CHAPTER 139

3.1M 72.1K 130K
                                    

MAX'S POV

"Oh? Ang aga mo naman ata'ng umuwi??" salubong sakin ni Yaz.

"Suspended ang klase.." nanlalata'ng sagot ko.

"Dahil sa bagyo??" tanong nya pa.

"Mmm.." tipid na sagot ko at saka sumalampak sa sofa at nagsindi ng sigarilyo.

"Bakit ganyan ang itsura mo?? San ka ba galing??"

"Kanina pa suspended ang klase, sinundo ako ni Deib kaninang umaga kaya naman dumeretso muna kami sa kanila bago nya ako ihatid ulit dito.."

"E bakit naman umuwi ka na agad? Nasan si Zarnaih??"

"Wala pa ba??" takang tanong ko at umiling sya.

"Sinundo sya ni Lee kanina e.."

"I see.. Baka magkasama pa sila, magkasama sila nung maghiwalay kami kanina."

"Sarap buhay ah!" pang-aasar nya pa. "Oh.. bakit nga umuwi ka agad? E nandon ka pala sa bahay nila Deib!?"

"Hindi ako kumportable don.."

"Huh?! Bakit naman?"

"Tss.. umalis ang parents nya at dadalawa kaming natira sa bahay nila.. Maliban kay Manang na busy naman sa gawaing-bahay.."

"Oh e ano naman!?"

"Hindi nga ako kumportable.."

"You're not comfortable or you really just wanna smoke!?" sarkastikong tanong nya! "Alam ba ng mga jowa nyong may mga bisyo kayo!?"

"Mmm.."

"Yuck! At okay lang sa kanila?!"

"Mmm.."

"Yuck!! Are they smokers, too?!"

"No.."

"Then you better stop smoking.."

"And you better shut up.." biro ko sa kanya.

"Psh.. Kumain ka na??"

"Mmm.. pinakain nya na ako.."

"Tsk tsk.. You see?? Mahal na mahal ka ng boyfriend mo.." sabi nya.

"Pinakain lang---mahal na mahal na?? Tss.. kapag ginutom nya pala ako---hindi nya ako mahal!?" sarkastikong tanong ko.

"Exactly.. Hahahahaha! Joke! Sabagay.. mahal mo rin naman sya.."

"Birthday nya sa Sabado, sama ka.."

"Oh sure! Am I invited?!"

"Matik na yun.."

"How nice.. Hahahaha! Anong gift mo sa kanya??"

At nagsimula na naman tuloy akong mapaisip.

"H-Hindi ko nga alam e.." napapahiyang sagot ko.

"What?! Hindi mo alam?!"

"H-Hindi ko kasi alam kung a-anong gusto nya.." nakangusong sagot ko.

"Hello?! Ano ka ba?! Hindi naman kailangang yung laging gusto ng tao ang ibibigay mong gift, dork!"

Hindi ako sumagot at nakinig lang ako sa kanya.

"Since, bago pa lang ang relationship nyo.. I'm sure, kahit na poster ng hubad na artista ang ibigay mo dyan tatalon yan sa tuwa! Baka nga itago nya pa o gawing design sa kwarto nya! Seesh! But of course, you have to be thoughtful, creative, resourceful, sweet, loving.. you know that?? Dapat mag-isip ka ng bagay na sa simple pero magiging malakas ang impact sa kanya!" tatangu-tangong sabi nya at nakinig naman ako! "Yung makakapagpataob sa luxurious gifts na matatanggap nya from others! Oha! Hehehehehehehe!"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon