CHAPTER 58

4.1K 111 0
                                    


Nasa cafeteria ako ngayon magisa dahil inaantay ko sila Travis at Jess. Sabi nila may goodnews daw sila sakin.

*PHONE VIBRATE*

One message received from Yuyu❤

"Come to my office, I miss you *sad face*"

Natawa naman ako. Magkasama lang kami kahapon ng buong araw miss nya agad ako. Nagreply naman agad ako.

"Magkasama lang tayo kahapon."

Sent.

*Phone Vibrate*

Ang bilis naman magreply.

"Kahapon yun. *Sad face*"

Nakakaloka. Magrereply pa sana ako ng makita ko na sila Travis at Jess na parating.

"SHACHAA!" *hugs*

Niyakap nila ako pareho at ginulo yung buhok ko.

"So, ano ba yung goodnews?" Tanong ko habang tinatago na yung phone sa bag ko.

"Well, yung sasabihin ko para sayo goodnews yun pero yung kay Jess..." Nagtinginan pa sila ni Jess.

"Kami na ni Penny!" Masayang sabi ni Travis.

"Wow, congrats! Teka, paano at ano ang ginawa mo? I want details!" Naeexcite na tanong ko sakanya.

"Kahapon nung valentines, binigay ko yung libro na binigay mo then she was so happy thinking na akala nya ako yung nagpakahirap na makuha yun, talon sya ng talon then bigla nalang nya akong hinalikan."

Wow.

"Tapos? Yun na yun? Hinalikan kalang nya tapos kayo na agad?" Tanong ko pa.

"Hindi, syempre magkasama kami the whole day. Dinala ko sya kung san san tapos yun nagconfess ako. And she said yes."

"Yes? Like yung tanong mo will you marry me and she said yes?"

*POK* Pitik nya sa noo ko.

"Ouch." Hawak hawak ko pa yung noo ko.

"Basta yun na yun! Kami na at sabay kaming uuwi mamaya. Oh, Jess ikaw naman!"

Nalipat naman yung tingin ko kay Jess pero parang ayaw nya magsalita.

"Oh, ano naman yung goodnews mo?"

"Ahh...um.."

"Sabihin mo na! She'll understand." Siko pa ni Travis sakanya.

"Uh..k-kami n-na--"

"Sila na ulit ni Irene." Hindi na sya pinatapos ni Travis at sya na nagsabi ng diretsahan sakin.

Nagsitaas yung mga kilay ko sakanya. Akala ko ba ginagamit nya lang si Irene para pagselosin ako noon?

"I can explain! I can explain! Ganito kasi yun, nung dati na naging kami it was just not about using her. I fell inlove okay? Minahal ko sya tapos nagkita kami kahapon, she was all alone kaya sinamahan ko sya tapos--"

"Ano kaba hindi mo kailangan magexplain. Masaya ako para sainyo, mahal mo sya then go. Hindi ako magiging kontrabida sa lovestory nyo."

"Sabi sayo maiintindihan nya eh!" Siko ulit sakanya ni Travis.

"Thankyou Cha!" Tumayo pa sya sa kinauupuan nya at niyakap ako.

Nagtatawanan at nagkukwentuhan kami, kahit yung valentines date namin ni Yuji e pinakwento nila sakin. Asar naman sila ng asar na kinikilig daw ako habang nagkukwento.

Natigilan yung pagkukwentuhan namin ng lumapumit si Sir. Hunt sa table namin.

"Goodmorning Sir. Hunt." Bati nila Travis sakanya.

"Goodmorning guys, can I join you?"

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Jess. Bakit sya tatabi samin e marami namang bakanteng table, paano kami maguusap usap nyan.

"Uh sure Sir! Dito po kayo." Umusog sila Travis at magkakatabi silang tatlo, ako? Nasa harapan nila solo ko yung upuan ko.

"So, what are you guys talking about?"

*Silence...*

*Silence...*

Seryoso yun ang gusto nyang pagusapan?

"Uhh" --Jess

"Um" --Travis

"...." --Ako

"Hahaha! Just kidding, alam ko namang hindi nyo ikukwento yung mga ginawa nyo nung Valentines day haha!"

"Heh he" --Jess

"Ha ha" --Travis

"....." --Ako

"So anyway, kaya ako nandito e gusto ko kayong iinform about our Regionals and Divisions Science Camp. I've heard that you three compete for Mathlete last month right? Kayong tatlo din ang palaging nangunguna sa klase nyo, you guys are good to every different subjects especially you Ms. Briones. So, I want you guys to sign up for our Science Camp."

Science Camp? Inshort, camping?

"Uhh..Saan po gaganapin Sir yung camping?" Tanong ni Jess.

"Syempre dahil camping yun, we're talking about woods, trees basically forest. We're camping on Mount. San Sebastian in Batangas."

Naexcite ako bigla. Batangas? Meaning babyahe kami? Waah! Tsaka adventure narin yun!

"Sure Sir! Magsasign up kaming tatlo nila Charlotte." Sagot nila Travis. We both love adventures kaya kahit hindi nila tanungin yung approval ko e alam nilang payag na ako.

"Great! Magsign up na kayo today dahil bukas na ang alis natin." *winks*

"BUKAS NA?!" Sabay sabay na tanong naming tatlo.

Ang bilis naman bukas na agad?!

"Yes, last week pa nakapost sa bulletin board yung sched hindi nyo nakita? Magkikita kita tayo dito sa campus ng 4am ng madaling araw at may mga bus dito na maghahatid sa atin sa batangas."

Sounds exciting pero iniisip ko si Yuji. Hindi papayag yun, tapos bukas na agad. Hindi talaga papayag yun.

"I'll see you guys tomorrow." Nakangiti pa nyang sabi. Tumayo na sya at naglakad palayo samin.

"Batangas! Exciting yun guys! Magcacamping tayo! Ako na bahala sa tent nating tatlo!" Sobrang saya ni Travis.

"Ako naman bahala sa foods! Matatry na natin yung S'mores! Magbobonfire tayo, tapos dadalhin ko din yung gitara ko para makapaggitara si Cha!"

Ang saya nila sobra, paano naman ako? Katakot takot na pageexplain ang kailangan kong ihanda para kay Yuji mamaya.

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon