K 720
                                    


Napakadilim nang gabi.




Umuulan nang malakas.




Sinasabayan nang nakakatakot na kidlat at nakakabinging kulog.



Makikita ang isang babae na tumatakbo sa masukal na gubat karga karga ang isang bagong silang na sanggol. Nakabalot ito sa puting lampin na ngayon ay kulay pula na dahil sa dugo. Punong puno siya nang mga sugat sa iba't-ibang parte nang katawan.

"Hanapin nyo sya! Hindi pa yun nakakalayo!" Boses nang isang malaking lalaki na nakabalot sa isang maitim na kapote.

Narinig iyon nang babae kaya nagtago sya sa isang napakalaking puno para maikubli ang sarili habang naghahabol nang hininga.

"May mga yapak dito." Sabi nung isang lalaki di kalakihan a nakasuot din nang maitim na kapote.

"Sundan nyo yan!" utos nito.

Sumilip ang babae at tiningnan ang mga ito. Ngunit nakatingin na rin pala sa gawi nya ang mga humahabol sa kanya.

"Ayon sya!!" Sigaw nito para matawag din ang atensyon nang kanyang mga kasamahan.

Hindi nag alinlangan at tumakbo ang babae. Kung saang direksyon ay wala na syang pakialam. Ang sa kanya lamang ay makalayo agad sa mga ito hanggang sa nakarating sya sa dulo nang isang bangin. Huli na para makatakas pa sya. Nasa likod na nya ang mga humahabol sa kanya.

"H-hindi! Hindi nyo makukuha sa akin ang anak ko!" Sigaw nya na parang nababaliw. 

"Patay na ang anak mo!" Saad naman nung lalaki.

"Hindi!" sigaw nung babae sabay talon sa bangin.

Bakas sa mukha nang mga humahabol sa kanya ang pagkagulat sa ginawa nito. 


+++++++++++++


"What were you doing outside, Victor?" an authoritative voice asked the man named Victor.

"What were you doing outside, Victor?" an authoritative voice asked the man named Victor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Your Highness, may mortal po sa labas at may yakap na patay na sanggol." Sagot nung lalaking kung tawagin ay Victor.

"Open the door." He commanded.

"No need for that, Your Highness. They are just mortals."

"Open the door." He commanded again with no piece of emotion that can be shown on his face.

Binuksan ni Victor ang pinto. There he saw a woman who bathed in blood.

Napansin siguro nung babae ang kanilang presensya kaya pinipilit niyang itinaas ang kanyang ulo mula sa pagkakadapa habang pilit na inaabot ang kanyang anak.

"P-pak---kiusap, i-iligtas nyo a-ang a-anak –ko."

Nakatingin lang sa kanya si Victor at ang lalaki na tinawag na "Your Highness" nito. Saka binawian nang buhay ang babae.




-------------------

A/n: 

Hi ! :D

Gusto ko lang po itanong, ano po ang nag udlok sa inyong basahin ito? Was it the cover? or the description?or ano? hehehehehe gusto ko lang po malaman. :)

Follow me on my fb page: annethatwrites

Thank you po.

Taken by a DEMON (PUBLISHED UNDER RISINGSTAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon