CHAPTER 55

4.4K 120 0
                                    


Valentine's Special

YUJI'S POV

3am gising na ako. Today is Valentine's day and I have planned everything for my Charlotte. Sobrang busy sya nung mga nakaraang araw, kahit text or call hindi namin nagawa for almost 3 weeks dahil binibigyan ko sya ng space para makapagreview sya ng maayos. Hindi nya nga alam na tuwing gabi dumadaan ako sa bahay nila para makita sya sa bintana nila, palagi syang nakatambay dun habang nagbabasa ng mga libro nya. Masipag sya sobra sa pagaaral kaya hindi na ko nagtataka na matalino sya at kahit monthsary namin pati yung araw ng Valentines e nakalimutan nya. I love her SO MUCH and I know that she's not that materialistic girl who want this and that but still, I want to surprise her. By 3:30am nasa tapat na ko ng shop ng kaibigan ko to pick up the balloons I've ordered.

"Hi Yuji! Long time no see! Kung di pa dahil sa mga balloon na inorder mo sakin hindi ka magpapakita. So, who's the lucky girl?" Her name is Claudine, she's my collegue and she owns a party shop.

I hugged and kissed her cheeks as a polite greetings.

"Charlotte, and she's an amazing girl." Yun nalang nasabi ko dahil tuwing iniisip ko si Charlotte, napapangiti nalang ako.

"Wow, ngayon lang kita nakitang kiligin kahit pangalan palang nya sinasabi mo." He laughs as she gave me the 80 colored red and yellow balloons. Nakapack na yun so hindi na ko nahirapang ilagay sya sa likod ng kotse ko.

Umalis agad ako pagkakuha ko balloons at tinawagan pa yung isa kong kaibigan sa animal clinic.

"Hey, Mark. I'm on my way to pick up Clover, is she prepared?"

Mark: Yep bro, prepared and ready to go.

I hanged up the phone as I drive a little faster to get there. Pagdating ko dun, nakita ko agad si Clover. Clover is a dog, naalala ko kasi kung paano tingnan ni Charlotte yung ibang asong nakita namin the other day na kasama ko sya and she actually named her Clover kaya naisip ko ng bilhin si Clover just for her.

"Here she is bro." Abot sakin ni Mark si Clover sakin.

I kissed and hugged Clover so tight, thinking na alam kong ganun din ang gagawin ni Charlotte pag nakita nya si Clover. Breed nya is Shihtzu and she's wearing a ribbon around her neck.

Dinala ko sya agad sa kotse at pinaupo sya sa likod dahil malikot sya kung sa harapan ko sya ilalagay. Pinaandar ko yung kotse papunta kila Charlotte, kasabwat ko ang mga magulang nya kahit si Raven dahil nagpaalam ako sakanila kahapon na hindi alam ni Charlotte nung nasa school sya at nagtatake ng prelim exam.

Kahol naman ng kahol si Clover at pumunta pa sya sa harapan at pinagdidilaan ako.

"Clover stay still, malapit na tayo sa mommy mo. Babantayan mo sya ha? Ikaw ang mata ko pag wala ako sa tabi nya. Pag may lumapit na lalaki sakanya o kapag inaaway sya, you will bite him or her ok? Pagtatanggol mo palagi si mommy Charlotte mo ha? Ang kulit mo don't lick me nagdadrive ako oh."

Ang kulit kulit ni Clover, I wonder kung ano magiging reaksyon ni Charlotte.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, inuna kong nilabas yung balloons. Mukha akong may hawak na hot air balloon sa laki at dami ng dala dala ko. Pumasok ako sa gate dahil inaantay narin ako ng parents nya sa loob.

"Oh, iho jusko ang dami naman nyan. Aanhin ni Karlota lahat yan? Haha." Natatawang tanong ni Tita, sinabi ko pang may aso sa kotse kaya sila na kumuha kay Clover.

Umakyat agad ako sa kwarto ni Charlotte and I saw her sleeping wearing her pagama at malaking tshirt. Ang gulo gulo ng buhok nya, pati ayos ng pagtulog nya hindi ko maintindihan. Hinayaan kong lumipad sa kisame yung nga lobo at inayos ko sya ng konti by color. I even posted a banner sa pader ng kwarto nya kung san makikita nya yun agad pag nagising sya at human sized na teddy bear. Color white yung teddy bear which I bought it nung wednesday pa. Nagdesign pa ko ng konti sa kwarto nya para mas masurprise ko sya paggising nya. Hinayaan akong magorganisa ng mga magulang nya sa loob ng kwarto nya kahit natutulog pa sya, sa sobrang dahan dahan kong kumilos hindi parin sya nagigising. Nadulas na nga ako kanina pero di parin sya nagising, may nasanggi din akong vase hindi parin sya nagigising. Heavy sleeper sya sobra.

Nang matapos ako magayos ng kwarto nya, biglang pumasok si Clover sa loob ng kwarto at inaakyat yung kama ni Charlotte. Binuhat ko naman sya agad.

"Clover, excited narin ako na magising sya pero wag muna ngayon ha? Natutulog pa si Mommy oh, pagod na pagod si mommy kaya mamaya na ha? Halika na labas na tayo." Buhat buhat ko si Clover ng halikan ko si Charlotte sa noo nya habang natutulog sya. Like I said before, heavy sleeper sya at hindi parin sya nagising sa halik ko.

Paggising nalang nya ang inaantay ko, I can't wait to see her reaction. Kami pala ni Clover, excited na kaming dalawa na magising ang mommy nya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon