CHAPTER 43

5.5K 162 2
                                    


TEACHER'S WEEK

"Do you guys really have to wear that?"

"Hindi ako may gusto nito, si Thunder. Masyado nyang sineryoso yung Teacher's week."

Nasa office ako ni Sir at nagpapalit ng tshirt. Busy kasi lahat ng mga tao sa baba at wala akong mapagpalitan ng damit kaya dito ako dinala ni Sir. Nakatalikod naman sya at binantaan kong makikipaghiwalay ako pag sumilip sya. Sinunod naman nya agad, haba ng hair ko e.

"Charlotte." Tawag nya sakin habang nakatalikod sya.

"Po?"

"Wag mo na kong pino'po' please. Lakas makatanda eh." Natawa naman ako sa sinabi nya, paanong hindi ako magpoPo e nakakailang kaya.

"Sir, Professor ko parin kayo kahit b-boyfriend ko na kayo--" Nauutal ako pag binabanggit ko yung word na "Boyfriend" ko na sya. Parang hindi ako sanay.

"Are you done? Can I turn my back now?" Paalam pa nya.

"Yep." Agad naman syang tumayo sa pagkakaupo nya sa desk nya at nilapitan nya ko.

"Treat me like Travis or Jess. Ayokong formal ang turing mo sakin like I'm gonna bite or something, and stop calling me Sir. Call me Yuji."

Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Yuji. Nope, that's not gonna work. Hindi talaga ako sanay.

"Sir--"

"Charlotte, I'm your boyfriend. Kung tayo lang naman dalawa walang problema kung tatawagin mo akong Yuji."

"Hindi po-- I mean, hindi ako sanay na tawagin lang kayong Yuji, kahit boyfriend ko na kayo parang nakakawala ng respeto para sakin na tawagin lang kayo sa pangalan nyo, Proffessor ko parin kayo e."

He pouted.

"Alright then, magreresign na ako mamaya para hindi mo na ako tawaging Sir." Nanlaki naman mata ko sa sinabi nya.

"No, bakit kailangan nyong magresign? Hindi nyo kailangang gawin yun, oo siguro naninibago pa ako ngayon pero masasanay din ako okay?" Nginitian ko sya na ikinatuwa naman nya.

"Fine, what are you going to call me then?"

"Um..Sir?"

"Yes, Sir as your Professor. But as your boyfriend what are you going to call me?"

Napapafacepalm ako. Bakit ang komplikado nito, kailangan may tawagan? Oo kasi magbf/gf kami, marami naman akong naiisip na tawagan namin pero kasi example naisip ko Babe, takte tatawagin kong Babe si Sir? Nakakailang! Isa pa, what if Baby itawag ko sakanya? Langya, Baby? Ano yun Baby Sir?

"Um..uhh..Kailangan ba talaga ng tawagan? Kahit Sir at Ms. Briones nalang cute naman yun e."

*He sighed*

"Fine, pero sabihin mo sakin once na pag nahihirapan kana sa sitwasyon natin ok?" Hawak nya yung pisngi, parang dinadampi nya yung kamay nya na para sakin naman e nakakakalma ng pakiramdam.

*RINGG!* Ayan nagbell na, meaning start na ng mga palaro sa baba. Pinulot ko na yung bag ko sa sahig at sinuot sa likod ko.

"Kailangan ko na po bumaba, baka inaantay na ako nila Thunder."

He nod. Aalis na sana ako pero hinila nya ang kamay ko sabay yakap nya sa akin.

"Wag kang masyado magdididikit sa mga kaibigan mo ha? Nagseselos ako, ayokong may ibang nagpapangiti sayo bukod sa akin."

Napangiti naman ako sa sinabi nya, talagang pinagseselosan nya sila Thunder. Tinugunan ko yung yakap nya tsaka ko sumagot.

"Wag ka kasi magselos, kahit sila naman yung kasama ko, alam nilang ikaw ang mahal ko."

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon