Chapter 50

332K 8.7K 871
                                    

Chapter 50

The Revelation

"Umalis ako dahil may sakit ako!" sigaw ko.

He's forehead creases.

Kahit siya naguguluhan, pucha lang. Bago pa silang lahat naguluhan, gulong gulo na ako.

"Akala ko may sakit ako." sunid kong sabi.

"Ano bang sinasabi mo?!" tanong ni Calix.

"May ginawang Health Test sa Pringe Wood noon, lahat ng estudyante required na mag pa check-up. Kasama ko rin noon si Abigail. Nung araw na matanggap namin 'yung resulta ng exam dito sa Chandford, kasabay din 'nun iyong resulta ng health test. Sobrang excited kami pareho ni Abigail. Kaya umuwi ako agad para makita ko yung resulta nung akin. Kaso lang may isa pang sobre akong natanggap. Una kong binuksan yung sa Chandford, I passed. Pero bago ko tawagan si Abi para sabihin na pasado ako, binuksan ko na muna 'yung sa health test."

Huminga ako ng malalim. Ang hirap lang alalahanin ulit ng lahat. I felt the damn pain again.

"Nagulat ako nung makita ko 'yung resulta nun. According to it, I'm sick. And it's fucking fatal. Nagulat ako kasi wala naman akong nararamdaman na mali sa'kin. Gulong gulo ako nung gabing 'yun. I tried my best para maipalabas kay Abigail na okay lang ako... Kasabay din ng linggong 'yun ang paghahanda para sa prom. Kahit ang hirap para sa'kin, sinubukan ko pa rin gawin ang lahat para maging perpekto iyon."

Ayoko na sanang mag salita pa pero nasimulan ko na. Kaya tatapusin ko na rin.

"I planned to go to the States, doon sa mga magulang ko. Ayokong ipaalam 'to kay Abigail because I don't wanted to hurt her. It was easier that way. To just go. Alam ko mali. Pero pag nagpaalam ako sa kanya, baka hindi ko kayanin. Hinding hindi ako makakaalis, mananatili ako at patuloy siyang mamahalin. Even if that causes my life."

Nagpatuloy pa ako dahil hindi pa rin siya nag sasalita.

"But then I realize... If I was really that sick, I am better off with her. Kasi masasaktan at masasaktan ko lang siya. Pagdating ko sa States agad akong nag patingin. They've done me a series of tests. Ang dami. Pauulit ulit. Pero isa lang talaga ang resultang lumalabas, that that fucking paper is not true. Wala akong sakit."

"What?!" Calix exclaimed, but I just shrugged.

"I wanted to sue those people behind that paper. But I was to excited to go back to see Abigail again. To be with her again... pero bigla kong nalaman na may Leukemia si Mama. Kaya pala sila nasa States. Hindi lang dahil sa business, dahil din nagpapagamot siya."

"Christan I'm sor-" I cut Calix.

"My parents said that we're loosing our business. Hindi na kasi nila mapagtuunan dahil kay Mama. We need help. Kaya nakipagsosyo sila, and the only thing to make it work is to have an arrange marriage. That's the reason kaya hindi na ako nakabalik. Ayoko yun, hindi ko gusto yun. Pero wala akong magawa! Ayokong bumagsak ang kompanya at ayokong maging dahilan ng sama ng loob ni Mama. She's sick. At nakiusap siya sa akin. What am I suppose to do?!"

Wala akong choice. At kung meron man, kinuha ko na iyon agad. Dahil mahal ko si Abigail. Mahal na mahal.

"Kaya pumayag ako. Sa totoo lang ayoko ng bumalik dito, but I have to, because in just a few days makikilala ko na rin 'yung pakakasalan ko."

Oo makikilala ko na kung sino yung babae na 'yun. Sa totoo lang, wala akong pakialam. I just want this to get over and done with.

"I don't wanna go back because I don't wanted to see Abigail. Ayoko dahil mahihirapan ako. Ayoko dahil alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Ayoko dahil alam kong masasaktan ko nanaman siya." saad ko.

I never wanted to hurt her. Kung pwede lang na ako lang ang masasaktan sa lahat ng 'to ay ayod lang. Kaya kong tiisin ang lahat para sa kanya.

"I saw her cry in front of me. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. I still love her, man. Pero hindi pwede. Hindi na pwede. Ayokong saktan pa siya. Ayokong paasahin pa siya na pwede pang maging kami, dahil sa huli ay ibang babae lang din ang papakasalan ko."

It was all silence in that parking lot. Wala ng nagsalita pa sa'ming dalawa.

"This talk is over." sabi ko na lang kay Calix at agad na sumakay sa kotse ko. Minaneho ko 'yun ng mabilis na mabilis.

Fuck this life.

Frans Abigail's POV

I can't believe what I just heard. It was unbelievable.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. At paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko, kung bakit wala akong maramdaman.

It was all numb.

Biglang lumitaw si Calix sa harapan ko at gulat na gulat siya.

"Abigail? Kanina ka pa ba nandito?!"

Natulala na lang ako sa harapan niya.

"I... I heard it all, Cal." mahinang sabi ko rito.

Nagbago agad ang ekspresyon niya. I saw that he is worried. Kaya nag salita ako agad.

"I'm okay. Gusto ko na lang umuwi." I told him.

Inuwi na rin agad ako ni Calix sa bahay. Pag akyat ko sa kwarto ko, napaluhod na lang agad ako.

I felt so weak.

I thought it will all be okay pag nalaman ko na ang lahat, but it didn't. Even just a little... it didn't.

I was suddenly hurting.

Hindi ko alam, pero napatayo na lang ako at binato ang lahat ng gamit sa desk table ko.

Biglang pumasok si Calix at pinigilan ako. "Stop, Abigail!" He shouted and hugged me tight.

"Please, stop. You'll going to hurt yourself." he calmly said.

And in that very moment, my tears started flowing.

It's uncontrollable.

"Akala ko pag nalaman ko yung totoo, mababawasan yung sakit sa loob ko. Pero mas bumigat. Bakit mas lalong bumigat?"

Tanong ko rito. Pero wala siyang naisagot.

"Yung sa health test? Yung ilang araw na hindi niya ako pinapansin nun, yung prom, lahat lahat. It all made sense now."

Kaya pala ganoon yung kinikilos niya nung mga araw na yun.

"Partners kami diba. Dapat sinabi niya sa'kin yun. Dapat alam ko. Pero hindi niya sinabi kasi ayaw niyang masaktan ako. Bakit, Cal? Hindi ba ako nasasaktan ngayon?"

"Abigail.."

"Nakakatawa ako 'no. Oo nga naman pala, malaman ko man yun o hindi.. wala ding pinagkaiba yun. Because at the end of the day, ikakasal siya sa ibang babae. Sa iba, Cal. Hindi sa'kin." sabi ko na mas lalo ko pang ikina-iyak.

Masakit talaga harapin ang reyalidad.

"Why I have to experience all this, Cal?" tanong ko pa dito.

Hindi ko na alam. Mababaliw na lang yata ako.

Bumitaw siya sa yakap at hinawakan niya ang dalawang balikat ko.

"Ang sabi nga nila diba.. There are things in life that we don't want to happen, but have to accept. There are things that we don't want to know, but have to learn, and there are people that we can't live without but have to let go."

Napatingin ako sa kanya.

"You'll get through this, okay?"

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon