Chapter 23 - First Monthsary (Part 1)

3.4M 65K 85.4K
                                    

Chapter 23 (MHIAMB : First Monthsary)

*** Part 1 ***

Aemie's PoV

Hanggang makaalis si Zeke hindi na talaga ako nakapag-explain.

"kuya Ken pasensya ka na ha? Akala kasi ni Zeke ikaw yung sinasabi kong malaking daga eh ayan tuloy nasuntok ka" nakatungong sabi ko habang magkatabi kaming nakaupo dito sa mahabang pink na sofa ng opisina ni Zeke.

"huh? Anong ibig mong sabihin Miss Aemie?"

"Kanina kasi ayaw ko syang papasukin dito sa loob dahil makikita nya 'tong opisina na barbie themed kaya sabi ko may malaking daga na galit na galit at kakagatin sya *pout* tapos akala nya ikaw yun." kwento ko habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo ng kamay ko.

"hahahaha"

Eh?

Napatunghay naman ako dahil sa tawa nya.

"anong nakakatawa kuya Ken?"

Pinat nya lang ang ulo ko saka tumayo.

"Wala Miss Aemie, mukhang kailangan ko ng umalis. Baka maabutan pa ako ni Roswell at mapagkamalan ulit akong daga." Natatawang sabi nya.

Oo nga!

"siguro nga kuya Ken hehe. Bye bye"

Jerson Ken's PoV

Kinuyom ko ang kamao ko paglabas ng CEO's office.

Dang! He's back!

Ang buong akala ko kasama nya si Fiona sa Hawaii. Anong nangyari?

Amf ang hirap talagang basahin ni Ezekiel.

Habang naglalakad sa mahabang hallway ng floor na ito, napuna kong may dalawang lalake ang sumusunod sa likod ko.

Lumingon ako para malaman kung sino,

And if I'm not mistaken they're Miss Aemie's body guards dahil nakasuot sila ng weird na pink suits.

When we entered the elevator pumwesto silang dalawa sa likuran ko.

I felt two guns pointing at me. One at my back and the other is on the back of my head.

"anong kailangan nyo?" tanong ko nang hindi sila tinitignan.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon