CHAPTER 68

3.9K 119 3
                                    


"Knock knock"

"Who's there?"

"Ginabing kokey"

"Ginabing kokey who?"

"Just dance! Ginabing kokey, da-rut-du-rut! Just dance!"

"HAVEY! HAHAHAHA!" Pumapalakpak naman ako habang tumatawa.

Habang naglalakad kanina pa kami nagpapalitan ng knock knock jokes. Nao-awkward kasi kami pag walang nagsasalita saming dalawa.

"Game game ako naman. Knock knock."

"Who's there?" Tanong nya.

"Ako maba."

"Ako maba who?"

"Oo, walang duda hahahahaha!" Nagsalubong naman yung mga kilay nya sa kakatawa ko. Sa una hindi nya nagets, kalaunan inaakbayan na nya ko at ginugulo yung buhok ko.

"Sinong mabaho ha? Ha? Ha?!"

"Ano ba hahaha bitaw! Game isa pa. Knock knock!"

"Ayoko na, nageenjoy kang asarin ako e no?" Aniya.

"Hindi hindi, maayos na 'to. Knock knock!"

"Wala kaming yelo!"

"Umayos ka dali na!" Hindi na naman sya makausap ng maayos.

"Knock knock!"

"Tawad!"

*PAK!*

"Umayos ka sabi."

"Hahaha, ako nalang game knock knock."

"Tss. Who's there?" Madaya dapat ako e. tss.

"Semester."

"Semester who?" Tanong ko.

Bigla naman syang humarang sa nilalakaran ko at ginawa nyang mic yung patpat na hawak nya.

"Ikaw na ba si SEMESTER right? Ikaw na ba love of my life?" Kumekembot kembot pa sya habang kumakanta sa harapan ko.

Pinipigilan ko pa tumawa pero kasi ang lambot ng katawan nya mukha syang bakla.

"Bakla ka nung araw no? Hahahaha!"

"Hindi ah!" Hinagis naman nya yung patpat na hawak nya at straight body syang naglakad.

Sabay bawe si loko e. Haha

"Uy joke lang! Hahahaha matampuhin ka rin e no? Oy sandali lang!" Binibilisan nya maglakad halos tumatakbo naman na ako pero ang bilis nya padin.

"Bala ka dyan away mo ko!" Aniya.

"Ano ka bata? Oy bagalan mo naman maglakad!" Halos hingalin na ko kakahabol sakanya pero binibilisan nya parin para hindi ko sya maabutan.

"Avery! Sandali sab--AHHH!!"

---

Avery's POV

Yung babaeng yun pinapatawa mo na nga aasarin kapa. Oo pikon ako, sa sobrang pikon ko nagwawalkout ako. Binibilisan ko lang maglakad para hindi nya ko maabutan, tumatakbo na nga ako. Tinitingnan ko sya sa likod ko, ang layo ko na sakanya. Tumatawa tawa pa ko dahil naiinis na sya pag hindi nya ako mahabol hanggang sa pagsulyap ko ulit sa likod ko wala na sya.

"Charlotte?" Tawag ko pa sakanya pero bigla talaga syang nawala.

"Charlotte?? Wag ka nga magtago nasa gubat tayo uy!" Naglalakad na ko pabalik sa direksyon nya ng may bigla akong marinig na sigaw.

"AVERY! SANDALI SAB---AHHH!!!"

Nanlaki naman yung mata ko at agad na tumakbo sa direksyon ng sigaw nyang yun. Kanina nasa likod ko lang sya, bigla syang nawala tapos ngayon sigaw nalang nya yung naririnig ko.

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon