CHAPTER 57

4.7K 134 1
                                    


Pagkatapos ko maligo, nagayos at nagpaganda ako. First date namin to no tsaka araw pa ng valentines. Binuhat ko si Clover ng matapos na ko sa pagaayos, I'm all set and ready to go. Nakasabit sa balikat ko yung mini purse ko habang buhat buhat ko naman si Clover sa kamay ko. Ang cute cute ng baby Clover namin, may ribbon pa yung leeg nya. Tinanggal ko naman yun dahil baka nasasakal sya.

"Better?" Tanong ko pa kay Clover ng matanggal ko na yung ribbon sa leeg nya.

*BARK!*

"Good." *Kiss*Kiss*KISSES*

Inuulanan ko sya ng halik sa ulo nya ng makababa na kami ng hagdan at salubungin kami ng Daddy nya.

"Nagseselos ako."

He pouted.

"Bakit?"

"Sya na palagi mong hinahalikan, madaya." *Pout*

"Eh?"

*BARK!*

"Si Daddy pa tinatahulan mo e ikaw na nga kaagaw ko kay Mommy mo Charlotte!" Kausap nya si Clover, and yes inaaway nya ang baby ko.

*PAK!*

"Ouch, Charlotte!" Pinalo ko yung kamay nyang tinuturo turo ang baby ko.

"Wag mo awayin ang baby ko, magaaway tayo. Tara na." Irap naming dalawa ni Clover sa daddy nya.

Nagmamaldita kami bakit ba.

Nagpaalam kami kila Mama at Papa, pinaiwan naman sakin ni Mama si Clover.

"Ayoko."

"Karlota, may date kayo alangan naman ikukulong mo lang yang aso mo sa sasakyan ni Yuji habang nagsasaya kayo." Sabi ni Mama.

Pfft. No, I was planning na dadalhin ko sya kung san man kami pumunta ni Yuji. Pero tama parin si Mama. Lumuhod ako at binaba si Clover sa sahig.

"Dito kalang ha? Uuwi agad si Mommy mamaya, papasalubungan ka namin ng maraming foods!" *Kiss*kiss*KISSES*

"Oh, tama na yan nakakarami na si Clover ako wala pa pfft."

Nagtawanan namin sila Mama at Papa kay Yuji. Loko e, akala mo bata.

"Bye Ma, bye Pa." Yumakap ako sakanila at ganun din si Yuji sakanila.

"Osha magenjoy kayo kami ng bahala kay Clover." Sabi ni Mama. Lumuhod pa ko ulit para halikan si Clover tsaka kami lumabas at sumakay sa sasakyan nya. Pinaandar nya agad yun.

"So, saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"You'll see." Nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw nagdesign ng kwarto ko?"

"Yes. Sino pa ba? Haha."

"I didn't know na maganda ka magdesign, at magbutingting haha."

"Yeah, hindi naman talaga pero dahil may surprise ako sayo, ginawa ko padin yung best ko para mapasaya kita." Nginitian na naman nya ako. Ang gwapo, oo na kinikilig ako.

Huminto kami saglit at kumuha sya ng panyo sa likod.

"Malapit na tayo sa main event, I need you to wear this." Hawak hawak nya yung panyo.

"Blindfold? May ganun talaga?"

"Suotin mo nalang Ms. Briones. No questions asked."

Tumalikod naman ako para mapiringan nya ako. Nagdrive pa sya ng kaunti habang nakatakip naman yung mata ko. Ang dami nyang pakulo ngayong araw nato, samantalang ako hindi nakapagprepared. Madaya, makakabawi din ako.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon