Chapter 43. [I love you]

322K 5.8K 250
                                    

43. Daniella

Second day ng retreat, binigyan nila kami ng free time. Magkasama kami siyempre ni Bryan. Sina Andie at Kevin magkasama rin. Ang cute nung dalawa. Nalaman ko kanina lang na pumayag na si Andie na ligawan siya ni Kevin. Sina Allison at Erick magkasama rin. Yung dalawang yun naman, ayaw pa mag-aminan.

Sinabi ko na rin pala sa barkada na exclusively dating na ang status namin ni Bryan. Natawa silang lahat. Kami na raw tapos magliligawan pa. Hindi nga pala nila alam yung contract. So ayun inamin namin ni Bryan yung tungkol sa contract, pero sinabi namin sa kanila na totoo na yung relasyon namin ngayon. Nag-promise naman sila na hindi nila sasabihin sa ibang tao yung tungkol sa contract.

Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin ni Bryan. Pero masaya pa rin. There is no dull moment when I'm with him.

"Kelan mo ba ako nagustuhan, Bryan? Hanggang ngayon it feels surreal."

200 201

"Surreal? Bakit naman?"

"Oo. E kasi, iniisip ko bakit ako? Bakit hindi yung mas sexy at mas maganda?"

"Hindi ko rin alam, e. Tama ka, yung mas sexy at mas maganda talaga ang bagay sa akin," sabi niya sabay tawa.

"A, ganon?" Tatayo na sana ako at magwo-walkout. "Uy, teka, eto naman, nagjo-joke lang, e. Alam mo, ikaw ang pinakamaganda, pinaka-sexy, at pinakamamahal

ko, kaya wag ka nang magtanong dyan."

Ang haba naman ng hair ko!

"I know, right?" sabay tawa. "Pero seryoso nga, bakit?"

"Because you're just being you, no pretentions. Nung nakita kitang umiiyak dahil kay Erick, sabi ko sa sarili ko, gusto kitang alagaan, gusto kitang mahalin."

"Yun lang?"

"At saka...you don't know how attractive you are." Ngumiti lang ako. Pulang-pula na ako sa hiya.

Sobrang makapuri si Bryan.

"Wifey, gusto mong humiga sa lap ko?"

Napangiti na naman ako hearing him call me wifey. I gladly accepted his offer. While I was lying, inayos niya yung buhok habang nakatitig sa akin.

And then he leaned down and kissed my forehead. Napapikit ako. Ang saya ng feeling. Tapos inulit niya sa iba't ibang part ng face ko. He gave me little kisses.

"Nakakarami ka na, a," biro ko.

"Sorry, can't help it." He gave me a sheepish smile. "You're doing it again."

"What?"

"Yung ganyang smile. Nakakatunaw."

Iki-kiss na naman sana niya ako pero tumayo na ako. "Sobra na yan, a!"

"Bakit?"

"Sinagot na ba kita?" "Hindi pa. Pero malapit na."

Sinuntok ko siya nang mahina. Natawa kaming pareho. Tapos biglang may naalala akong itanong sa kanya.

"Uhm, Bry, close ba talaga kayo ni Nikki?" "Hindi naman, nakakapag-usap lang. Why?" I bit my lip and tried hard to hide my jealousy. "Bakit mo siya laging kausap lately?"

"There you go again. Here: may hiningi lang akong favor sa kanya. Big favor. Glad she has connections."

"Anong favor?"

"Malalaman mo in time. Trust me, ikaw lang ang mahal ko."

"Eh kasi naman..." "Trust me on this, okay?" "Okay."

"You're the only one I love, Dee. Walang ibang

202 203

babae ang makakahigit sa'yo. I love you." "I love you, too."

He leaned forward and kissed me slowly. He nibbled on my lower lip and I returned the gesture. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit pagkatapos.

God, how I love this man. I'm really just glad to have found him.

Ang Boyfriend Kong Artista. [Published book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon