CHAPTER 48

5K 137 0
                                    


Pagdating namin sa campus, nauna ako lumabas ng parking lot bago sya para hindi kami paghinalaan ng makakakita samin. Nakipagtalo pa nga sya na wala syang pakialam sa sasabihin nila samin, e ako may pakialam at ayoko na ng issue. Paakyat na ko ng hagdan ng marinig ko si Thunder.

"SHAA!"

*Hugs*

Tumingin naman agad ako sa kaliwa't kanan kung nakita kami ni Yuji. Tiyak sasamaan na naman ako ng tingin nun pag nakita nyang nagpapayakap ako kay Travis.

"Ok, enough greetings. Come with me." Bigla nyang hinawakan yung kamay ko papunta sa exit area.

Kinakabahan sya, I can tell dahil namamawis sya. Kinuha ko naman yung panyo ko at pinunasan yung noo nya ng bigla syang magsalita ng mabilis.

"Liligawan ko si Penny, tulungan mo ko."

Napatigil naman ako sa kakapunas ko mukha nya.

*Crossed arms*

"Alam ko, alam ko lagi kong sinasabi na wala akong gusto sakanya pero the more na tinatanggi ko lalo lang ako nahihirapang makitang nababaliw sya sa ibang lalaki. Please Sha, help me?"

Hawak hawak pa nya yung dalawang kamay ko habang tinititigan nya ko na parang batang gusto ng candy.

"Penny hates you."

"I know."

"Baliw na baliw sya kay Sir. Hunt."

"Wala akong pakialam, just please help me Sha?" *Puppy eyes*

"Ugh, oo na oo na. Ano bang plano?"

"Actually, kaya nga kailangan ko ng tulong mo kasi ikaw magiisip ng plano. So, what's the plan Sha?" Nakangiti pa sya ng malaki sakin.

*PAK!*

"SHAA!"

"Ikaw yung manliligaw dito hindi ako, tsaka gamay na gamay mo na yang panliligaw no. Hindi mo na kailangan ng tulong ko e." Sumandal naman ako sa railings ng hagdan.

"Ang totoo kase..um.." Kamot ulo pa sya.

"Kase ano e..uhh.."

"TRAVIS!"

"HINDI AKO MARUNONG MANLIGAW!"

1

2

3

*Ting!*

"HAHAHAHA! Hindi ka marunong manligaw? Weh? Hahahaha!" Hawak hawak ko na yung tyan ko sa kakatawa.

Nakapout naman sya habang tinitingnan ako maglumpasay sa sahig sa kakatawa.

"Sha, seryoso ako." *Pout*

"Di nga? Hahahaha!"

"Wag na nga! Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Paalis na sana sya ng hawakan ko yung polo nya sa likod.

"Pikon mo no? Game na hindi na ko tatawa."

Tinititigan pa nya ko para makasiguro sya na tapos na kong tumawa.

"Oh, baket? Halika na nga!" Nauna na kong lumabas ng exit area sakanya at sabay narin kaming umakyat sa room.

Naguusap pa kami ng ipaplano namin habang umaakyat kami ng hagdan ng makasalubong namin si Sir. Hunt. Hindi ko pa nga sya nakita dahil sa likod ako nakatingin dahil nga kausap ko si Travis at yun. Bumangga na naman ako sakanya.

*BLAG*

"Oops." Aniya.

"S-sir. Hunt! N-naku pasensya na po." Nagbabow pa ko kakasorry sakanya.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon