Chapter 28.

13K 453 57
                                    

Chapter 28.

Pageant day.


Busy kami ni Clarence pareho dahil ngayon na ang opening ng University week. Ngayon na din ang pageant at ngayon magpeperform sila for the opening. But he made sure na papanuorin niya ako sa pageant. Sweetest boyfriend! Alam niya talaga kung paano buohin ang araw 'ko!



"Grabe Margs. I really cannot belive you're all grown up now." Anang Jen. Natawa ako sakanya. Siya yung unang naging kakilala 'ko pag tungtong ng college. Pinakilala niya lang sakin sina Dexa at Shan.



"'Kung makapagsalita ka parang anak mo si Honey." Humalakhak si Dexa.



"Oonga, Jen. And duh? Weeks from now, birthday na ni Marga! She's turning 20!" Shan.



Napangiti ako at niyakap ang mga kaibigan 'ko. They love me so much and ofcourse, I love them too. Sobrang blessed ko nalang talaga kasi nakahanap ako ng true friends that I know will last forever.



Hindi 'ko napanuod ang performance nina Clarence but I can hear his voice dito sa studio. Rinig na rinig 'ko din ang tilian. Oh, girls. You're drooling over a guy who has a girlfriend.. At ako 'yun. Hehe. Am i lucky? Or he is?



"Marga, patapos na ang performance. Magready ka na." anang Miss Zanea.



Tumango ako sakanya at nagpatulong na magsuot ng dress. Leche kasi mga kaibigan 'ko, pinanuod ang performance ng mga boyfriends nila. Kawawa naman ako! Naiwan!



Nakalinya na kami backstage. Nakailang hinga ako ng malalim dahil ito ang pinaka... As in.. Literal na first time na sasali sa pageant. My gosh!!



"Honey Margarette Andes, Third year business marketing management!" Napapikit ako ng mariin ng tawagin ang pangalan 'ko.


I walked confidently as I hear the crowd cheering my name. Nakakita pa ako ng banner na hawak nina Dexa, Shan, Josh, Chris, Rayven, Russell at Jen habang nagtiti-tili. Nag flying kiss ako sa kanila at ngumiti ng matamis. My gosh. This couldn't be more amusing! I swear!


Hinahanap-hanap ng mata 'ko si Clarence pero hindi ko siya makita. Bumalik kami sa backstage para makapag ready sa talent portion. Shocks. Lutang na lutang talaga ako! Bakit hindi 'ko makita si Clarence? Where is he? He promised to watch me! Kaasar!



Nirehearse ako nina Dexa at Jen sa kanta 'ko. Hindi na ako mapakali kaya tinanong ko na kung nasaan si Clar.



"Uh. He went somewhere, eh. Nagmamadali." Jen answered me.



"Saan daw?"



"I.. I actually don't know. He started panicing when he received a call from someone and he left." Jen shrugged at nirehearse na ako.



When it's my turn, I started to sing 'Paano ba magmahal' and I swear. Hindi ako makapag-concentrate masyado sa lyrics dahil hinahanap-hanap ng mga mata 'ko si Clarence.


Napako ang tingin 'ko kay Bruce. Ofcourse I know it's him! He's watching me from afar and I can see him wiping his tears. Ewan ko kung bakit pero parang may konting kirot akong naramdaman when I saw him. I want to hug him so bad. Maybe hindi pa nga ako talaga tunay na nakaka move on sakanya pero what matters is, si Clarence. Ang present boyfriend ko. Nasan na ba 'yun?


Fast forward to coronation and he still isnt showing up. Putangina. I never cursed this bad pero sobra na talaga yung pagkabadtrip ko! Hindi ko naman siyang magawang tawagan kasi nakay miss Zanea ang phone 'ko.


Nasa stage na kaming lahat waiting to know who are the runner ups and the winner. Okay. I'm losing my sanity. Wala na akong pake sa kung ano yung tamang postura o hindi. I'm literally frowning infront of everyone! Lagot ako kay Miss Zanea mamaya for sure.



"And the winner is...." Drum rolls and shits. Hindi ako runner up at mas lalong hindi ako ang winner! darn! Ang tagal! Gusto 'ko na 'to matapos so that I could find my boyfriend! "Honey Margarette Andes of 3BMM!"


Wait... Ako?! Napangiti nalang ako ng lagyan nila ako ng crown, sash, boquet and shits. Nagkaroon ng MATAGAL na pictorial sa gitna. Ngumingiti lang ako ng matapos na ito. Tagal!


I won. And I don't even care! Wala akong paki kung nanalo ako talaga. Yung boyfriend 'ko! Siya yung dapat inaalala 'ko! Nanalo na ako't lahat lahat pero wala padin siya. Darn it.


Backstage ay cinongrats ako ng mga blockmates 'ko sa iba't ibang subjects. Sina Dexa, Shan at Jen ay sobrang proud sa akin kaya napangiti ako sakanila and thanked them endlessly. Shocks. Ang saya... Ngayon lang nag sink in sakin na winner ako at lalaban na naman ako sa university wide pageant if ever na di ako makagraduate sa October! My gosh!


Nagpalit ako ng simpleng tshirt at pantalon. Paglabas 'ko sa dressing room ay natanaw 'ko si Bruce sa couch na kausap si Miss Zanea. Napatigil sila sa paguusap at umalis si Zanea. Bruce eyes never left mine.


"Marga," he smiled at me. Ngumiti din ako sakanya. Diba dapat galit siya dahil sa ginawa namin ni Clar sakanila ni Yanna sa Poker club?


"Hey, Bruce.." I can't really believe I am already separated with the man I loved the most. Yung lalaking unang nagpatibok ng puso 'ko. At yung lalaking naging sandalan 'ko sa loob ng tatlong taon.



"Congratulations. You did a very great job. As expected, I know you'll win."



"Salamat." Nabigla ako nang yakapin niya ako. Hindi ko siya niyakap pabalik pero hinayaan ko lang siya.



"I know you love him and I can't do anything about it. I can't do anything to win you back. And I'm sorry... Sorry for causing you a heartache again. I don't deserve you, Margs. But I'll do everything just to be one. Hanggang ngayon mahal na mahal pa din kita.." Naramdaman 'kong basa ang shoulder 'ko dahil sa iyak niya. Oh my gosh... Bruce...


"Mahal din naman kita, Bruce.. Hindi naman ata mawawala iyon.. Pero ibang usapan si Clarence. I love him very, very much. Katulad siguro ng pagmamahal mo kay Yanna kaya binabalik-balikan mo siya." Humiwalay ako sa yakap and cupped his cheeks. Pinahid 'ko ang mga luha niyang ayaw magpapigil sa pag tulo, "Thank you ha? Thank you. You'll always be my best friend, Bruce. Always remember that. Tahan na iyak, papangit ka nyan." I pouted at tumawa kaunti. Natawa siya 'don at niyakap akong muli.


"M-may sasabihin ako..." Humiwalay siya ulit sa yakap at biglang sumeryoso.




"Hmm? Ano 'yun?"




Huminga siya ng malalim na para bang nahihirapan siyang sabihin yung dapat niyang sabihin sakin, "Clarence is—"




Napatingin ako sa pinto nang mag bukas ito. Iniluwa nito si Clarence na may dalang maliit na shopping bag. Biglang naging malamig ang aura niya at nanigas ang mga kamao niya.


Ano ang dala niya? Lol Marga magsusuntukan 'yang dalawang 'yan at ang dala niya padin ang napansin mo.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon