CHAPTER 66

3.8K 110 1
                                    


Mga hapon o tingin ko 2pm or 3pm na ata, nagiihaw na kami ng isdang nahuli ni Avery. Bilib na 'ko sakanya dahil nakahuli sya ng apat na isda, at hindi lang isda yun. Malalaking isda yun kaya naman gumawa sya agad ng apoy, and yes humanga na naman ako dahil marunong sya gumawa ng apoy gamit yung mga tuyong dahon tapos sinag ng araw. Hindi ko alam kung paano nya yun nagawa, basta nakita ko nalang na nagiihaw na sya.

"San mo natutuhang gumawa ng apoy?" Usisa ko habang nagiihaw sya.

"Sa school, bakit hindi ba kayo tinuruan sa school nyo?"

Um..Siguro itinuro naman pero hindi ata ako nakikinig nun.

"Tinuro din, hindi nga lang ako nakikinig." Umayos ako ng upo at nagindian sit.

"Madaldal ka siguro sa klase nyo."

Nah, hindi rin.

"Hindi ako madaldal."

"Oh? E ano yung ginagawa mo nung tinuruan kayo ng basic step para gumawa ng apoy?"

Hmm, ano nga ba ginagawa ko nun? Making fire mm..Ah oo! Yun yung time na naglelecture si Mrs. Machine gun tapos first time kong nakita nun si Yuji na dumaan sa pinto at nalove at first sight ako.

"Wala, hindi lang ako nakikinig." Maikling sagot ko. Ayoko naman magkwento sakanya hindi kami close.

"E bakit ka namumula?"

Napahawak naman ako sa pisngi ko. N-namumula ako? Nagflashback lang naman sakin yung first meet up namin ni Yuji.

"May naalala ka no? Boyfriend?"

Sasagutin ko ba? Ayoko magkwento e. Pero baka mamatay nadin kami dito at mastuck sa gubat nato for life, sige ikukwento ko na.

"Oo." May hawak akong patpat at nagsusulat ako sa lupa. 'YUJI' Sinulat ko yung pangalan nya sa lupa. HAYY. Namimiss ko na sya.

"Wag mo kase isipin boyfriend mo, mukha kang nalugian ng negosyo sa itsura mo."

Kanina ang bait bait ng tono ng boses nya ngayon nagAlala-improkrito na naman sya.

"Pake mo ba? Bakit hindi mo ba namimiss girlfriend mo?"

Binaliktad nya yung mga isdang iniihaw nya atsaka sya umupo at tumabi sakin.

"Sa ganitong sitwasyon, dapat pamilya mo yung nasa isip mo at hindi yang boyfriend mo."

"So, hindi mo nga namimiss girlfriend mo?"

Bigla naman nyang kinuha yung patpat na hawak ko nakita kong may sinulat din sya sa lupa.

'S E X'

"Ano yan?" Tanong ko.

"Sex. Paano ko mamimiss ang taong ang habol ko lang ay sex?"

Napausog naman ako palayo sakanya. Sabi na manyak 'tong lalaking 'to.

"Ginagawa mo?"

"Lumalayo sayo, sabi na nga ba manyak ka."

"HAHAHAHA! Charlotte, kung yung babae nga na yun walang respeto sa sarili nya kung makapagsuot ng short kasing ikli pa ng panty, bakit nagshort pa sya diba? Tapos kung magsuot sya ng pangitaas, luwang luwa yung kaluluwa nya. Tingin mo rerepestuhin ko yung mga babaeng ganun? E sarili nga nila hindi nila nirerespeto."

Hmm. May point sya.

"Nagrereklamo kapa e sinisex mo na nga yung tao."

"Haha! Sinasabi ko lang. Kayo ba?" Biglang nalipat yung tingin nya sakin.

"Anong kayo ba?"

"Kayo ng boyfriend mo, ginawa nyo na?"

"Ginawa ang alin?"

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon