CHAPTER 67

3.8K 105 1
                                    


Kinabukasan nagising ako ng may narinig akong ingay sa labas. Dito kasi kami natulog ni Avery sa loob ng kweba na nasa likod ng talon. Kahit matigas yung higaan namin dahil bato iyon, ok narin atleast nasa loob kami at mas secure kami kesa sa labas at nasa kalagitnaan kami ng gubat.

"ARAY!"

"OUCH!"

"AHHH!!!"

Sinuot ko agad yung jacket ko na ginawa kong unan at lumabas ng kweba. Boses ni Avery yung naririnig ko, ano na naman ginagawa ng lokong yun. Paglabas ko nakita ko syang may hawak na malaking bato at parang may hinahampas sya.

"Aray! fffffuck!!"

"Huy! Anong ginagawa mo?" Bigla naman syang napalingon sakin at naout of balance sya dahil hawak hawak nya yung malaking bato ng lumingon sya sakin.

"Oh, gising kana pa---whoa!"

*BOOGSH!*

Natumba sya patalikod habang hawak nya yung malaking bato. Lumapit naman agad ako sakanya at tinulungan sya tumayo.

"Ano kasi ginagawa mo? Tsaka ba't may hawak kang bato?"

"Aish, nagulat ako sayo kaya ko natumba. Sinusubukan ko kasing buksan yang buko para mainom natin yung sabaw." Nakaturo sya dun sa dalawang buko nga na nakapatong sa bato.

"Saan mo naman nakuha yan?" Tumayo sya at kinuha ulit yung malaking bato. Hinahampas nya ulit yung buko para magkabutas.

"Naglakad lakad ako kanina tapos yun may nakita akong puno ng buko."

"Inakyat mo?"

"Oo, alangan naman na antayin kong malaglag yun Charlotte edi inabot ako ng siyam siyam dun."

Namimilosopo na naman sya, dapat talaga gutom sya palagi tulad kahapon para maayos sya kausap e. Tumalikod ako sakanya at nagtangkang pumasok ulit sa loob ng kweba ng magsalita sya.

"Anong gagawin mo?"

"Matutulog."

"Kagigising mo lang ah!"

"Ang ingay mo kaya nagising ako."

"Sige saglit lang ah, kailangan na natin maglakad ulit para hanapin yung way pabalik sa camp site."

Napatigil naman ako sa paglalakad ng maalala kong ngayon ang last day ng Science Camp. Ngayon sila uuwi! Nagmadali naman agad ako at lumapit kay Avery.

"Halika na!"

"Mamaya na maaga pa naman eh. Tsaka hindi ko pa nabubuksan tong buko. Sayang yung sabaw!"

"Avery! Ngayon sila uuwi, ngayon dapat tayo uuwi! Pag hindi natin sila naabutan, maiiwan tayo dito for life!" Nakatunganga lang sya sakin habang nagsasalita ako.

"Fine! Kung gusto mong manatili dito at magbukas ng buko sa buong buhay mo, bahala ka basta ako aalis na 'ko. Magsama kayo ng buko mo." Dali dali akong naglakad palayo sakanya. Kailangan maabutan ko yung bus, kailangan kong makauwi.

"Charlotte, sandale! Oy!" Tumingin naman ako sa likod ko at ayun tumatakbo sya palapit sakin habang hawak hawak yung dalawang buko na hindi naman nya nabuksan.

---

2 HOURS LATER..

Nakayuko na 'ko habang naglalakad, kung kanina full energy akong nagsimula maglakad ngayon parang pinagsisisihan ko ng umalis kami dun sa talon.

"Ano kaya pa?" Siko nyan sakin.

"Nauuhaw na 'ko, hindi mo ba talaga mabuksan yang buko na yan?" Nakatingin pa 'ko sa bukong hawak nya, sa sobrang uhaw ko parang pati tubig dagat iinumin ko may dumaloy lang na tubig sa lalamunan ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon