Chapter 30

94.4K 1.8K 732
                                    

Dumeretso na ako sa trabaho dahil late na rin ako. Nasa tapat pa lang ako ng sushi bar naririnig ko na yung boses ni Athena.. pumasok ako para mas marinig ko ito. Naka focus siya masyado sa ginagawa niya kaya hinde niya ata ako napansing pumasok

"..I loved you first. Your hair was long, when we first met.."

Narinig ko na yang tinugtog niya sa bahay. Pero hinde ako masyadong nag focus kasi alam kong mahihiya siya pag pinanood ko siyang tumugtog.

"You are my sweetest downfall.. I loved you first.."

Natapos na yung tugtog niya. tapos napatingin sa akin at ngumiti.

"Tuwang tuwa mga customers sa kanya. Ang dami ngang nag rerequest ng kanta eh. ang swerte ko ata sa inyong dalawa! Kayo nag paparami ng mga tao dito eh." napatingin ako sa mayari ng sushi bar "Simula nung dumating ka nag dagsaan yung mga tao, tapos ngayon naman etong si Athena dinadayo na rin!" tuloy tuloy sinabi ng boss namin, "Aba! Kanina pinipicturan pa siya! Malayo mararating nito pag gumawasiya ng sarili niyang album.."

Mga 10:30 pm pinauwi na kami ng boss namin dahil sobra sobra na raw yung natulong namin lalo na si Athena. Naglakad kami pauwi kahit na sobrang pagod na kami. Siyempre kwentuhan at konting sermon. Pinagsabihan ko siya tungkol sa ulcer niya sabi naman niya matagal na siyang may ulcer kaya lang napapadalas daw talaga bigla yung pagsumpong ng sikmura niya.

Saturday, November 25, 2006

Halos 1 week ng nakalipas simula nung revelation, palapit na ng palapit yung entrance exam sa South University, hinde na kami pwedeng magbackout kasi eto na yung last batch nung exam. Medyo naging busy kaming lahat dahil sabay sabay kaming mag tatake ng exam. Ngayong araw lang ulit kami aalis ni Athena since ngayon namin napagdesisyonan na mag break muna sa kakaaral.

"OPPA! AALIS LANG KAMI NI KENJI!!!" sigaw ni Athena.
Ang kulit niya rin noh? Ilang beses ng pinag sasabihan ni Nathan wag sumigaw pero sigaw parin ng

sigaw!

"Alis ka?? Aalis din ako eh! Sinong mag babantay ng bahay?? Baka umalis din si Sara!"

Lumabas si Sara, "Ya. You two can go. I'm not going anywhere today. Have fun!"
Ang gulo ng mundo nitong tatlong to. Simula nung nagbakasyon yung yaya nila naging ganito na

buhay nila. MAGULO.
"Ok. Balik rin kaagad ako." hinawakan na ni Athena yung kamay ko.

Naglakad nakami palabas ng village. Ayaw niyang mag dala ako ng kotse kasi nahahati daw yung attention ko. ayoko rin mag dala ng auto kasi nakakapagod mag maneho at siyempre kelangan masanay si Athena sa pag kokomyut.

Pagdating namin sa mall, movie kaagad yung una namin. Nanood kami ng Happy Feet since sobrang gusto niyang mapanood yung movie na yun. Buong tima nung palabas tuwang tuwa siya. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganitong natuwa sa isang movie eh.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon