18th Chapter

660K 16.9K 2K
                                    

Chapter 18

Ang lakas talaga ng topak ng babaeng 'to. Ano ba talaga ang trip niya sa buhay? Habit na ba niyang pahiyain ako sa harap ng madaming tao? Nananahimik ako. Naging mapagbigay na tao na nga ako. Pinaubaya ko na sa kanya si Jarred. Ano pa ba ang gusto niya? Hindi ba niya alam yung salitang makontento?

"Hoy babaeng haliparot, ano ba talagang problema mo?"

"What did you say? Haliparot?" tanong niya.

"Yeah. Haliparot. You heard it right," I said, making it clear to her.

"The nerve of you. Ang kapal-kapal ng mukha mo," she said.

"Ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Eh ikaw nga 'tong mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend eh," I shot back.

"Eh 'di lumabas din 'yung katotohanan. In love ka pa din kay Jarred. Ang lakas ng loob mong gamitin si Andrei."

"Nagpapatawa ka ba? Ilang beses ko bang kailangang ulitin na ako ba'y tanga para ipagpalit ang boyfriend ko na Campus King para sa ex ko na pinagsawaan ko na?"

"So, trophy boyfriend lang pala si Andrei para sa'yo. Ang kapal mo talaga. Isa kang dakilang user," she accused.

"Ako pa ngayon ang user? Eh anong tawag mo sa sarili mo? Santo? Hahaha. Nagpapatawa ka ba?" I mocked her.

"Oo. Kung ikukumpara ako sa iyo. 'Di hamak naman na mas mabait ako," she said.

"Psh. You've gone mad. Non-sense kang kausap. Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. Wala naman akong pakielam sa'yo eh," I told her.

Paalis na sana ako ng biglang...

"Walangya kang babae ka."

Sinabunutan niya ako. Nagulat naman ako. Hindi ako nakaganti agad. She's on top of me. Hinihila niya yung buhok ko. Kinakalmot ako. Masakit. Ang sakit sakit ng katawan ko. Feeling ko magkakaroon ako ng madaming pasa pagkatapos nito. Hindi na talaga ako makakalaban. Wala na akong lakas. Gusto kong sumigaw ng tulong. Andy, tulungan mo ako. Kailangan kita ngayon. Pero wala akong magawa. Nandito lang ako nakahiga. Hinihintay na mapagod si Ynna sa pananakit sa akin. Nawawalan na ako ng pag asa, ng biglang dumating si---

"Sara..."

"Walang'ya ka talagang babae ka! Ano bang problema mo?" Sara screamed at Ynna.

"Problema ko? Problema ko 'yung mga loser na kagaya nyo," Ynna retorted.

"Bakit mo kami pinoproblema? Kami nga hindi namin pinoproblema 'yung mga haliparot na kagaya mo eh," Sara spat.

"Mind your own business, Loser. Watch what you're saying, o baka naman gusto mo ding magaya diyan sa bestfriend mong loser?" Ynna asked Sara.

"Try me. Ibahin mo ako, kung si Dana masyadong mabait para patulan ang low class na kagaya mo. Pwes, pumapatol ako sa mga haliparot na kagaya mo. Ano? Game? Sisiguraduhin kong ubos yang buhok sa ulo mong walang laman kundi kalandian," Sara told her.

"Thanks, but no thanks. Magsama kayong magkaibigang Loser."

Naramdaman ko na umalis na si Ynna. Fvck her. Makakaganti din ako sa kanya balang araw. Itaga mo 'yan sa bato.

"Hey. Buhay ka pa ba?" Sara asked me.

"Oo naman. Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi ko pa nakakalbo 'yung lintik na haliparot na yun," I told her.

"Good. That's my girl. Kung hindi pa ako bumalik dahil naiwan ko yung libro ko, malamang napatay ka na ng Ynna'ng 'yun," she said.

"Salamat, Sara," I thanked her. "Buti na lang bumalik ka."

"Oo nga. Dalhin kita sa clinic? Dumudugo 'yang mga kalmot sa'yo," she said.

"Huwag na. Malayo 'to sa bituka. Isa pa, may exam ka ngayon 'di ba? Baka ma-late ka. Sige na, kaya ko na 'to," I told her.

"Sure ka?" she asked.

"Oo naman. Eto naman, ginawa akong baby," I said.

"Sus. Sige na nga. Alis na ako. Just call me pag binalikan ka nung Haliparot na yun ha?" she said.

"Yes, ma'am," I answered.

"Bye." Tapos, kinausap niya yung mga tao sa cafeteria. "Kayo, anong tini-tingin-tingin niyo diyan? Ano kami? Liveshow? Ni hindi man lang naisipang umawat. Mga walang silbi."

Na-touch ako kay Sara. I'm so lucky to have a bestfriend like her.

After nung cat fight with Ynna at pagligtas sa akin ni Sara, umalis na ako sa cafeteria, mga selfish talaga ang tao dito sa St. Claire's Academy. Walang pakielam sa kapwa tao.

Pumunta na lang ako sa garden sa likod ng building. Dito ang tambayan ko 'pag wala akong magawa.

Papunta na ako ng makita ko siya...

"Cyriel?"

Mukha namang gulat na gulat yung itsura niya.

"Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa niyan sa'yo? Ayos ka lang ba?" he asked.

For Hire: A Damn Good Kisser (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon