Chapter 35

75.9K 1.8K 379
                                    

Lucas' POV

Pagkatapos nung nangyari pumunta kami sa may booth ko. Kinuha ko yung camera tapos ako na yung nag picture sa mga taong mag papakuha. Pinapanood lang ako ni Athena sa may sulok.

Lumapit siya at tiningnan yung mga shots ko, "Wow.. magaling ka ha."

Nung trinansfer na namin sa computer yung pictures siya yung nag edit. Magaling siya mag photoshop, napaka linis ng gawa niya. nung na print na yung pictures tuwang tuwa sila kasi ang ganda nung pagkagawa. Mga 7:50 pm na, matatapos na yung fair ng 8:00 pm at pagkatapos nun christmas vacation na.

"Lucas, pack up na. Mag 8 na rin eh. Magdidinner daw tayo sa Asianized sabi ni Kirby may paguusapan daw."

Tumango ako tapos nilapitan sila Athena, "Pack up na raw."
Inayos na ng mga kasama namin yung computers. Si Athena naman gustong tumulong pero sabi

nung iba ok lang daw. Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos nag stretch ng katawan. "Nakakapagod palang mag edit ng magedit." Tapos nag smile siya sa akin.

"Kasi naman bakit kay Lucas ka sumama! Dapat sa booth ko na lang noh. Siguro maraming kita yung akin dahil lahat sila mag babayad para pakasalan ka!" biro naman ni Jigs kay Athena

Tumayo siya sa may tapat ng booth ni Jigs dun mismo sa may tapat nung altar. Tapos humarap siya sa amin, "Isang tao lang dapat kong pakasalanan noh."

"Aba! Boy mukhang sinuwerte ka ha!" sabay hampas sakin ni Jigs sa may braso, "ikaw kasi pinakasalan niya eh."

Ngumiti si Athena sa sinabi ni Jigs, "Loko ka. Baka ma-ilang sa akin si Athena." sabi ko naman kay Jigs.

"Hoy! Hinde ganun si Athena!!" tumingin si Jigs kay Athena, "diba babes hinde ka ganun?" "Psh. Hinde naman ako ganun noh. Ikaw talaga Lucas." Sabi sa akin ni Athena

"Teka.. Athena napicturan ka na ba ni master Lucas??" umiling si Athena, "abnormal ka talaga Luke! Bakit hinde mo pa pinipicturan si Athena?? ANO BA!! CHANCE TO NOH! Kita ng ngayon lang siya nag suot ng seksing damit sa tapat natin eh!"

Hinampas ko si Jigs sa ulo, "loko ka talaga!" "Pose na Athena! pipicturan ka na ni master!"

Niready ko na yung camera ko, si Athena tumalikod sa amin, "Ayoko nga! Bakit kelangan niyo pa ko picturan?"

"Wala lang.. remembrance! Sige na!"

"Sige na Athena!" Naka ready na ko sa pag kuha ng picture niya pero nakatalikod pa rin siya. "Ayoko!"

"Eto naman eh.. minsan lang oh.. bilis.."

Tumingin siya sa amin ng naka peace sign at nag smile habang nakatalikod pa rin yung katawan niya. Ang hirap i-describe, pero basta naka twist yung katawan niya.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon