Kabanata 25

1.6M 38.7K 21.1K
                                    

Kabanata 25

Napansin Na

Nangatog ulit ang mga paa ko nang nakitang kakatapos lang ni Wade sa pagkanta. Bumababa na sila sa stage at sinasalubong na siya ng mga fans nila. Tumitig ulit siya sakin nang nakitang paparating na ang mga fans niya.

Alam kong may usapan kami... no I love you for Coreen means no girls for him.

Pero sa sitwasyon ngayon, hindi ko siya sisisihin kung kakailanganin niya mang makihalubilo. Kailangan din nila iyon para dumami ang fans nila.

Nagulat ako nang nginitian ni Wade saglit ang mga babae at tinaas niya ang kanyang kamay sa mga babae.

"Excuse me lang, mag C-CR ako." Pawis pa siya kaya para siyang santong hinahaplos ng mga inggratang babae. Parang yung langis na nakukuha sa katawan niya ay nakakapaghilom ng sakit sa katawan.

Umuungol pa ang iba habang hinahaplos nila ang katawan ni Wade. Sinulyapan ako ni Wade nang nakakunot ang noo. Mahirap kumawala sa mga babaeng iyon. Nang sa wakas ay nakawala na siya sa mga baliw na fans nila ay nakita kong pumunta siya ng CR.

Ilang saglit lang ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. May isang mensahe galing kay Wade!

Wade:

Kita na lang tayo sa labas.

Yun lang ang message niya pero pinagpawisan agad ako ng sobra. Lumingon ako at nakitang nakisama na si Coreen doon sa mga fan girls ng ibang band members ng Zeus. Pero nakita ko talaga ang TEAM WADE SEXY RIVAS na malungkot at inaabangan ang paglabas ni Wade sa CR.

Hindi ko alam kung paano niya tatakasan ang mga fans na ito kaya sinunod ko ang payo niya. Pumunta ako sa sasakyan kong nakapark lang sa tapat ng grill. Ilang sandali ay nakita ko siyang nagpalit na ng t-shirt at tumatakbo nang natatawa palabas ng grill.

Lumingon siya at nakita kong hinahabol na siya ng mga fans niya.

"Wade! Saglit lang! May itatanong lang kami!"

Nataranta ako. Halos hindi ko mahawakan ng maayos ang mga susi ko para patunugin ang sasakyan ko. Pumasok ako agad. Agad ding binuksan ni Wade ang pintuan. Hinarurot ko ang sasakyan para makaalis na agad sa lugar.

Sabay kaming tumawa sa nangyari. Nakakatawa naman kasing hinahabol siya nung mga fans. Talagang tinakbuhan niya!

"Ba't mo naman yun ginawa? Sana pinagbigyan mo!" Hiningal ako sa kakatawa.

"Pag pinagbigyan ko sila, ibig sabihin pinagbibigyan din kitang mag 'I love you' sa iba, alam mo namang di ako payag."

Natahimik ako sa sinabi niya. Nakatitig siya sakin pero hindi ko kayang sumulyap man lang sa kanya. Nahihiya ako. Hinayaan ko ang sarili kong panoorin siya sa gilid ng mga mata ko.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon