Chapter 44

68K 1.6K 450
                                    


"ASAN KA NA BA?! PAGHIHINTAYIN MO BA TALAGA AKO DITO?!?!"

"Papunta na ko!! Wala ka bang kasama dyan?? Si Lucas?? Sabi ko sa ungas na yun samahan ka muna habang wala pa ko eh!"
"AT BAKIT MO KO IBINIBILIN KAY LUCAS?! PAG WALA KA PA DITO NG FIVE MINUTES, SI LUCAS NA IDEDATE KO!" tapos binabaan ko siya.

Nakatingin lang sa akin si Lucas habang umiinom ng soda niya. Napailing na lang kami pareho. Obviously schoolmate ko si Lucas at blockmate ko rin siya. Si Kenji hinde natanggap sa South University. Wag niyo na itanong kung bakit. Halata naman siguro ung dahilan. Ok joke lang yun. Naka pasa siya. IT kinuha niyang course. Oo nakakagulat talaga.

"Aba . Ikaw na yung boss ngayon ah! Buti pumapayag siya?"

"Wala naman siyang magagawa eh." Uminom ako ng tubig bago ko tinuloy yung sasabihin ko, "kung hinde lang talaga masyadong maganda at kung hinde lang ako masyadong natuwa dun sa ginawa niya nung birthday ko, hinde pa ko papayag maging kami ulit."

"Bakit, hinde ka ba masaya?" tanong niya sa akin
"Masaya.. pero siyempre mahirap na.. baka may milagro na naman sa likod ko hehehe!" "Magtiwala ka na lang.."
Habang nag iintay kami kay Kenji hinde naming mapigilan pag usapan yung mga nagyari dati.

7 months na rin ang nakalipas. Sa pitong buwan na yun, marami masyadong nangyari samin ni Kenji. Nung araw na nung play, medyo parang.. totoo yung scenes naming dalawa. Bawat bitaw niya ng line niya, hinde ko maiwasang, I don't know, kiligin? Anyway, may part din na kelangan niya akong i-kiss, tapos... dapat fake lang yung kiss pero tinotoo niya! Pero kahit gaano ka-sweet ung story na yun, sa dulo malungkot pa rin. Nung pagtapos ng play halos lahat nung nanood namamaga yung mata. Ganun ba talaga ka touching un???

Nung graduation day naman, after nung ceremony bigla siyang lumapit sa akin tapos hinug niya ako sa tapat ng pamilya ko, HABANG NAG RERECORD UNG VIDEO CAM! Si mommy tuloy tuwang tuwa dahil akala daw niya break na daw kami buti na lang daw hinde pa. Si Kenji naman siyempre ngiting ngiti. Sabay pa tuloy nag dinner yung pamilya namin. May award na nakuha si Grace kaya ayun may party kinabukasan. Actually silang apat meron eh.. Kirby, Jigs, Grace at Kenji. Loyalty Award hahaha! Pero si Grace may tunay na award naman talaga, 6th honourable mention.

Gradball.. Siyempre, si Lucas ka-date ko. Sinabi ko rin kasi kay Kenji na si Abi na lang samahan niya dahil ang pangit naman tingnan kung ako ulit yung makakasama niya. Pumayag naman siya pero gusto daw niya sasayaw kami every song! HELLO!!! Malamang hinde ako pumayag sa gusto niya! Pero ginawa naman niyang special yung sayaw namin.. kaya medyo.. medyo.. parang.. na-fall na naman ako..

Summer vacation, of course nasa korea ako nun umuwi kasi kaming tatlo nila oppa at Sara sumabay kami kay mommy. Nag reunion kami ng mga friends namin dun. One month din kami halos nag stay dun. Yung tito ko na yung nag enroll sa amin ni Sara. Si Kenji naman bigla akong sinurpresa dahil.. pumunta siya sa Korea.

Nung 18th birthday ko naman, masyadong naging special. Siya kasi escort ko. Ayun.. madaming nangyari.. napa-oo ako.. hehe alam na.

Habang nag kukwentuhan kami ni Lucas nakarinig na lang kami ng mga bulung bulongan sa may paligid namin. Nagtatayuan yung ibang babae tapos lumabas sila sa cafeteria.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon