Chapter 31 : Cold Cell

73.1K 2.2K 454
                                    


[ S K Y ' S  P O V ]



"So what are going to do with these bunch of trash?" 


"I don't know. The judge just ordered us to put them here and to assure that they won't be able to escape. If we failed, it will be our time for the judge to put us onto our graves."


"Seriously, the current judge sure is mysterious and unpredictable. But he has his own way of being cruel and merciless. Even though the whole OBD thing is about gathering new forces, it is actually a half-lie. After all, from the first judge up to the judge from 20 years ago treated us, OBD victims as women inside a harem."


"Aside from obeying their orders to kill and all, they treated us as if we're just playthings. Fortunately, the current judge didn't do the same. He just keeps on changing duchesses, that's all. He gave us our freedom in order to gain our loyalty."



Naamlimpungatan ako mula sa mga pag-uusap na naririnig ko. Hindi ko muna idinilat ang mga mata ko at hinayaang absorbahin ng mga tainga ko ang mga impormasyon na kinakanta ng mga taong nagsasalita. Sa boses pa lamang ay mapagtatanto mo na na mga babae sila. At ayon na rin sa mga narinig ko, mga babae rin sila na biktima ng Onyx Blood Disease. Ang sakit na siguradong mabibigyan ng award sa pagiging pasakit sa aming lahat. At kung malalaman lang ito ng mga pamilya ng mga babaeng nabiktima na ito ay tiyak na ang pagwawala nila. 



"Pero bakit kaya wala pa ring asawa ang judge? Sa pagkakarinig ko sa mga ilang usap-usapan, gwapo daw at malakas ang dating." 


"'Yan din ang nadinig ko. Kaso ang sabi sabi, may babae daw siyang sobrang minahal. Mahal na mahal niya na umabot pa sa punto na kaya raw niyang isakripisyo ang sarili niya para sa ikabubuti nito at ikasasaya nito."


"Kung sinuman ang babaeng iyon, napakaswerte niya. Kasi mas minahal siya ng judge kaysa sa dating nabalitang girlfriend nito na si Azalea." 



"Hey, time na. Oras na para makipagpalitan. Hay, salamat. Makakapagpahinga na rin." 



Hinintay ko ang mga yabag ng paa nila na maggawa ng tunog. Ilang sandali naman ay narinig ko na ang mga ito at nagbantay ako hanggang sa hindi ko na marinig pa ang mga tunog ng kanilang yapak. Sa pagkakataon na ito ay napagdesisyunan ko na na idilat ang mga mata ko. I groaned from the unfamiliarity feeling my eyes got. Halos hindi ako makadilat na akala mo ba ay ilang araw na akong tulog. Nang tuluyan ko nang maibukas ang mga talukap ng aking mga mata ay una kong nakita ang mukha ng isang napakagandang anghel. 



Hindi dahil nasa langit na ako kundi dahil una ko lang namang nasilayan ang napakaamong mukha ng pinakamamahal kong asawa habang nahihimbing. Sa mga hita pala niya ako hinayaang matulog. I can't help but to be fascinated by her looks. The woman I desired for so many years. Sa dinami dami ng mga ginawa ko at sa lahat ng effort na ibinigay ko, pinagpapasalamat ko talaga sa Panginoon na sa akin pa rin siya naikasal at siya ang naging ina ng mga anak ko. I should be strong for her. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon