Chapter 45_Honeymoon

5.3K 75 1
                                    

Author's Note: Though, honeymoon stage na iteyh, hindi po ito rated spg. Hindi ko na kinarir yun sa chapter na itetch. Happy reading! ^_^

(Nick's POV)

Sobrang nag-enjoy ako sa maghapong gala namin ng asawa ko. I appreciated every single place na napuntahan namin pero above all that, mas naappreciate ko yun kaligayahang nakita ko sa asawa ko. She was very innocent. Ang bilis mahulog ng loob nya sa mga bagay na nakakapagpagaan ng loob nya. Very appreciative din naman kasi talaga sya.

Nang makauwi kami ay dumeretso na kami pareho sa kwarto upang makapagbihis. Nauna nang gumamit ng banyo si Lena.

"Loves, matagal ka pa ba dyan? Nasakit kasi ang tyan ko e" sabi ko. Isa lang kasi ang cr kaya no choice ako kundi ang hintayin syang makatapos. Bakit naman kasi ang tagal nila gumamit ng banyo.

"Eto na loves. Tapos na ko. Wait lang!" sagot nya at maya maya nga ay bumukas na ang pinto ng cr. Iniluwa doon ang aking asawa na nakatapis lang ng tuwalya. I swear, napanganga talaga ako. "Pasara po ng bibig mo. Baka mapasok ng langaw. Tss! You just can't resist my sizzling, hot, sexy body!" pang-aasar nya at automatic naman sumara ang bibg ko. Tumawa naman sya. Halakhak to the max.

"Ah ganun! Hmp. Ako naman liligo" sagot ko na lang at pumasok na sa cr. "Just wait and see. Tingnan ko lang kung di ka matakam sa akin mamaya" isip ko.

Paglabas ko ay nakabihis na ng nightties ang asawa ko at kasalukuyang naglalagay ng lotion sa legs nya.

"Grabe! Talaga bang inaakit nya ko? I swear! I can't help but be tempted. Para akong ahas na anumang oras e pwedeng tumuklaw!" isip ko.

Lumingon naman sya sa akin and wait, what did I just see? Natulala sya sakin? Well, di naman sa pagmamayabang, sino ba namang di matutulala sa katawan kong pang-Greek God. Naaakit ang sinomang babaeng makakita sa katawan ko. Para silang mga tigre na anumang oras e handang sakmalin ako.

"Loves!" untag ko sa asawa ko. "Tss! Ayaw pa kasing umamin. Takam na takam ka na ba sa akin loves?" tanong ko na sinabayan ko pa ng nang-aasar na ngiti. Hindi ko inasahan ang reaksyon nya. Binato lang naman nya ko ng lotion. "Aray! Ang sakit ha? Ang brutal mo sakin loves! Ngayon pa lang, battered husband na ko. Huhu!" dagdag ko at nag-iyak iyakan pa ko.

"Tse! Ang arte mo!" sabi ni Lena at humiga na sa kama. "Matutulog na ko" dagdag pa nya. "Kung patutulugin kita!" isip ko naman.

Agad na rin akong nagbihis. Nag-boxer shorts at sando na lang ako dahil medyo mainit sa kwarto. Wait! Mainit ba talaga sa kwarto o sadyang nag-iinit lang ang pakiramdam ko? Tsk! Pano ka ba namang di mag-iinit ang pakiramdam kung katawan ng sexy kong asawa ang nakatambad sa akin. Nakaupo ako sa tabi ng kama malapit sa kanya.

"Hoy Nicolas! Wag mo kong manyakin dyan! Mahiga ka na at matulog na tayo! Tss! Pinagpapantasyahan mo na naman ang katawan ko!" sambit ni Lena.

"E ano naman kung pagpantasyahan kita e asawa naman kita? Bakit? Anong gusto mo, ibang babae pagpantasyahan ko?" pang-aasar ko at bumangon si Lena.

"Naku Nicolas! Subukan mo lang mambabae! Subukan mo lang talaga!" inis na sabi nya.

"Grabe ka! Magpapantasya pa lang, pambababae na agad iniisip mo" palusot ko.

"Ganun na rin yon!" sagot nya at bumalik na ulit sa pagkakahiga na patalikod sa akin.

Dahan dahan akong tumabi sa kanya at niyakap sya mula sa likuran.

"Loves. Tulog ka na ba?" tanong ko. "Loves, sorry na. Wag ka na magalit. Alam mo namang iyong iyo lang ako at hinding hindi ko gagawin ang mambabae. Tapos na ko sa period na yun. Ikaw na lang ang magmamay-ari ng katawan ko. Wala ng iba pa" sabi ko pa.

"Ang manyak mo talaga! Talagang katawan mo lang ang tingin mong habol ko sayo no!" asar pa din nyang sabi kasabay ng pagharap nya sakin.

"H-hindi, hindi naman sa ganun. Eto naman. Galit na galit na agad ih. Sorry na. Bati na tayo. Ang ibig ko sabihin e behave na ko. Ever since naman nung makilala kita e behave na ko e" sabi ko with matching puppy eyes.

"Ang arte mo! Tigilan mo nga yan. Ang panget" sabi nya at tumalikod na ulit.

"Hindi ka na galit?" tanong ko ngunit di sya sumagot. "Loves?" tawag ko pero dedma pa rin. "Ah ganyan. Ayaw mo ko pansinin ha?" sabi ko at sinimulang kilitiin sya.

"Kyaaaa... N-nicolas! N-n-ni-c-colas. Ahhhhh. T-tama n-na. hahaha. T-tigilan mo...hahahaha t-tigilan mo na y-yan! Hahahahaha" sigaw ni Lena.

"Ayaw mo kong pansinin e!" at tinuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

"O-oo na. H-hindi..hahahaha, d-di na k-ko g-galit! T-tama na!" sabi nya na umiiyak na kakatawa. Tinigilan ko na sya. Hinampas nya ko. "Grabe ka! Papatayin mo ba ko?" sambit nya.

"Hindi! Hindi ko kakayanin ang mawala ka sakin loves. Ikaw na ang buhay ko. Pag nawala ka, ikamamatay ko" I seriously said.

"Sus! Korni mo ha?" sabi nya pero hindi ako natinag. Seryoso pa din akong nakatingin sa kanya. "Okay okay. I believe you" dagdag nya.

Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya. Hanggang sa magdait na ang aming mga ilong. Sinamantala ko ang pagpikit nya at sinabi ang mga ito:

"Loves, maniwala ka sana, ikaw at ikaw na lang ang nagmamay-ari sa akin. Wala nang iba pang babae ang makakahuli pa ng mga mata ko. Nasayo na ang lahat. Hinding hindi na ako maghahanap pa ng iba" sabi ko at kinuha ang kamay nya. Inilagay ko yun sa tapat ng puso ko. "Ang puso ko, tanging ikaw lang ang tinitibok nito. Wala nang iba pa. Mahal na mahal kita. Asahan mo yan loves" dagdag ko.

Dahan dahang nagmulat si Lena ng kanyang mga mata at lumayo sa akin. Tiningnan nya ako nang deretso at nagsalita.

"Loves, simula nang niligawan mo ko at napatunayan mong sincere ka sa nararamdaman mo para sa akin, nawala na lahat ng duda ko sayo dahil nga playboy ka noon. Asahan mo loves, buong buo ang tiwala ko sayo. Yun mga napag-usapan natin dun sa Honesty Coffee shop, lahat ng mga sinabi mo, pinaniniwalaan ko yun. Walang kahit na konting pagdududa. Mahal na mahal din kita loves at hindi ko kakayanin pang mabuhay nang wala ka" sabi niya.

With that, I kissed her forehead, the tip of her nose, her eyes, then her lips. Nung una ay magaan lang ang paghalik na ginawa ko ngunit sa pagtagal ay sa palalim din ito.

I'm blessed to have this girl with me. The girl I never thought can love me unconditionally.

Author's Note: At yun! Alam nyo na kung saan sila nakaabot. No need for further details okay? Gaya nga ng nasa title, honeymoon nila ito. So pupunta at pupunta sila sa dako pa roon. Hahaha. By the way, ending na po ito ng aking story. Kung bitin, I prepared a special chapter for you guys. Happy reading! ^_^

Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and LenaWhere stories live. Discover now