Chapter 52

317K 8.5K 848
                                    

Chapter 52

Just A Moment

"Sakay." sabi ni Apxfel na hindi nakatingin sa'kin.

Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ako lang naman ang nakatayo dito, siguro naman ako ang sinasabihan niyang sumakay.

"Ay hindi na.. okay lang." sagot ko naman.

Parang ang awkward pa ng pagkakasabi ko, ewan ko ba!

"Ihahatid na kita sa bahay mo. Sumakay ka na." anito.

Parang hindi naman niya ako inaaya, inuutusan niya na ako.

"Hinda na nga... mag aantay na lang ako ng-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag salita siya muli.

"Kung hindi ka sasakay, bubuhatin kita ngayon din para ipasok dito sa kotse ko." saad nito.

Seryoso ba siya? Ano ba ang trip niya? Ano ba ang trip ng Universe?!!

"Apxfel... ano ba ang-" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng lumabas na siya ng kotse niya.

Napabuntong hininga na lang ako at agad na sumakay sa kotse nito bago niya pa ako buhatin!

Kilala ko siya, alam kong hindi siya nag bibiro nung sinabi niya iyon.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho ito.

Bakit ba kasi walang taxi?! Kung sino pa yung iniiwasan ko, siya pa yung napapalapit sa'kin. Alam mo yun? Parang ginu-good time ka!

"Sa ganitong oras, bihira ng may dumaan na taxi na walang sakay doon." bigla niyang sabi.

Hindi ako umimik. Hindi ko alam, pero ang awkward lang talaga.

Napansin ko na ibang daanan na ang dinadaanan namin ni Apxfel.

"Apxfel... ibang daan na 'to." sabi ko sa kanya.

"Ihahatid kita sa bahay mo diba?" anito.

Napatigil na lang ako bigla. Shit. Hindi ko pala nasabi sakanya na kela Calix na ako nakatira!

"Lumipat ka na ba? Saan ka na nakatira?" sunod sunod niya pang tanong nito.

"Apxfel kasi... Ano... hindi na ako roon sa bahay umuuwi." utal utal kong sabi. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya!

"Ha?" takang tanong niya.

"Alam mo naman kung saan yung bahay nila Calix diba? Dati nag punta na tayo roon." saad ko.

"What?!" he exclaimed.

"Doon na kasi ako kela Calix nakatira ngayon." mahinang sabi ko.

"What?!" bulyaw niya muli.

Tila ba hindi makapaniwala sa aking sinasabi.

"Apxfel bakit ba.."

"Wait what... Kela Calix ka na nakatira? Bakit?!"

Ang tagal kong sumagot. Ginugulat kasi ako ni Apxfel sa mga reaksyon niya.

"Kasi nahirapan na akong tumira sa bahay simula nung umalis ka." diretsong sabi ko sabay ang pag-iwas ng tingin sa kanya.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nag usap ulit na dalawa.

Surprisingly, alam niya pa rin ang direksyon papunta sa bahay nila Calix. Its been really awkward the whole time. Sa bintana lang ako nakatingin, buti na lang at hindi ako na-stiff neck!

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon