Chapter 10: Surprise

270K 9.9K 2K
                                    


Hailey's Point of View


Naiinis na siguro si Warren sa pangungulit ko sa kaniya na mag-aral na siya. Kung naiinis siya, okay lang. Para rin naman sa kaniya kaya ko 'yon ginagawa. Hindi naman pwedeng palagi na lang siya naglalaro at nagsasaya. Kailangan din niya magfocus, mag-aral at maghirap paminsan minsan. Kapag naman nakagraduate na siya maiintindihan niyang worth it din 'yung mga paghihirap niya.

Sa una kasi mahirap naman talaga. Kapag natapos naman na sobrang fulfilling na. Sobrang saya.

Basta ngayon masaya naman ako kasi kahit papaano nakikinig na siya. Nag-aaral na siya kahit no'ng una nagsinungaling pa siya. At least ngayon okay na.


Speaking of Warren... vacant nga pala no'n ngayon. Matext nga.


Nasaan ka?


Hindi rin naman nagtagal ay nagreply agad siya.


Tambay sa room para sa next class ko. Ikaw? Bakit nakakapagtext ka? Di ba may klase ka pa?

Early dismissal. Tara sa library.


Kung kanina sobrang bilis niya mag-reply ngayon parang medyo natatagalan. Baka hindi na siya magrereply?

Oh well. Sige, ako na lang.


"Uy, Hailey. Saan punta mo?" tanong sa akin ng kaklase ni Warren nang makasalubong ko siya habang papunta sa library.

"Sa library ng college namin. Ano nga palang ginagawa ni Warren? Katext ko kasi kanina tapos bigla na lang hindi nag-reply. Kapag nakita mo nga pasabi na sunod siyang library kung hindi siya busy."


Natawa 'yung isa sa tropa ni Warren dahil sa sinabi ko. "Baka kaya hindi nag-reply 'yon kasi ayaw sumunod sa library. Parang hindi mo kilala si Evans. Napakatamad mag-aral."


"But he's trying to change. Medyo nag-aaral na siya."


Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ganoon ba kahirap paniwalaan na nag-aaral na si Warren?


"Sige na lang. Sabi mo eh. Una na ko. Sabihin ko na lang kay Warren ang sinabi mo kapag nagkita kami."

"Okay. Thank you."


Kaya nga ba hindi nag-reply si Warren dahil inaya ko siya sa library? Hindi nga ba siya nag-aaral? Nag-usap na kami noong nakaraan at sinasabi naman niyang nag-aaral na siya. Kaya sa kaniya ako maniniwala.

Nang makarating ako sa library ay bigla na lang may humawak sa braso ko. Kung wala ako sa library malamang ko ba ay napatili na ako dahil sa gulat pero dahil nirerespeto ko ang lugar na 'to, nagawa kong pigilan ang pagtili ko.


"Warren? Paanong nauna ka pa sa akin makapunta dito? Hindi ko naman sinabi kung saang library tayo magkikita."

"Sa main library ka naman madalas nag-aaral. Kabisado na kaya kita."

"Akala ko tinatamad kang mag-aral kaya hindi ka na nag-reply."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon