[37]

43 4 0
                                    

Chimmin's POV

Dadalhin ko na sana yung Pagkain sa kwarto ni jinhwan nung marinig ko nanaman siyang nagsasalita magisa.

"Eh bat ganun? parang totoo? Ugh! Araw araw nalang ba? Pano ko malilimutan yun?" Napatawa nalang ako. Napatingin naman siya sakin. Sumakit ang ulo niya at napailing-iling.

"Kain ka na!" Binigay ko sakaniya yung Coffee, rice at ulam.

Nakatitig lang siya sakin. Parang di mapakapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.

Hinawakan niya ang Pisnge ko.

Ganyan siya simula kagabi pa. Hindi niya ako kinakausap.

Bat siya ganyan?

*sigh*

"Kain na" Umalis ako sa harap niya.

"S-saan ka pupunta?" Bakit ba ganyan siya? Bakit parang hiyang hiya siya sakin. Minsan naman parang May gusto siyang sabihin o kaya gawin pero di niya matuloy-tuloy.

May problema b---

Oo nga pala. Mahal niya ang ate ko. Hindi nga pala ako. Kaya pala nahihiya siya sakin, Kasi Sinaktan niya ako.

Bakit ba nagfefeeling ako na yung tulad pa rin ng dati ang mangyayari?

"W-wala ka na dun" Sagot ko sakaniya pabalik.

"Iiwan mo ulit ako?" Nagtaka naman ako. Ulit? Bakit? Wala ba akong karapatan iwan siya?

"Hindi habang buhay pagsisilbihan kita jinhwan.." Tumalikod ako sakaniya.

Ang sakit, Ayaw niyang dumistansya ako sakaniya.

Bakit ayaw niyang gumawa ng paraan para di ako umalis sa buhay niya?

Mamahalin niya lang naman ulit ako e.
kung hindi niya kayang gawin yun, Ako nalang magaadjust. Ok lang naman kahit maging magkaibigan kami e

Hayaan niya muna ako makapagmove on..

Minahal niya nga ba ako? O baka simula't sa sapul si kendall na ang mahal niya at sabit lang ako. Ginamit lang nila ako.

Kanina pa ako iyak ng iyak sa sala habang nakatungo. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang damit ko pero ayaw talaga tumigil ng leche kong mga Luha.

Bakit ba mahal na mahal niya ang si kendall?

Minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko kung anong meron sakaniya na wala sakin. Andito naman ako sa tabi niya, Inaalagaan ko naman siya. Iniingatan. Pero Bakit di niya ako magawang mahalin?

Mas inaalagaan ba siya ng ate ko? Mas maganda ba si kendall kesa sakin? O baka naman mas mabait si kendall kesa sakin.

Dati palang im so bitch. Pero nagbago naman ako diba, Hindi naman first impression, last impression diba. Bakit?

Naramdaman kong may nakahawak sa magkabila kong Pisnge.

"Sorry Chi" Itinaboy niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Nagsosorry siya kasi kahit anong pilit niyang mahalin ako. Hinding hindi magiging ako si kendall..

Niyakap ko ng mahigpit si Jinhwan.

Hindi ko na mababago ang desisyon niya. Ang puso niya ay para na talaga kay kendall.

"Namiss kita" Nagulat ako ng bigla niya ako niyakap na parang baby.

Malakas pa rin siya.

"Hala sige, Tahan na" Napayakap lang ako sa leeg niya at siniksik ko ang mukha ko sa balikat niya.

Pinulupot ko ang mga Binti ko sa katawan niya para hindi ako mahulog.

Sana ganto nalang kami lagi.

Umupo na siya sa sofa pero ganun pa din ang buhat niya sakin. Inupo niya lang ako sa lap niya.

"Shhhh Di na kita iiwan" Hinagod niya lang ng hinagod ang likod ko kaya lalo lang ako napaiyak.

Pakiramdam ko mas lalo lang akong pabigat kay Jinhwan.
Pakiramdam ko pinapahirapan ko ang sitwasyon nila.

Kaya ko naman talagang magadjust e, Bigyan niya lang ako ng konting puwang diyan sa puso niya.

"J-jinhwan" Napahagulgol ulit ako.

Di ko na kaya, Sobrang sakit.

Hinalikan niya ang buhok ko at hinagod niya nalang ulit ang likuran ko.

"S-sorry jinny" Yan lang ang lumabas sa Bibig ko.

Sorry kung Pinapahirapan ko ang sitwasyon niyo. Ang hirap lang talagang dumistansya sakanila dahil napamahal na silang dalawa sakin.

"Ako dapat ang nagsosorry. Pinahirapan ko lang lalo ang sitwasyon natin.. Di na kita iiwan" Napalunok ako at napahagulgol ulit.

Bakit niya ba ginagawa 'to?!

Sino ba talaga samin?!

Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya sa mata "Mahal mo si kendall diba, Bakit Jinhwan? Bakit kailangan mong gawin 'to? Kaya ko namang mag-adjust e. Gusto ko lang naman magkaroon kahit konting puwang diyan sa puso mo.. *Hik*" Pinigilan ko hindi umiyak habang sinasabi iyon.

Nakatingin lang siya sa mata ko.

"Sht! Di ko kaya makita kang nasasaktan!" Napalunok lang ako at may kumawala nanaman na luha sa mata ko.

MAGPAPIGIL KA NAMANG LUHA KA! HUWAG KANG PAAWA KAY JINHWAN!

"Huwag ka magalala, Magiging masaya din naman ako kapag nakapagmove on ako e" Pilit kong ngumingiti at hinaplos ang Mukha niya.

"I Miss you chi" Siya naman ang yumakap sakin ngayon.

Mahihirapan ako Jinhwan. Mahihirapan akong Magmove-on sayo kung ganto ka.

Pero ayos lang, Kung eto ang nabibigay ko sayo na hindi nabibigay ni kendall e. Atleast magkakapuwwang ako sa puso mo.

"Wag ka nang magmove on" Pagmamakaawa niya at hinigpitan ang yakap sakin.

Napalunok ako.

Hindi naman ako magmomove on kung wala kang mahal na iba diba?

Humiwalay siya sa yakap at pinagdikit ang noo namin "Hindi ko kakayanin.." Humawak siya sa balikat ko at Hinalikan ang labi ko.

Naguguluhan na ako Jinhwan..

Magbigay ka ng rason kung bakit hindi kita iiwan.

Bigyan mo ko ng rason..

"Mahal na mahal kita.. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Hindi ko pala kakayanin" Bulong niya at minulat ang mga mata niya.

"Kung mahal mo ko.. Choose Jinhwan.. Choose me kung ako yung mahal mo" Desperada kong sagot Fuck!

Sumilay ang matamis niyang ngiti. "Ikaw naman talaga mahal ko e" Binigyan niya ulit ako ng matamis na Halik sa labi.

"Naguguluhan lang talaga ako sa nararamdaman ko, Nung nawala ka. Pakiramdam ko Mamatay na ulit ako. Bumabalik nanaman ako sa patapon kong buhay" Paliwanag niya.

Hindi ko na hahayaang mangyari yun Jinhwan..

Hinalikan ko siya sa noo bilang tanda na Hinding hindi ko na siya iiwan.

----------------------------

Thanks for reading :)

jiminside

Jinhwan's Life [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon