CHAPTER 45

5.5K 137 1
                                    


"Kaya siguro seloso ako pagdating sayo, I see you as my family now Charlotte and I'm just scared as hell to lose you too. Wag mo akong iiwan ha?"

Those words hit me like a truck. Seryosong mga mata, seryoso pati yung pagkakasabi nya, to think na ako pa sasabihan nya nun e ako nga tong natatakot na baka ako yung iwan nya.

"Hindi naman kita iiwan, sa tagal ko kayong pinagpantasyahan magagawa ko paba kayong iwan ngayong pagmamayari ko na kayo." He smiled as I said those words.

Papalapit sya ng papalapit habang nakatingin sya sa mga labi ko. Pabilis naman ng pabilis yung kabog ng dibdib ko, ang bango nya naaamoy ko na sya konting konti nalang ng may naalala ako.

"Sir?" Sa sobrang lapit nya magdikit na yung mga ilong namin at nagkakatitigan kami.

"Yes, Ms. Briones?" He smirked sabay ngisi nya na nakakalaglag panty.

"Um..ano e..hindi pa ako nagtutoothbrush." Ngumiti naman sya ng nakakaloko sa sinabi ko sabay lapit nya lalo sakin.

"I don't care." Didikit na sana nya yung labi nya sakin ng pigilan ko sya gamit yung palad ko. So yeah, palad ko yung nalips to lips nya.

"I. CARE." Sambit ko pa habang itinataas ko yung kilay ko.

"Fine." Umikot sya at naglakad papalapit sa cr ata yun.

"Here's the bathroom." Kinuha ko naman agad sa bag ko yung toothbrush ko at naglakad papunta sa banyo.

Yes, I'm that kind of girl who always bring her toothbrush wherever I go. Takot ako sa cavities at takot ako mabungi eh. Nakasandal lang si Sir sa pader malapit sa pinto ng cr habang nakacrossed arms. Nakapasok na ako sa loob ng banyo pero dinungaw ko pa sya.

"Anong ginagawa nyo dyan?"

"Inaantay kang matapos, may naudlot tayong business diba?" He smirked again, I know he's talking about the kiss.

"No, naudlot na nga e. Tapusin nyo nalang yung niluluto nyo dun gutom na ko ih. Please?"

Inirapan na naman ako ng lolo nyo sabay alis nya papunta sa kusina. May lahi talagang bakla yun eh, ang hilig mangirap. Sinarado ko naman agad yung pinto ng banyo tsaka nagwalling paupo sa sahig.

"Congratulations, Karlota you're still alive!" Hawak hawak ko pa yung toothbrush ko ng itaas ko ang mga kamay ko.

Bago magtoothbrush nilibot ko yung mata ko sa loob ng banyo, grabe lang parang banyo sa mga hotel. Sinilip ko yung bathtub ang daming shampoo, yung iba ata shower gel. Kumuha pa nga ako ng konti sa kamay ko at inamoy yun, dun ko naamoy yung palagi kong naamoy kay Sir. Ang bango, ito nga rin bibilhin ko para magkaamoy na kami. Pagkasarado ko ng shower curtain, napunta naman yung tingin ko sa salamin na alam kong nabubuksan dahil ganun yung salamin namin ni Raven sa bahay. Nakita ko dun yung pangshave nya, wax para sa buhok, yung Axe for men, mga facial wash at iba't iba pang klase ng lotion. Nakakaloka, tinalo pa nya ako pagdating sa mga beauty products ah. Kalikot lang ako ng kalikot sa loob ng cabinet ng may nakita akong limang maliliit na botelya ng gamot. Kukunin ko na sana yun ng magulat ako sa pagkatok nya sa pinto.

"Charlotte, ayos kalang ba dyan? Kanina kapa dyan sa loob."

Binalik ko naman agad sa dating ayos yung mga pinakailamanan ko sabay sarado ko ng cabinet. Binuksan ko agad yung gripo tsaka ko sumagot sakanya.

"Eto na eto na patapos na!" Binilisan ko yung pagtotootgbrush ko sabay labas ko ng banyo.

"Done?" Nasa tapat sya ng pinto habang nakacrossed arms.

"Yep." Ngumiti naman ako sakanya at inakbayan nya ko papunta sa kusina. Hindi maalis sa isipan ko kung para saan yung gamot na nakita ko sa banyo. What if may malubha pala syang sakit na hindi ko alam?

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon