Chapter 4

3M 89.9K 66.7K
                                    

Chapter 4: Bloody Night

Zein's Point of View

Nakinig ako sa teacher namin at iwinaksi lahat ng bumabagabag sa akin. Mababaliw ako kapag patuloy kong inalala lahat ng iyon.

Kapansin-pansin ang isang napalaking wall clock na nasa gitna na kanina pa tinitignan ng mga kaklase namin. Bawat minutong lumilipas ay padilim ng padilim, ramdam ko rin ang kaba sa paligid. Maging ang teacher namin ay hindi na gaanong makapagturo ng maayos dahil sa panay ang sulyap nya rito.

"6 oclock." Bulong ni Mia na nakatingin lang din doon. Labas namin ay 6:30 kaya 30 minutes pa bago ang labasan and definitely ay 30 minutes pagkatapos ng labasan namin ang Bloody Night.

Napatingin ako sa labas na madilim na. Ano na naman kaya ang mangyayari? Dadanak na naman ba ang dugo?

Nakakatakot na isipin na sa dilim lahat nangyayari ang lahat. Sino na namang inosenteng tao ang madadamay?

"CR lang ako." Paalam ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Vanessa at Mia.

"Gaga ka talaga! Alam mo ng delikado sa labas iyang pantog mo pa talaga ang iniisip mo!" Bulyaw sa akin ni Mia.

"Gusto mo na ba talaga mamatay Zein? Sabihin mo lang ah? Ako mismo ang sasaksak sa'yo!" Biro ni Vanessa na inirapan lang ako.

Napahawak ako sa aking puson
dahil kanina pa talaga ako napapaihi at masakit na ito. Wala naman kasing cr dito sa loob ng classroom.

"Samahan na kita Zein. Tara?" Inilahad ni Matt ang kamay nya na agad ko namang tinanggap.

"Hay naku! Bahala nga kayo!" sambit ni Vanessa.

"Mag-ingat na lang kayo." Paalala ni Dave.

Tumango na lang kami bago nagpaalam sa guro namin.

"Bilisan nyo. Mapanganib sa labas at hanggat maari ay huwag nyong paiiralin ang kuryosidad nyo." Paalala nya sa amin.

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Mahigpit ang hawak ni Matt sa kamay ko, ang mga ilaw sa poste lang ang nagsisilbing ilaw namin.

"Tingin mo Matt. Makakaalis pa ba tayo rito... ng buhay?" Tanong ko.

"Shh. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Makakaalis tayo rito. Ok?" Pangungumbinsi niya sa akin.

Pumasok na ako sa CR at naiwan si Matt sa labas upang bantayan ako. Pumasok ako sa isang cubicle.

Katahimikan ang namayani sa paligid at tulo ng tubig lang ang naririnig ko. Nakaramdam ako ng pangingilabot kaya minadali ko ang pag-ihi.

Halos tumakbo na ako papunta sa pinto at walang Matt ang bumungad sa akin. Nangangatog ang tuhod na inilibot ko ang aking tingin.

Nakarinig ako ng mga kaluskos galing sa paligid na nagpadoble sa takot na nararamdaman ko.

"M-Matt?" Tawag ko sa pangalan niya.

Napatakip ako sa aking bibig nang may naaninag ako na mga tao sa hindi kalayuan. Marami sila.

Naiiyak na ako nang sumulpot sa dilim si Matt na pawis na pawis. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at hinila ako palayo roon.

"Matt. Saan ka galing?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot at pansin ko rin na nagpapalinga-linga sya sa paligid.

"Matt hindi rito ang daan." sambit ko dahil sa kabila kami dumiretso.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon