Chapter 12: Birthday

287K 9.7K 3.2K
                                    


Nate's Point of View


Nang makarating kami sa resort, nagsama sama na ang mga babae sa room nila at humiwalay naman kaming mga lalaki. Pinauna ko na ang dalawa kasi ako ipapark ko pa ang sasakyan.

Buong byahe nagsesenyasan kami nila Pipes at Tammy kasi hindi pa rin nagpapansinan sila Hails at Warren. Pinagtabi na nga namin sila sa likod pero hindi ko sila nakitang nag-uusap. Ang liit liit na bagay pinalaki ng dalawang 'to.

Pagpasok ko sa kwarto, nakahiga na si Guevarra sa kama niya pero wala si Warren.


"Nasaan si Warren?"

"C.R. ata."


Tumingin ako sa kaliwa't kanan, harap at likod at dahan dahang lumapit kay Guevarra. Nang mapansin niya ang paglapit ko ay mabilis pa sa alas quatro siyang tumayo.


"Tangina. Anong trip mo?"


Highblood naman nito. Mura agad.


"Tara. Bilis," bulong ko sa kaniya.

"Saan na naman?"

"Kailangan natin iwan si Warren para makapagsolo sila ni Hails."


Sa halip na sumunod ay humiga ulit siya. Bwisit din 'to eh. Hindi mapagsabihan. Ah! Alam ko na. Paniguradong susunod 'to.


"Sige, huwag ka na sumama. Diyan ka na lang. Sayang naman plano namin nila Tammy at Pipes. Usapan pa naman na pagbabatiin 'yung dalawa kaya tayong 4 ang magsasama maghapon. Kaya lang ayaw mo naman. Sige, kami na lang. Kahit gustong gusto talaga ni Pipes na pagsolohin 'yung dalawa. Okay lang naman. Maiintindihan naman ni Pipes na ayaw mong sumunod. Okay lang."


Hindi ko na siya hinintay makasagot. Lumabas ako at nagpunta sa kwarto nila Pipes na katabi lang ng kwarto namin.


"Pipes! Tara na!" sigaw ko habang kumakatok. "Magpictorial na tayo para puro enjoy na lang mamaya."


Wala sa usapan namin 'to pero kailangan namin umarte para magpaiwan si Hails. Iisa lang naman ang wavelength ng utak naming lahat kaya paniguradong maiintindihan na nila ang ginagawa ko.

Hindi pa nakakalabas si Pipes nang lumabas si Guevarra. Susunod din pala pinatagal pa.


"Akala ko ba mas gusto mo matulog?"


Sinamaan niya ako ng tingin at sumandal sa pader. Pa-cool na naman 'to.

Lumabas na rin si Pipes at kasunod niya si Tammy. Hindi rin naman sila nahirapan tumakas at gumawa ng kwento kay Hails kasi mas pinili niya ang matulog.

Nagmadali kaming umalis bago pa kami abutan ni Warren.


"Anong kasunod nito?" tanong ni Tammy.

"Sundan natin 'yung dalawa."


Nagtatalo kaming tatlo kasi gusto ni Tammy na sundan 'yung dalawa, gusto ni Pipes na mag-ayos ng surprise para sa kanila at gusto ko naman na magswimming na.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon