Chapter 7

2.6M 81.5K 29.4K
                                    

Chapter 7: Acquaintance Party

Zein's Point Of View

Ginala ko ang aking mata sa kabuuan ng Wide Space. Doble ang laki nito kumapara sa football field. Madilim na rin at ang mga iba't-ibang kulay ng light effect na bumubuhay sa paligid. Ang party song na bumubuhay ng ingay.

Binigyan ko ng tingin ang aking gown na kahapon ay ipinadala ng Admin Office. I am in my purple gown. Ang aking kulay lila na maskara na bumabalot sa kalahati ng mukha ko.

"Whoa! Ang cool!" Puri ni Matt sa paligid.

Napakagarbo ng paligid. May mga table rin sa paligid at sa gitna ang mawalawak sa espasyo na sa tingin ko ay ang magiging dance floor.

Umupo kami sa pang-anim-an na table. Nakakulay asul na maskara sina Matt, Dave at Jerome, habang ang kay Mia ay pink at kay Vanessa ay orange na terno sa mga damit namin.

"Girls, huwag kayong lalayo sa amin ah?" Paalala ni Dave.

"Kahit na Free Bloody Night ngayon ay hindi pa rin natin masisugurado ang paligid, lalo na at wala ang President." Dugtong ni Jerome.

Tumango naman kami. Hindi naman kami talaga lalayo at as much as possible ay wala kaming planong sumayaw.

Agad namang may nagserve sa amin ng pagkain. Konti lang ang kinuha ko dahil busog pa ako.

Hindi pa nag-uumpisa ang party. Hindi rin ipinagbabawal ang alak dito kaya maraming umiinom. Hindi naman namin makilala ang mga tao dahil nakamaskara ang lahat.

"They are here." Bulong ni Vanessa. Sinundan namin ang tingin niya.

Humigpit ang hawak ko sa aking gown at ramdam kong pinagpapawisan ang aking palad. Natahimik ang lahat at tanging ang party music na lang ang nag-iingay.

"Black Blood Gang," Bulong ko.

Naka black na formal silang lahat plus their black mask. Kapansin-pansin ang lalaking nangunguna. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang aura niya ay napakalamig.

Naagaw ang pansin ko ng nag-iisang babae sa grupo nila na nakakapit sa braso ni Nazzer. That's Nicky for sure.

"That red hair." Bulong ni Mia refering doon sa katabi ng leader ata nila. Pula ang buhok nito.

"Siya iyong nakita ko bago nakita ang walang buhay na bangkay ni Rouge Silvenia." Bulong ulit ni Mia.

Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib nang tumingin sa table namin ang leader nila na si Nazzer Lumia. Alam kong hindi siya sa akin nakatingin.

Sa tantsa ko ay nasa labing dalawa sila. Umupo sila sa table sa kaliwang dulo.

Hindi pa man natatanggal ang kabog sa aking dibdib nang dumating na naman ang mga nakamaskarang pula, naka white formal ang mga ito.

"Devil God Warrior." Bulong ni Matt.

Mas uminit ang paligid. Ang nangunguna sa kanila ay ang pumukaw sa aking tingin. Hindi siya sumulyap sa amin. Gaya ni Nazzer, napakalamig ng aura nito.

"Raze Silvenia." Bulong ko.

Nasa labing dalawa lang din sila at umupo sa dulong bahagi ng Wide Space sa kanan naman sila.

Maya-maya ay humina ng konti ang tugtog at umakyat sa taas ang sa tingin ko ay Emcee. Si Fritzy ito, alam ko. This bitch.

"I am Fritzy Saldivar, and before we start. It's an honor for me to introduce the Admins behind the Hell University." Pag-uumpisa niya.

Hell University (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon