18- Is Is Too Late Now To Say Sorry?

31.3K 1K 34
                                    

King James' POV

Naglalakad ako papunta sa hideout namin pero naiirita ako. Kanina pa ako pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

"What the fuck is your problem!!!??" tanong ko dun sa isang babaeng nadaanan ko. Kita ko namang natakot sya kaya napaatras sya ng konti.

"K-kasi po K-king may naka p- post po sa computer bulletin. K-kahapon pa po yun p-pinagkakaguluhan" sagot nya habang nakayuko. Ano problema nya?

"Next time you'll talk to someone especially me, show your face" umalis nako at iniwan yung babae. Ayoko kasi yung ganon. Kinakausap pero di nakatingin. Kabastusan yun para sakin.

" Bro!! T-tara na sa hideout!! Chill nalang tayo dun!!" Kenjie. Weird? Bakit parang kinakabahan tong isang to??

"Oo nga!! Tara na Dun nalang tayo ! wag na tayo pumasok" isa pa tong si Rhayn. they are  acting weird and i dont like it.

" Ahm ano tara na??" napatingin ako kay Tetsu ng magsalita sya. I just shrugged my shoulders at nauna ng maglakad sa kanila.

"Hala andyan pa pala yan!"
"Grabe totoo ba yan!!??"
"oo!! kahapon pa pinaguusapan yan!"
"oh gosh taken na ang mahal ko!!!!"

"WHAT THE FUCK IS GOING ON HERE!!!!!" sigaw ko para magulat at magsiyuko ang lahat ng nakaharang sa daan. Ano ba pinagkakaguluhan netong mga to sa computer bulletin!!????

K-kasi po K-king may naka p- post po sa computer bulletin. K-kahapon pa po yun p-pinagkakaguluhan"

K-kasi po K-king may naka p- post po sa computer bulletin. K-kahapon pa po yun p-pinagkakaguluhan"

Naalala ko yung sinabi nung babae kanina. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinagkakaguluhan nila ng magsalita si Tetsu

" Ah JZ tara na. Hayaan mo na yan" hindi ko sya pinansin at didediretso parin sa paglalakad papunta sa computer bulletin.

I TRIED to compose myself and hold back my anger pero hindi ko kaya. I want to punch someone really hard now!!

"WHO THE HELL DID THIS!!!! ANSWER ME!!!!!!"

Kismeth's POV

"All the students, please proceed to the auditorium. Again, all the students please proceed to the auditorium"

Ang sarap sarap ng tulog ko panira!!  ̄ˍ ̄ . Tumalon ako mula sa sanga ng punong tinutulugan ko kanina. Maaga akong pumasok pero inaantok pako kaya napagpasyahan kong umakyat muna sa puno at matulog.

Pinagpag ko muna ang damit ko bago naglakad papunta sa auditorium. Ano na naman ba ang meron !??

"My God alam na nya siguro!!"
"Sus sasabihin nya hindi totoo yun!!"
"Kyaaah girl sabi na eh!!"
"Sabi ko sa inyo di yun totoo!!!"
"Sus idedeny pa eh may ebidensya na!"

Ano ba talaga meron!!!??? Sabi nga nila, curiosity makes me beautiful, kaya pupunta narin ako. Nawala na antok ko bigla -_-||

Pag dating ko sa auditorium puno na lahat ng upuan sa harap kaya sa likod nako umupo. Mas ok pa nga to kesa nasa harap ako. Atleast pwede akong lumabas pag walang kwenta lang naman ang paguusapan.

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon