Chapter 34.

12.3K 424 76
                                    

Chapter 34.


Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon na ang graduation ni Clarence. Sobrang nakakaproud! First honorable mention kasi siya and may iba pa siyang certificates and medals dahil sa co-curricular activities niya. Darn! As his girlfriend, sobrang naiiyak ako dahil sa pagka-proud. Feeling ko mas magiging emotional pa ako mamaya kesa sa parents niya! Haha! Oa Marga.


From: Poging boyfriend

Can't wait to see you mahal. I love you so much! :*



Napangiti ako sa text message niya. Tinitigan 'ko ang regalo 'ko sakanya. Magustuhan niya kaya ito? It's just a simple but branded watch and a letter. Jusko. Halos isang buwan 'ko pinagipunan ang relo na 'yan! It's worth 7k though.. Kulang pa 'yan sa lahat ng naibigay niya sa akin. That's all I have kaya 'yan lang ang ibibigay 'ko.




To: Poging boyfriend

I love you too Clarence! I'm so proud of you love! Congratulations <3



Isang simpleng puting maxi dress ang suot 'ko ngayon. Good thing ay magkasukat kami ni Ate ng katawan kaya pati ang suot 'kong heels ay sakanya. Siya din ang nag-ayos sa akin.



"Bente ka na bukas, Margarita. Ang tanda mo na." Ate chuckled. I almost forgot! Birthday 'ko na bukas!



"Oonga eh. Pero hindi 'ko feel.." I pouted at natawa.



"Ano balak mo? May budget si Mama. Inipon niya talaga para sa 20th birthday mo."



Napaisip ako. Mama promised me na paghahandaan niya ako sa 20th birthday 'ko since we did not celebrate my debut. Gusto daw niyang bumawi.



"Okay lang kahit kainan, ate. Basta ba invited ang family ni Clar at ang mga kaibigan 'ko." I said. Yun lang naman talaga ang gusto 'ko—ang makasama ang mga mahal 'ko.


"I'll tell Mama. Invite mo na sila."


Sinundo na ako ni Clar at dumiretso sa venue ng graduation. Agad 'kong sinabi sakanya ang balak ko para sa birthday 'ko.



"May family dinner kami later sa Parañaque. 'Doon tayo matutulog." He said. Shet naman.



"Why didn't you tell me? Wala akong dalang damit!" I pouted. Clarence slightly pinched my lips at mabilis na hinalikan ito.



"You could borrow Cleire's. Magka-size naman ata kayo coz you're both petite."



Mabilis kaming nakarating sa venue. Natanaw 'ko na agad ang parents ni Clar, si Cleire, si Clinton at si Cleo. Si Cleo ang panganay, then si Clinton, Clar at bunso si Cleire. Ang mga kuya ni Clar ay may sariling pamilya at business na. Mga bigtime!


Nagsimula na ang ceremony. Bigla tuloy akong naexcite grumaduate. I can't wait to finally wear my black toga. I can't wait to finally hear my Mama say 'I'm so proud of you, Marga'



Natapos ang ceremony. I can't stop my tears from falling when Clarence hugged me and said, "Simula na ng future natin, mahal 'kong Marga."



"I'm very proud of you, Clarence. Dami mong awards." He hugged me tighter nang sabihin ko iyon. Naramdaman 'kong nabasa ang bare shoulder 'ko so I guess he's crying.



"Ikaw palang ang nakakapagsabi sakin niyan.. Thank you so much, babe."




My heart melted. First time ni Clarence na may magsabi sakanya na proud sakanya? I don't want to judge but I'm curious about that. Ano kayang pinagdaanan ni Clar sa parents niya?



Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon